Chapter 7

18 5 62
                                    

Always Smile - Tido Kang

(Chapter 7)

Pagkauwi ko sa building, agad akong nagbayad kay Mrs. Chua ng upa at dali-daling dumiretso sa aking unit. Habang naglalakad papunta sa palapag ko at papalapit na sa aking silid, namataan kong bahagyang bukas ang pintuan ng silid sa kabila.

Tumatagos mula roon ang liwanag ng silid.

Ang kaninang mabilis na paglalakad, ngayon ay unti-unti ng bumabagal habang binabagtas iyon upang mas masilip ko kung totoo nga ba ang nakikita ko.

Na maliwanag na uli ang silid ng kapitbahay. Teka? Andyan na ba yung may misteryosong kapitbahay ko na manunugtog?

Baka hindi, baka yung totoong may-ari na ng unit ang andyan. Napaismid ako at saka i-unlock ang aking pinto saka ipinihit ang doorknob habang napapatingin sa bahagyang bukas na silid.

Walang nagpapatugtog na siyang inaasahan ko. Kapag ganitong pagkakataon dati, asahan mong musika niya ang bubungad sa'yo, pero ngayon medyo naninibago ako. Iba yung lebel ng pagkapanibago ko nung walang tao diyan ng halos isang linggo kaysa ngayong meron na, pero wala kang maririnig.

Nang makapasok sa loob, agad kong inalis ang sapatos ko at iginilid iyon. Hahakbang na sana ako paalis sa kinatatayuan kong iyon nang maramdaman kong may naapakan akong papel. Dumikit pa ito sa medyas ko. Kaya naman bahagya kong itinaas ang paa ko at hinila ang papel doon.

Sticky note?

Kumunot ang noo ko at saka ibinaliktad ito. May nakasulat. Agad kong binasa iyon.

Sino kaya ang naglusot nito?

Dear Neighbour,

Thank you for the appreciation. Gusto ko ring makipagkaibigan. Nice to meet you, I am Evedan Ron Delos Santos.

Napakurap-kurap ako habang hinahayaang mag sink-in sa utak ko ang nabasa. Wait, so ito na nga ang reply sa akin ng misteryoso kong kapitbahay after a week na naglatag ako ng note sa ibaba ng kanyang pintuan.

Kaya pala maliwanag na sa kabilang unit ay dahil andyan na nga uli siya. Binasa ko uli ang nakasulat sa note at mahinang binigkas ang pangalan nito.

Ibig sabihin. Kamaganak niya si Mrs. Delos Santos na nakatira rito at hindi lang siya bastang tagapagbantay na siyang akala namin ni kuya guard.

"Evedan Ron Delos Santos." bigkas ko.

Lalaki yung andyan, parang sa napanood ko sa Facebook. Teka, is this a coincidence? Bakit halos ang mga eksena sa napanood ko ay walang pinagkaiba sa pangyayari nitong nakaraan?

Bahagya akong napangiti habang naglalakad papunta sa kama upang maupo. Nakakatuwa namang isipin na akala ko ay rejected ang ina-ask kong friendship sa kapitbahay ko matapos itong mawala ng isang linggo.

Pero, yun pala, gusto rin akong maging kaibigan. Well, nice to meet you.

Sa ngayon ay mapapalitan na ang bansag kong misteryosong kapitbahay sa totoo nitong pangalan, at iyon ay Evedan.

So siya pala ang nasa likod ng lahat ng magagandang tugtugin at ka-duo ko. Parang kailan lang na halos mag spy na ako sa kanya, pero ngayon, kusa niyang ipinakilala ang sarili sa akin.

Upang mas makumpirma ko pa ang natuklasan ko ay agaran akong napabukas sa hawak na cellphone at hinanap kaagad sa Facebook ang profile nito.

Para naman may clue ako.

Matapos mailagay ang pangalan nito sa search bar, bumungad sa pinakaunang list ng names ang Evedan Delos Reyes na pangalan. May mutual friends kami sa isa't isa na sampo. Kung sino man ang mga iyon ay hindi ko kilala.

The Lost Rhythm Behind ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon