Hindi Ikaw

23 4 0
                                    

Hindi Ikaw
Written by Iamlouise_dado

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
How can you recognize when that person really loves you? Can you find it out or you just assume for it?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

MINSAN hindi mo maiintindihan kung bakit naging sweet nalang bigla ang isang lalaki sayo. Hindi mo alam kung bakit basta nag e-enjoy ka nalang at nakiki go with the flow.

"Leila! Ano kayang mas gusto tanggapin ng mga babae? Flowers or chocolate?" Tanong ni Lincon sakin. Para ba sakin yun? Pero para saan at bakit?

"Di ba pwedeng both? Haha joke."

"Pwede naman. Basta ba yung ikasasaya." Sabi niya sabay wink. Yizz kinikilig aketch.

"Yaay! Panigurado yan." Sabi ko sabay kurot sa pisngi niya. Namumula na kasi yung tengga niya. "Ang cute mo talaga."

"Aaw! Tama na masakit!" Daing niya at hinahawakan na ang mga kamay ko pero diniinan ko pa lalo at shinake pa ang kanyang mukha. Binitawan ko din naman agad matapos kong panggigilan kaya ito namula.

"Yaman mo talaga. Dala-dalawa pa. Baka naman mamatay sa kilig ang pagbibigyan mo niyan." Sabi ko sabay ngiti, syempre nag blush din ako.

"Di pa tapos yun! Harana o sulat?" Tanong niya ulit sabay blush. Ang cute niya mag blush! Para bang fresh at mapupulang tomatoes, yan ang dahilan kung bakit ayaw niyang mamumula ang pisngi in public. Para kasi sakanya ang pangit pangit niya at nakaka-bakla sa paningin ng iba.

"Syempre HARANA! Lahat naman ng babae pangarap haranahin ng isang lalaki no!" Sabi ko at sinuntok siya. "Nakaka-kilig yun."

"Baka naman mamatay na siya sa gagawin ko? Ikaw na nga nag sabi, baka mamatay sa kilig chocolate at flowers palang. Iniisip ko din kasing bigyan din ng malaking teddy bear. Ahmp." Aniya sabay pout. Kyoptaaaa~

"Wow rick kid! Malaki ba talaga nakukuha sa pagbebenta ng ice candy?"

"Baka nag bebenta. Parang boobs mo, wala." Sabi niya. Bastos!

"Dulce de letche! Ang bastos mo!"

"Hahahaha joke lang. Pero real talk, ang fc mo po." Sabi niya sabay tawa.

"Fc?"

"Flat Chested! HAHAHAHA!"

"Heh! Bahala ka jan!"

"Uyy joke lang eto naman. Dali samahan mo ko sa flowershop tas pili ka ng mga bulaklak na magugustuhan ng isang babae." Aniya.

"Ehh? Bakit mo ba yan ginagawa? Tsaka kanino ba?" Tanong ko. "Sakin ba? Ayy! Wag mong sasagutin papatayin kita!"

"HAHAHA ang cute mo! Syempre secret muna. Hahahaha! Wag mo na nga lang ako samahan. Hintayin mo nalang, wag ka sanang himatayin sa kilig!" Sabi niya at iniwanan akong nakatalikod sakanya. Napa-nganga nalang ako habang pulang-pula na ang aking pisngi.

NASA bahay ako ngayon ng bestfriend kong si Leila. Kinwento ko sakanya yung mga sinabi sakin ni Lincon kanina. Sabay kaming kinikilig habang kinekwento ko yon.

"Sabagay, perfect naman kayong dalawa kaya bagay na bagay kayo maging couple! Omg excited na akong mangharana siya sayoooo! Sana ako din may lalaki ding gagawa ng ganun! Yung hot na lalaki!" Sabi niya at binuksan ang t.v.

"Nako hindi pwedeng hot na lalaki!"

"Bakit naman mainit na lalaki? Baka matunaw ka! Nako mawawala na ang bestfriend ko, nooo! Hindi ako papayag!" Pag d-drama ko.

"Huh? Bakit naman ako matutunaw? Ahh! Okay, kasi hot yung lalaki kaya tignan palang niya ako eh matutunaw na ang panty ko? Yiee!"

"Ha? Hindi ah! Diba plastic ka? I mean nag pa-plastic surgery ka? Baka matunaw ka!" Sabi ko sabay tawa.

"Manahimik ka!" Tawa lang ako ng tawa habang siya eh pikon na pikon.

"Uyy Leila! Bakit nanjan ka na sa t.v? Naks di mo naman sinabing sikat ka na!" Sabi ko sabay tawa.

"Huh? San?"

"Ayan oh! Mga lumalangoy na bisugo!" Sabi ko sabay halagpak sa tawa. Napa-pokerface nalang siya.

"Umuwi ka na nga!" Sigaw niya.

PAPUNTA na sakin si Lincon dala ang chocolates na malalaki, mga pulang bulaklak, gitarang nasa case sa likod niya at malaking teddy bear na supeeeer cute! Isang linggo din hindi nag paramdam si Lincon sakin kaya namiss ko talaga siya! Eto na Lilah! Eto naaaa ang beauty mo irampa mo na!

"Besss! Ayan na si Lincon!" Excited na bulong niya sakin habang kinikilig pa. Hindi ako nakapag-salita, kinakabahan ako. Para bang may butterfly sa tiyan ko at para ding natatae ako na nasusuka na ewan!

Nasa harapan ko na si Lincon at naka-ngiti siya sakin. Nginitian ko din naman siya. Eto na, pano kung matae ako habang hinaharana nya ako? Or mahimatay nalang ako bigla? Baka naman mautot ako ng malakas o tumulo ang laway ko? Waah!

"Lilah.." Banggit niya sa pangalan ko. "Pwede bang mangligaw?" Sabi niya.

"Aah. P-pwede naman kaso ayoko talaga ng ligaw kasi baka iligaw mo lang ako kung saan at di na balikan! O kaya naman lokohin mo lang ako kapag tayo na---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Nadurog ang puso ko at tumulo nalang bigla ang luha sa mga mata ko ng sinabi niyang,

"Hindi ikaw! Kundi kay Leila. Si Leila ang liligawan ko."

Not So Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon