I

1.6K 33 5
                                    

Ara's POV

Nandito na kaming tatlo sa Arena. Naeexcite akoooo! Medyo madami na din naman.

"Araaaaaa!" - narinig kong may tumawag sakin kaya lumingon lingon ako. Look who, si ate Din din. Nakalaban ko sya nung highschool.

"Namiss kita! Sang lupalop ka ba ng mundo lumarga?" -tanong nya sakin.

"Miss you too Aleona. HAHA. Pinadala ko nila mommy sa London eh. Kaya ayun' -sabi ko at ngumiti

"London? Uy, syempre may uwi ka sakin." -sabi nya at ngumingiti ngiti pa with matching taas taas ng kilay.

"Nako! Ililibre na lang kita. San mo gusto?" - sabi ko

"Sigeeee! Sa Heat tayo." -sabi nya na para bang nanliwanag ang mata

"Sure. Sa Sunday. Deal?" - sabi ko

"Sige ba. Go tayo jan. Ay wait ha, may aayusin pa kasi ako dun eh" - sabi nya at bumeso sabay alis.

Naupo muna kami habang nagbibihis ng jersey yung first batch. Kalikot ng cellphone. Nagmasid masid ako sa paligid ko, may nahagip yung mata kong magandang babae. Matangkad siguro 5'9, morena, may dimples at medyo mahaba ang buhok. Tinititigan ko lang sya ng tapikin ako sa balikat ng isang tao.

"Uhm, meron bang nakaupo?" -sabi nya, referring to the chair beside me. Owmygad, sya to. Yung pretty girl. Pero diba nandun lang sya kanina. Haluuuu!

"Wa-wala. Sige." -sabi ko.

"Nagsasalita ka pala. Haha. Kanina pa kasi kita kinakausap di ka sumasagot eh." - sabi nya at binaba ang duffle bag nya.

Uupo na sana sya nang may tumawag na babae sa kanya.

"Besh! Bihis na tayo. 2nd batch daw tayo sabi ni coach!" -sigaw nung babaeng medyo maliit na maputi.

"Okay besh!" - kaya kinuha nya ulit yung duffle bag nya at nagpunta sa cr.

"Oy kamatis!" -nagulat ako ng may nagwisik ng tubig sa muka ko.

"Ano bang problema mo ate Kim?" -sabi ko habang pinupunasan yung tubig sa muka ki.

"Wala. Dinidiligan ko lang yung kamatis. HAHA ampula mo. Crush mo no?" - sabi nya at ngumiti ng nakakaloko

"Ano? Di no." - sabi ko

"Sus. Ganyang ganyan ka kay Bengbeng noon eh" -sabi nya at nag hand gesture na baril.

Love at First Spike ❌ (GaDez Ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon