Ara's POV

*kring *kring *kring

Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko. Ang aga aga naman! Sino ba to?

Babe Alyssa calling....

Sya nagpangalan nyan ha. Haha. Bakit kaya.

"Hello Aly, anong problema mo ha?" sabi ko.

"Uso po mag good morning dito samin, dyan ba? Good Morning Babe!" sagot nya naman

"O sige na. Good Morning po. Bakit ka ba napatawag ang aga aga?" tanong ko, kasi naman 6 am pa lang, etong dalawa nga sa gilid ko naghihilik pa, nubayan!

"Sabi ni Kots Ariel, pumunta daw tayo sa Arena lathur, sasabihin na daw yung mga naka pasok sa try out! Naeexcite ako babeee!" hyper nyang sagot

"Anong oras daw?"

"Mga 10 am daw"

"10 am pa! Tapos alas sais ng umaga mo sinabi! Langya ka Alyssa!" sabi ko. Ang aga aga nangbulabog tapos 10 am pa pala. Pasalamat sya crush ko sya at gusto ko marinig ang boses nya ha.

"Sorry na babe! Vic! Sunduin mo ko sa dito! Eliazo dorm! Jogging tayo, nawala na antok ko eh. Tsaka gusto na kita makita. Yieeee" sabi nya. Jusme! Wag mo kong pakiligin Alyssa! Wow naman, buo na agad araw ko.

"Sus! Haha, sigesige. Mag aayos lang ako tapos text kita pa papunta na ko. Bye babe" sabi ko at nag hang up na.

Love at First Spike ❌ (GaDez Ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon