"Hala sorry... kanina ka pa ba nag hihintay? May nangyari kasi sa bahay ih pasensya na nalate ako" pagpapaliwanag sakin ni Angus.
"Baliw okay lang ako lang to oh" sabi ko sa kanya habang natatawa para di siya masyadong makonsensya. Actually medyo natagalan din talaga siya. 9 ang usapan na magkikita kami para bumili ng mga kailangan naming dalhin sa Ilocos. Tas 9:30 na siya dumating, pero keri lang 9:20 naman ako dumating eh.
"Ano? Tara na?" Pag aaya niya sakin.
--
"Ano ba mga kailangan nating bilhin?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm... katulad sa mga dinadala sa fieldtrip tsaka camping. Pagkain syempre, tas damit na pamalit. Tingin na lang din tayo diyan kung meron pa tayong kailangan." Sagot niya sakin.
"Sige dun muna ko sa may biscuit section" paalam ko sa kanya. Ano kayang magandang isnack habang nasa byahe...
"Ay kailangan ko pala ng candy" sabi ko sa sarili ko kumuha ako ng mga tatlong balot na iba't ibang klase. Kumuha rin ako ng plastic bag para may masusukahan incase lang naman 11 hrs din yon. Pagbalik ko kay Angus andami niyang dala na cupnoodles, mga lima siguro.
"Di naman halatang paborito mo yung creamy seafood noh?" Tanong sa kanya.
"Ayy..." sabi niya nang nakangiti habang kinakamot yung batok nya na para bang nahihiya. Shet and kyut ny- whut?! Ano bang pinag iisip mo Flynn!
"Bat andami mong dalang plastic??" Nagtatakang tanong niya.
"Alam mo na baka gumawa ako ng lugaw habang nasa byahe. Di kasi ako sanay bumyahe hehe" nahihiya kong sagot sa kanya.
"Hala dapat sinabi mo sakin edi sana sa malapit na lang tayo. Pero ako rin naman kaya siguro sabay nalang tayong gumawa ng lugaw" biro niya na para bang pinapagaan niya yung loob ko.
"Ay nga pala ano oras tayo aalis?" Tanong ko sa kanya.
"Mamayang 9 ng gabi para umaga tayo makarating dun. Okay lang ba?" Nako, kailangan ko pala magpaalam kay mama.
"Uy may gagawin ka ba pagtapos natin mamili?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman bakit?" Tanong niya sakin pabalik.
"Ano kasi, pwede ka ba pumunta sa bahay? I mean iconfirm mo lang kay mama na ikaw kapartner ko sa project para di mag alala hehe pwede ka?" Tanong ko sa kaniya. Nakakahiya, kaso kasi baka paghinalahan ako ni mama na gagala lang ih.
"Okie yun lang pala eh ano tara punta na tayo sa inyo?" Alok niya sakin. Waw ah siya pa talaga naglead ng way ha. Kala mo naman alam kung saan papunta. Ang kulet neto.
---
Kinakabahan ako. Pakiramdam ko maglelegal ako ng jowa sa bahay. Charot.
"Good afternoon po" pagbati ni Angus kay mama tas nagbow pa. Huwaw korean yarn? Charot.
"Di mo naman sinabi na magdadala ka ng kaklase mo, ano kumain na ba kayo? Sandali ihahanda ko lang yung pananghalian natin. Maiwan ko muna kayo dyan" sabi ni mama tsaka siya nagpuntang kusina.
"Huy sabi mo sasabihin ko lang na ako yung kapartner mo, nakakahiya kay tita" bulong niya sakin na para bang hiyang hiya.
"Baliw okay lang yan tanghali na rin naman na tas wala pa tayong kain." Pagcocomfort ko sa kanya.
---
"Ano oras nga pala kayo pupuntang Ilocos?" Tanong ni mama kay Angus.
"Mamaya pong 9 ng gabi okay lang po ba?" Pagpapaalam niya kay mama.
"Sige lang basta mag ingat kayo don ha? Umuwi kayong buhay parang awa niyo na" pagpayag ni mama sa kanya. Ang oa talaga ni mama.
"Grabe ma para namang may mangyayari samin" tsaka ko lang narealized na double meaning pala yung sinabi ko. Kakahiya.
"Aba iba na ang panahon ngayon, lahat pwedeng mangyari" sagot ni mama na may tonong pang aasar. Nakakahiya, ang hirap talaga magpalaki ng magulang.
"Nako tita sisiguraduhin ko pong walang mangyayaring masama samin, di ko lang po alam kung meron samin" pang aasar niya sakin. Say whutt? Close ba kami? Sakalin ko na kaya to? Nasstress na ko sa conversation nila.
"Osya mag ingat kayo mamayang gabi ha" bilin samin ni mama.
"Sige po tita maraming salamat po sa masarap na tanghalian. Una na po ako" Paalam ni Angus kay mama.
"Ma hatid ko lang siya sa sakayan ah?" Paalam ko rin kay mama.
---
"Ang bait ng mama mo, sarap pa mag luto" papuri niya kay mama. Tinawanan ko lang siya, di ko alam sasabihin ko eh.
"San pala tayo magkikita mamaya?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Sa bahay namin? Pm ko nalang sayo address namin. Pati yung mga dapat mong dalhin. Call tayo mamaya para maconfirm natin sa isa't isa kung meron ba tayong available na gamit." Paanyaya niya sakin.
"Okay, ano oras ako pupunta sa inyo?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Mga 8 since 9 pa naman tayo aalis para macheck natin lahat kung okay na ba." Sagot nya sakin.
"Okie. Sige na ingat sila sayo." Paalam ko sa kanya habang nagbabye.
YOU ARE READING
Feelings left unfelt
Non-FictionWhat if you're brave enough to confess? What if He also have a feelings for you? What if it's not too late? What if...?