Chapter 5

33 1 2
                                    

Aya's POV

Sobrang sama ba nung ginawa ko? Hindi naman diba? Gumanti lang naman ako dahil sa ginawa nya. Nakakainis kaya yun! Kung ikaw babae tapos ginawa sa'yo yun hindi ka ba maiinis? Pero galit sa akin si bes! Na-guilty naman tuloy ako. I shall say sorry later.

*****************************************

Nagstart at natapos ang klase na hindi ako pinapansin ni Jane. Galit talaga sya sa akin. Hays Oo na ako na! Ako na ang kontrabida sa story na 'to ako na ang masama! Tsk 

At pati si Mitch nahalata ko na hindi ako pinapansin. Ano ba to? May ginawa ba ako sa kanya? Ang pangit naman ata na first week pa lang ng school year and dami ng pangit na nangyayare sa social life ko dito sa school. Ang lungkot naman.

"Girl, una na kami sa'yo ah? May drill pa kami eh. Bye!" Pagpapaalam sa akin ni Yannie, kasama nya si Rudy at Mitch, mga officer kasi sila sa CAT kailangan daw nila magreport. 

"Oh sige. Bye." Malumbay na sagot ko dahil wala na ako sa mood para mag inarte.

"Ako din dear gogora na ako, andyan na si boylet eh. Bye bye!" Si Lala naman ngayon ang nagpaalam, tumango na lang ako. Si Jane nakita kong lumabas na din sya, wala syang balak magpaalam, galit talaga.

Naglabasan na ang lahat ng classmates ko at mag isa na lang ako dito sa loob ng classroom. Napaub-ob na lang ako sa armchair ko habang nagrereflect. Makalipas ang 30 minuto napagdesisyonan kong lumabas na. Uuwi akong mag-isa dahil busy ang mga kaibigan ko sa kanya kanya nilang affair. Since next week pa magsstart ang practice namin para sa pagsasayaw wala pa ako masyadong pinagkakaabalahan tuwing activity period.

Hayy ang lungkot naman ng buhay. Mag isa akong uuwi. Mabuti pa si Jane may taga-hatid sundo, si Lala meron din. Dapat ako meron din eh. Teka may manliligaw naman ako ah! Si Jake, asan na ba si Jake? Lumingon lingon ako sa paligid, baka sakaling makita ko sya.

Sa paglilibot ng mga mata ko iba ang nakita ko, si Zander. Ibang babae na naman ang kasama nya, parang may kung anong tumusok sa puso ko lalo na nung mapalingon sya sa akin at hindi sinasadyang magtama ang mga mata namin.

Umiwas na lang ako ng tingin dahil hindi nga kami close. Hindi ko pa din makalimutan yung encounter namin sa likod ng school building. Ang gulo gulo nyang tao, pero aminado akong mas magulo pa din ako. Hayy.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad and this time papunta na ako sa main gate para lumabas. Pero napahinto ako nang makita kong papalapit sa akin ang mga nagdi-drill na CAT. Napangiti ako kasi si Mitch ang nagcocommand sa kanila, Sila nina Rudy at Yannie ay mga officers ng CAT sa school namin, matatangkad kasi sila samantalang kami ni Jane ay hamak na mga pandak lang. Hays unfair noh? Kinindatan ako ni Mitch kaya bigla naman akong nawirdohan sa kanya, diba hindi nya ako pinapansin?

"Pulutong.... 'to!" Command nya sa kanyang platoon. Commad ito na ang ibig sabihin ay "huminto", may kaunti din naman kasi akong alam dahil sa mga kwento nila tungkol sa CAT. 

At huminto naman ang platoon ng CAT sa harap ko. Dahil nakatayo na din lang naman ako dito ay napagpasyahan kong manood na lang muna sa kanila. Lagi ko naman itong ginagawa since nung third year kami kaya nga meron na din akong alam sa CAT base sa mga kwento sa akin nila Mitch.

"Tikas.... Pahinga!" Ito ang sumunod na command ni Mitch sa mga kadete, command ito na ang ibig sabihin ay tumayo na nakahiwalay ang dalawang paa ng isang ruler tapos yung kamay ay naka-rest sa likod.

Habang hinihintay ko yung susunod na command ay nabigla ako nung may tumugtog na kanta mula sa likod ko. Napalingon ako sa likod pero wala namang tumutugtog ng istrument o kaya sound system, saan kaya galing iyon? Ngayon ko lang 'to narinig, mukhang love song kasi acoustic ito at hindi naman ako mahilig sa mga ganyang genre.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mischievous HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon