Huwag Kang Maniwala

57 5 0
                                    

REBLOG this story was posted on my blog at 12/02/14. I changed the names and added some details but then it was true to life story. Enjoy! ( http://trulygalaxybaby.tumblr.com/ )

Huwag Kang Maniwala.

written by Iamlouise_dado

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"May mga salitang nag papasaya sayo, at sa pag hupa ng panahon, ito rin ang makakasakit sa'yo."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

        Sana sa mga efforts na ginagawa ko eh masuklian ito at hindi basta masayang. Sana maging masaya na ako sa ginagawa ko na inuuna ang iba kaysa sa sarili. Masakit kasing binabasura lang ng iba yung pagpapahalaga at pagaalala mo sakanila. Yung tipong niloloko mo lang ang sarili mo na gusto nila yung efforts na ginagawa mo pero hindi pala. Alam kong dapat hindi ako maniwala sa pinagsasabi ng iba, pero sa kinikilos nila? Masakit. Kasi mismong sa ikinikilos nila eh pinagtatabuyan na nila ako.

        Dumako ako sa gawing likuran sa kadahilanang ako’y mag-aaral sa nalalapit na pagsusulit sa Filipino na tungkol sa “Noli Me Tangere”. Ako’y nag simulang buksan at halukayin ang libro upang maalam ang mga maaring sagot sa aming pagsusulit.

        Biglang nag salita ang aking katabing lakaking kaklase. Isa sa mga kaibigan o ‘tropa’ ko. Tropa nga bang maituturing? Oo. Dahil kahit anong gawin nila, mahal ko sila at tinuturing ko silang isang mabuting kaibigan. Hindi ko nga namalayang katabi ko pala siya at nag aaral din, busy kasi ako sa pag re-review.

        “Fritz, alam mo bang ikaw ang kilala ng pamilya ni Franz na GIRLFRIEND niya?” Sabi nito. Ginatungan din ito ng katabi niyang tropa din namin, "HAHA! Oo nga! Naalala ko yon! Kayo ah!"

        Ngumiti ako at napa-iling, “‘Wag nga kayong mag biro ng ganyan.” Bigkas ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa narinig ko. Nako, sana nga totoo.

        “Oo nga, hindi kami nag bibiro. Ayaw mong maniwala?” Sabi nila.

        “I-imposible naman kasi yang sinasabi niyo.” Na-uutal kong sabi sakanila.

        “Hindi nga, totoo nga ‘to. Kasi nung pumunta ako sa bahay nila, tinanong ako ng kuya niya kung may girlfriend na ba siya, sinabi kong OO kasi biro-biro lang pero nagulat ako ng sabihin niyang ‘si Fritz Fuentes ba yun?’ nagulat ako sa sinabi ng kuya niya at napatingin kay Franz pero—-“

        Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya. Masyado nang maraming impormasyong pumasok sa utak ko. Hindi. Sabi ko sa sarili ko. Hindi totoo ‘to. Lumabas ako ng classroom, pumunta sa garden ng school. Nag isip isip muna ako saglit at nag pahangin.. Posible kaya?

        Bumalik na ako sa classroom, mag te-test pa pala ako. Mabuti nalang nakapag-review ako kanina at salamat din sa stock knowledge.

        Pagkapasok ko ng room, ayan nanaman si Franz.. Nakikipaglandian kay Cathy. Nakaka-inis isipin na baka pinag t-tripan lang nila ako kanina kaya nila nasabi ang mga bagay na yun. Baka naman dare? Or what. 

        Nag test na kami at in fairness, kahit hindi ako masyadong nakapag-review at nalilito ako sa sinabi nila kanina eh nakasagot pa din ako at mataas ang nakuha sa pagsusulit.

        Lumipas ang ilang buwan, hindi pa din maalis sa isip ko ang mga sinabi nila. Lagi nalang ako lutang kapag walang klase at kapag tatanungin nila ako kung anong problema, sasabihin ko nalang na "Wala 'to. Wag niyo nalang pansinin." sabay ngiti at alis sa tabi nila. Pero sa pagkalipas din ng oras, hindi ko na napigilan at sinabi ko rin sa isang kaibigan ko.. Isang napaka-lapit talaga sakin at alam kong makakapagkatiwalaan ko. Umiyak ako sakanya, kasi bakit ang komplikado naman, diba?

        Nung nalaman na niya, inobserbahan niya na si Franz. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng tropa niya, kasi wala daw bahid ng 'pagkagusto' sakin ang nanaig kay Franz. Kung meron, bakit hindi na niya daw ako niligawan at bakit patuloy pa rin siyang nalandi sa iba. Pero kahit anong sabihin niya, isa pa ding palaisipan ang sinabi ng mga tropa niya. Hindi pa din ako tumigil.. At kapag nag kakausap kami, sa bawat tingin niya sakin na nahuhuli ko.. Patuloy din ako umaasa at nag a-assume na 'meron' talagang something. Matuloy ko pa ding pinapaniwala sa sarili kong 'May pag-asa na magkatotoo'.

        

        Isang araw, isang problema ang dumating sa akin- sa amin. This time, nasandalan ko siya pati ang mga tropa niya. Akala ko meron talaga, kasi pinunasan niya ang luha ko, pinalakas niya ang loob ko at nasandalan ko siya. Naramdaman ko sakanya ang pagmamahal, pagaalala at pagalaga.

        Pero hindi pa pala..

       Ginawa niya lang pala yon dahil sa pag comfort sakin dahil 'bestfriends' lang kami. Oo tama, best firends lang kami. Best friend lang ang turing niya sa akin. Sabagay, at least nagagawa niya ang pagiging bestfriend niya. At least naramdaman ko din sa wakas sakanya.

        Bumalik nalang sa isip ko ang nangyari noon. Nakita pala kami ng ate niyang mag kasamang nag lalakad at siguro doon nag simula. Oo nga pala! May nakapag-sabi nga rin pala sakin na niloloko lang talaga ng kuya niya ang tropa ni Franz, marahil nakita kami ng ate niya at pinagsabi sa ibang miyembro ng pamilya, nakilala ako bilang girlfriend pero hindi naman totoo.

        H’wag ka kasing maniwala. Dahil wala ngang katotohanan ang lahat ng mga sinabi nila. Wag kang maniwala dahil patuloy ka lang masasaktan. H’wag kang maniwala, kasi kung maniniwala ka.. Lalo ka lang masasaktan at aasa. Huwag kang maniwalang may pag-asa pa, dahil may girlfriend na siya ngayon at masaya na silang dalawa samantalang ikaw, patuloy paring niloloko ang sariling, 'may pag-asa pa' kahit wala na talaga.

        Lesson: Before you assume, there's a thing called asking. Ang mali lang ni Fritz, sa huli na niya nalaman ang totoo dahil hindi niya na agad tinanong MISMO kay Franz kung ano ba talaga ang totoo, bakit nasabi ng tropa niya ang mga bagay na yun. Sa huli lang niya nalaman kung saan lumalim na ang pagmamahal niya para kay Franz. Sa pag assume at paniniwala niya, patuloy lang siyang nasasaktan. Kaya h'wag kang maniwala sa sabi-sabi kasi maaring ang sabi-sabi na yan ang sisira sa maraming bagay.

Not So Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon