Chapter 2

3 0 0
                                        

Em: Good morning, have a great day ahead!

Ano ba to GM? Tagal tagal na non ah may nagggm pa pala? Syet makakilos na nga baka malate na naman ako dahil dito sa babaeng to.

---

“Goodmorning class! Ngayon ko ieexplain ang pinaka mahalagang project nyo this sem, pag hindi kayo nakagawa, babagsak kayo and syempre hindi kayo makagraduate. Ang hassle diba? Kaya I encourage everyone na take this project seriously.”

Kahapon pa ko kinakabahan about sa project na to, mas malala pa ata yung kaba ko ngayon.

“This will be done by pair and ako ang nagdecide kung sino makakapair niyo para merong partner ang lahat and para wala ring magrereklamo. Okay so ang first pair ay sina Mr. Angeles and Mr. Achilles. Second Ms. Badley and Ms. Cael"

"Yes!!" Nag apir sila ni Jm tsaka si Liam. Shet sana makapartner ko yung isa sa apat kong tropa.

"Pansin nyo? Nipapair ko kayo base sa surnames and sa gender nyo. Mr. Millanez you'll be pair with Mr. Miller. Ms. Morales partner kayo ni Ms. Montes"

"Owemjiii" nagyakap pa silang dalawa nila Clint jusko. So sinong partner ko?

"Ms. Rivera and Ms. Romero partners kayo. Mr. Pelaez your partner is Mr. Petalson"

Hmm... pwede na pero feeling ko ang awkward nun. Tungkol saan kaya yung project?

"The last pair Mr. Valencia and Mr. Velarde. Okay guys ha, may partner na lahat. Okay so ang gagawin nyo pupunta kayo sa lugar na sa tingin nyo may elements sya ng architectural design. Gagawa kayong report dun sa lugar na yon, plates din syempre di yan mawawala. Drawing ng mga landscapes kung meron man, syempre pati yung mismong structure. Gumawa na rin ako ng mga letters para sa mga magulang niyo. Papirmahan niyo yan sa parents niyo. Magpaalam kayo pls lang. Malinaw ba class?"

"Sir kahit saan po pwede?" Tanong ni Rheign.

"Yes. Pwede kayong out of town or something, pero wag kayong lalabas ng bansa syempre baka mamaya nasa Sydney Opera House na kayo tas walang alam yung mga magulang nyo." Nagtawanan kaming lahat sa sagot ni Sir.

"Sir kailan po mag sstart umalis?" Tanong ni Liam.

"Alis na alis na ba kayo? Sige bukas na agad, char" pabirong sabi ni Sir. Ang light talaga ng atmosphere sa kanya.

"Syempre bukas magpprepare muna kayo ng mga dapat niyong dalhin so sa susunod na bukas na wag kayong masyadong excited." Paglilinaw si Sir. Nice makakahingi pa kong budget.

"Sir kailan po ipapasa?" Tanong ni Louise.

"1 month ang palugit so kahit kailan niyo matapos I'll accept it pa rin naman" Sagot ni Sir.

"Sir paano po yung iba po naming subject? Kung nakaout of town po kami?" Tanong ni Austin. Oo nga noh?

"Excused na kayo don parang pinaka project nyo na saming lahat ng subject teachers niyo yun kaya kailangan may gawa kayo. Kung wala edi see you next year" sagot ni sir. Owemji kinakabahan pa rin ako.

"So kung wala ng tanong go to your respective partner and pag usapan niyo na yung mga plano niyo or kung saan kayo pupunta. Also provide me a ¼ sheet of paper with your name and your partner’s name at kung saang lugar kayo" sabi ni sir. Papunta na sana ko sa pwesto ni Angus pero naunahan niya ko kaya nagkasalubong kami. Potek, nakakahiya…

“Ahmm… ano bale saan tayo? May alam ka bang lugar na pwede?” tanong ko sa kanya para di maging awkward.

“Gusto mo ba mag out of town tayo?” tanong niya sakin pabalik.

Feelings left unfeltWhere stories live. Discover now