*beep*
Tinigil ko muna yung pag ddrawing dahil mukhang may naligaw na text sa selpon ko.
"Shet sino kayang shungang naxsend sa number ko?" Sabay kuha ng selpon ko.
Unknown: Send dumb ways to die :<
"Dumb ways to die? Diba laro yon? Weird naman sino ba to?" Sabi ko sa isip ko
Me: wala po akong laro sa selpon hehe
Unknown: penge nalang blade
Me: huh? Teka kilala ba kita? Teka may problema ka ba? Care to share?
Unknown: broken kasi ako... lalake ka ba? Pwede ka ba maging bf?
Hmm bf? So babae sya? Wtf?Ayokong maging bf netong babaeng to, mygahd lalaki ako pero lalake rin hanap ko. Hanubayan Lord bakit puro babae binibigay nyo saken???
Me: ahmm.. babae po ako hehe
Mabuti na yung sigurado baka mamaya maghabol sakin to eh... charooott
Unknown: sayang naman... kumain ka na?
Luh? Sino ba tong ghorl na to nakakaloka mga tanungan.
Me: sino ka po ba? Hehe curious lang
Unknown: I'm ann... anonymous :>
Me: ahmm hehe.. sige tulog na ko
Unknown: gudnyt sleepwell :>
Weird naman netong kausap kakaloka.
----
Pagkatunog ng alarm ko tinignan ko sa selpon ko kung anong oras na ba. 6 am na... SHEEETTT DI KO NGA PALA NATAPOS YUNG PLATES KO KAGABI! Mamaya na ipapasa yon e potek na babae yon pahamak.
Unknown: goodmorning! Have a great day!
"Great day mo mukha mo dahil sayo wala kong ipapasa ngayon." Sabi ko sa isip ko at galit kong inilagay ang selpon sa bag ko.
"Makaligo na nga badtrip" sabi ko habang papunta sa cr.
----
"May quiz daw mamaya nagreview na kayo?" Narinig kong sabi ng klasmeyt ko pagpasok ko sa classroom
"Luh may quiz?!" Sabi ni Gavin
"Shit di ako nakapagreview" sabi naman ni Clint
"Sameee! Tinapos ko pa yung plates ko" umayon naman sa kanya si Austin.
"Buti nga kayo natapos nyo yung plates nyo eh" sabi ko sa mga tropa ko sabay lapag ng bag
"Gago ka ngayon na ipapasa yon" sabi naman ni Lyle
"Alam ko, may bwiset kasing babae na nagtext sakin kagabi eh" sabi ko. Lima kaming magtropa, tatlo kaming bi nila Clint tsaka si Gavin tas yung dalawa beks, pero di kami ganon kaladlad so parang normal na lalaki pa rin. Aware naman lahat ng kaklase namin na ganon kami.
"Ano nangyare? Jowa mo na?" Pang asar naman na sabi ni Lyle
"Gaga ang oa mo naman! Nakakabadtrip nga eh dahil sa kanya hindi ko natapos yung plates peste!" Nabadtrip tuloy ako.
---
Natapos yung quiz namin and ayon muntik na kong pumasa sayang. Graduating pa naman ako jusko. At dahil mabilis naman ako makamove on nidedma ko na lang yon, yung mga beks din naman di nakapasa so okay lang goals talaga kami. Pumunta na kami sa cafeteria para mag lunch.
"Flynn tignan mo si Angus napaka friendly talaga nyan halos buong estudyante ata sa floor natin kaibigan niya ih" sabi ng Austin sakin sabay nguso kay Angus.
YOU ARE READING
Feelings left unfelt
कथेतर साहित्यWhat if you're brave enough to confess? What if He also have a feelings for you? What if it's not too late? What if...?