Chapter 3

33 2 5
                                    

Chapter 3

Benjamine “Benj” Villarama’s POV

“Shit! Shit!”

Ang dami ko nang mura. Pucha. Naiihi na talaga ako, kelangan ko nang magmadali, sigurado andun na si ma’am sa classroom, naku mali-late ako! Dali-dali akong pumunta sa pinakamalapit na CR na panlalake.

Teka bakit naka-lock? Shit talaga. Pambihira, sino namang poncio pilato ang magla-lock nito? Badtrip naman, siguradong may nangyayaring kababalaghan sa loob. Mga bromance talaga. Tsk!

Wala na akong choice kaya pumunta na lang ako sa likod ng building para doon umihi. Alam kong unethical gawin yun pero kailangan ko na talaga tong ilabas puputok na ang pantog ko tang*na! Saka lalake naman ako kaya okay lang yan.

Dali-dali akong naglakad, ay hindi pala kasi halos tumatakbo na ako.

“Ah potek!”

Lalabas na talaga. Nakalagay na sa zipper ko yung dalawang kamay ko para humanda.

Malapit na.

Konti na lang.

Heto na.

*BOOOGGGGSH!!!*

“WOOOOAAAH!”

May nabangga ako! Itataas ko sana yung dalawang kamay ko kasi nakakahiya naman kung makikita nyang nasa may parteng *censored* ko yung mga kamay ko.

Pero malakas ang impact ng pagkakabangga namin kaya ang tendency ay matutumba kami at maghahanap ng makakapitan para hindi matumba. Kaya siguro nakakapit sya sa mga bisig ako at ako naman imbes na maitaas ko yung kamay ko ay aksidenteng nahawakan ko yung…

Yung hinaharap nya! O________O

*PAAAKKKKKKKK!*

“Aray!”

Bigla nya akong sinampal! Ang lakas ng sampal nya na halos maitapon yung mukha ko sa right side. Shit ang sakit!

“BASTOS KA! BASTOS!” >_______<

Nang isigaw nya sa akin yun napatingin ako sa kanya at saka ko lang nalaman na si Ayeana pala yon. Ang mataray na bestfriend ng girlfriend ko!

“S-sandali Aya. Hindi ko sinasadya. S-S-SORRYYY!!!”

Hindi ko naman talaga sinasadya. Hindi nya ako pinansin bagkus ay tumakbo na sya ng mabilis papalayo at ako naman tumuloy na sa dapat kong gawin.

“Woooh!”

Mischievous HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon