CHAPTER 2:Meet The Three Guy

0 0 0
                                    

Sa hindi namamalayang oras break time na pala...

Naglakad lakad muna ako para hanapin ang canteen ,hindi ko naman magawang magtanong kasi ayaw 'kong nakikipag usap sa tao.

Konting minuto lang nahanap ko na ang canteen ,medyo may kalakihan rin naman kasi ang campus na to.

Pumasok ako sa canteen at umupo sa ika huling table ,wala kasing tao dun.

May menu sa table na pagpipilian mo ng kakainin mo.

May palapit sa aking babae na naka-uniporming pula ang kulay,siguro nag tatrabaho siya dito sa canteen,kasi ang theme ng canteen is red,so maybe she's working here.

"Ma'am ano pong order niyo?"tanong sa akin nung babae,it means waitress siya dito,style restaurant pala ang canteen na to

"Egg sandwich pakidagdagan ng cabbage--

"Ah ma'am ,di po ako sigurado kung pwedeng dagdagan ng cabb---

"Don't worry dadagdagan ko naman ang bayad ko"

"Ah sige po"

"and water"pahabol na order ko

"Just wait a second ma'am"

Ngumiti na lang ako at nilabas ang librong binabasa ko 'The Alchemist by: Paul Ceolho'

Kahit nakatalikod ako sa pintuan narinig kong may pumasok ,tatlong tao sa palagay ko.

Sa sobrang tahimik ng pinanggalingan ko hindi ako sanay sa ingay kaya malakas ang pang rinig ko.

Tuloy pa rin ang pagbabasa ko ng libro habang hinihintay ang pagkain ko.

Sakto ayan na pala yung pagkain.

"Ma'am ito na po ang order mo"Ang sweet ng boses ng babaeng ito at maganda rin siya,parang kumikinang ang mata niya.

Umalis rin agad siya at bumalik sa pwesto niya.

Tumingin ulit ako sa librong binabasa ko habang kumakain ng sandwich .

Naririnig ko na ang hakbang nung pumasok sa pinto.

Lumalakad sila papuntang unahan,tiningnan ko ng pasimple kung tama ang hula ko na tatlo sila,tatlong lalaki.

At tama naman ako,noon pa lang talaga gustong gusto ko ng humuhula ,libangan ko lang.Kahit kailan hindi pa ako nagkamali ng hula.

Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa libro.

"Sheena,dating order lang" sigaw nung isa sa tatlong pumasok ,sheena pala ang pangalan nung waitress.

Walang good manners and right conduct yung lalakeng yun ah,akala ba niya walang ibang tao dito sa canteen.

Tumingin ako kung saan sila nakaupo,gusto kong tandaan ang muka nila,pag may kasalanan sa akin tinatandaan ko ang muka ,para sa akin may kasalanan na sila,ayaw ko kasing may maingay lalo na kung nagbabasa ako.

"Sir ito na po"dumating si Sheena dala ang order nila.

"Thank you"Sabi nung sumigaw kanina, napansin ko sa muka ni Sheena na namula ang pisnge niya .

Itinuloy ko na lang ulit ang pagbabasa ko

"Nasabi ko na ba sayo na ang isa sa tuta mo nabalian ng braso"bakit ba ang lakas ng boses ng isang to!!!!

"Oo"aba rinig na rinig ko ang pag uusap nila.

"HAHAHAHAHA kawawa naman ,may pagka manyak kasi HAHAHAHAHAA" hindi ba nila alam ang salitang silence.

Uminom ako ng tubig para kumalma

Habang tumatagal lumalakas ng lumalakas ang tawa nila.

Napalakas ang paglagay ko ng baso sa lamesa sa sobrang inis ko,kaya ang attention ng lahat ng na sa canteen ay nakuha ko ng hindi sinasadya.

Lumapit sa akin yung tatlo na para bang curios sila.

"Hi miss bago ka lang ba dito?"ano sa tingin mo?sira ulo tsk.

"Hindi ka ba nagsasalita?"saad nung maingay kanina

"Baka naman nahihiya ka sa kagwapuhan ko"saad nung kausap nung maingay kanina

Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa libro.

"Wag ka ng mahiya ,alam kung gwapo ako ,pero wag mong ipahalata"saksakan ng yabang naman pala tong maingay na to.

"Alis ,ako ang makikipag usap"sabi nung lalaking kadaldalan kanina nung maingay.

Ang ingay ingay ng dalawang to samantalang yung isa nilang kasama naandun lang sa table nila.

"Alam kung gwapo to*turo kay maingay*pero mas gwapo ako*turo sa sarili*" wala namang sinabi sa balita na may malakas na hangin ngayon.

"Can't you see that I'm reading"di ko na matiis ang kaingayan nila!!!

"Sabi sayo eh ako ang makikipag usap HAHAHA"sabi nung lalake dun sa maingay kanina

"Hi ako nga pala si Lucas" saad nung maingay kanina

"Ako naman si Dylan" saad nung kadaldalan kanina ni maingay

"Tsk.Nonsense"

"Hindi ako nonsense ,marunong kaya akong magpatugtog ng Clarinet" saad nung Dylan

Ano ngayon kung marunong siya

"Then,who is one of the great modern masters of the clarinet ?" Tanong ko,Tingnan natin kung hindi ka talaga nonsense.

"Ah-ah-eh-ah Hyzart tumayo ka nga diyan halika dito tulungan mo ako"so Hyzart pala ang pangalan nung tahimik.

"Benny Goodman,a jazz musician and bandleader who was equally skilled as a performer of classical music"sagot nung Hyzart well tama naman siya,matalino pala to kaya tahimik.

"O ayan nasagot na,hindi na ba ako nonsense"hindi ba talaga ako titigilan nito

"Ikaw ba ang sumagot?"Pang aasar nung lucas

"Tsk,by the way anong pangalan mo miss?kahit wag mo ng sabihin basta mag date tayo"sabi nung dylan

"Goodbye"saad ko

"Teka aalis ka ng hindi sinasagot ang tanong ko?"

"Ang sagot dun wala akong pake,bye bye,sana hindi ko na kayo makita"saad ko

"By the way,ako nga pala ang bumali sa braso ng isa sa mga tuta mo" pahabol na saad ko.

PROMISEWhere stories live. Discover now