You'll be in my heart - Tarzan Movie Official soundtrack
(Chapter 11)
Inilipat na namin ang pagkakapatong ng cellphone ko sa gawing gilid ng piano. Kumuha kami ng maliit na lamesa upang doon ipuwesto dahil kinakailangan palang iangat ang lid ng grand piano nila upang mas maganda ang likhang tunog nito.
Tumikhim muna ako ng hangin habang ang atensyon ko at nasa gawi ng bukas na lid ng piano habang abala naman sa pagkapa-kapa sa keys si Evedan. Mula sa aking kinauupuan ay kitang-kitang ko sa malayong parte sa loob ng piano ang pag galaw-galaw ng mga strings dahil sa pagpindot ni Evedan. Para bang mga makina sa pabrika na taas baba.
Hindi ko namalayan sa sarili ko na bahagya akong napangiti dahil sa pagkamangha. Ewan ko ba, para sa akin, ang ganitong klaseng piano talaga ang pangarap kong kapain at panoorin dahil sa nakalilibang na pag galaw ng mga bagay sa loob nito na siyang pinagsama-sama upang makagawa ng pinagkaisang tunog.
Inayos ko ng bahagya ang tindig ko habang nakaupo sa tabi ni Evedan. Sa pagkakataong ito ay nasa kaliwa ko siya sa mahabang bangko na kinauupuan namin samantalang ako ay nasa kanang bahagi niya.
Samakatuwid. Siya ang nakatoka para sa lower keys at ako naman sa higher keys. At sa pag isa nito, maisasakatuparan namin ang parehong mithiin.
"Yara?" pagtawag ni Evedan sa tabi ko. Agad ko siyang tinapunan ng tingin. "A-Ayos kalang ba diyan?" tanong nito.
Napatango ako at sabay na ngumiti. "Oo naman. Ano? Simulan na ba natin?"
Isang matamis na ngiti ang naging tugon nito sa aking katanungan, hudyat na sisimulan na namin ang aktwal na pagtugtog kasama ang isa't isa. Walang pader na namamagitan na gaya ng kinasanayan.
Sa pagkakataong ito ay halo-halong emosyon ang bumabalot sa aking sistema habang nakatingin sa aking daliri na nakapatong pa lang sa ibabaw.
Saya, dahil naging maganda ang usad ng kaarawan ko kahit isang simpleng salo-salo lang kasama ang isang kaibigan, at lungkot. Lungkot na ang kantang tutugtugin namin ang siyang nagpapaalala ng mga importanteng tao sa buhay namin.
Ang kanyang lola na paborito raw ang kantang ito dahil sa unang rinig lang kay Evedan at ang mama ko na humiling na ang kantang ito ang mapakikinggan niya bago mapawi ang kanyang hininga.
Hindi ko alam kung ano ang espesyal sa kantang ito kaya ganoon nalang kung haplusin ang puso ko sa tuwing maririnig ko ito lalo na sa mabagal na bersyon. Gaya ng ginawa ni Evedan kanina.
Parang anumang segundo ay luluha ako. Ang emosyonal kasi ng dating ng mga ritmo. Na anumang pagkakataon ay para kang ibabalik sa mga panahon na imposible ng mangyari sa tuwing pinapakinggan ito.
Tumikhim ako ng hangin at saka nag desisyong kapain ito. Ako ang nagsimulang tumugtog gamit kaliwa kong kamay na siyang nakatoka sa high keys na sinundan naman ni Evedan na siyang nakatoka sa low keys, gamit niya rin sa pagkakataong ito ang kanan niyang kamay.
Hindi muna gumagalaw ang isang naming mga kamay dahil mild at mabagal ang pasok ng kanta sa unang berso. Habang ganoon ay biglang sumagi sa isipan ko ang imahe ni mama noong nabubuhay pa siya. Na pinaggigitnaan nila ako pareho ni papa habang tinuturuan akong tumugtog gamit ang kaliwa kong kamay noong hindi ko pa kayang pag sabayin ang parehong kamay.
Parang unti-unting pinipilas ang puso ko sa mga pagkakataong ito hanggang sa matunton na namin ang pangalawang berso ng kanta na nagsimula na naming gamitin ang pareho naming mga kamay na siyang nag resulta ng magandang paghahalo ng mga ritmo't naging isa.
Hindi kami umiimik sa mga oras na ito at inaabala lang ang mga sarili nang sa gayong ay walang sagabal sa recording. Walang umiimik, parehong dinadamdam ang bawat nota.
BINABASA MO ANG
The Lost Rhythm Behind ✓
General Fiction[SHORT STORY] Ang bawat ritmo ng isang tugtugin ay kayang makapagbuklod at magbigay liwanag sa dalawang taong may magkaibang karanasan sa hamon ng buhay ngunit, pinag-isa ng musika. Started: April 5, 2021 Ended: April 29, 2021 All rights reserved 2...