Ara's POV
Nadala ko na si Alyssa sa bus. Magkatabi sila ng Den, nasa baba pa si Dennise kausap ni coach kaya nilagay ko si Alyssa sa may bintana.
Umandar na yung bus. Mga 2 hours daw byahe sabi ni coach, Laguna raw eh. Layo pero worth it naman daw dun kasi masarap yung mga dish nila na may kesong puti. Yuum!
"Coach, naiihi daw si Jen!" sigaw ni Jaja sa likod"Stop over muna coach!" sapaw naman ni Jen.
"Shhhhhh! Tulog si Dimac" sabi naman ni Balse.
"Sorry" sabi ng dalawa sa likod.
Kaya nasunod si Jen, nag stop kami sa shell, 7 pa lang naman. Sabi ni coach, pag di daw kami nakauwi ng maaga, mag hohotel kami dun. De syempre mas gusto namin. Haha, may spare naman kaming damit eh, kahit isa sa training kanina. Haha.
"Ara pa bantay si Ly, bibili lang ako ng inumin" sabi sakin ni Den, syempre um-oo ako. Yieeeeh :))
Tulog pa din si Alyssa. Tulog mantika. Haha. Gumalaw yung ulo nya, masama naman ang ikot tumama tuloy sa bintana.
'Aray ko" sabi nya, sabay hawak sa ulo nya at napadilat.
"Okay ka lang?" tanong ko ng natatawa.
"Baliw. Malamang hindi. Nandito na ba tayo?" tanong nya.
Tama, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising, masungit! Haha
"Sungit. Wala pa po" sabi ko
"Naiihi ako Ara. Samahan mo muna ko" nagulat ako ng magsalita si Mika sa tabi ko.
"Sige Alyssa, samahan ko muna" sabi ko
Mika's POV
Okay, masama na kung masama, epal na kung epal. Ayoko talaga sila makitang masaya o kahit magkausap lang. Nagseselos na ko. Masakit na eh. Nararamdaman kong may gusto si Ara kay Alyssa, mga tingin pa lang nya. Alam na alam ko na
"Ara, may communication pa ba kayo ni Bang?" tanong ko
"Mika, matagal na yon. Kalimutan na natin, ayoko nang ungkatin pa" sabi nya.
"Sige" sabi ko
Pagbalik namin sa bus, sakto kami na lang hinihintay.
"Togooool!" sabi ni RAD
"May ginawa pa?" tanong ni Jheck
Nakareceive naman sya ng super batok kay Kim. Sana lang....... Pangarap lang ata yun.
"O upo na nga mabilis tayo" sabi ni coach
Gising na si Alyssa, naka earphones lang sya at naka messy bun. Ayoko syang naka ganyan, mas gumaganda kasi sya at alam kong mas lalo syang magugustuhan ni Ara. Okay bitter na ko.

BINABASA MO ANG
Love at First Spike ❌ (GaDez Ff)
RandomTrue love isn't easy, but it must be fought for and once you find it, it can never be replaced, even if the time and the challenges tested you. (GaDez Fan fiction)