Part 16 Ang Buwanang Pagkabigo

44 0 0
                                    

(Kelly)

"Anak mag sashopping tayo bukas ha saturday naman diba? kaya matulog ka ng maaga ha! MAg beauty rest ka! Kita mo yang eye bags mo lumalaki lalo eh, at parang stress na stress ka yata sa midterm niyo?

Ah! Hayaan mo ipapaparlor kita!. Pedicure, manicure, hair spa at facial pa!,.naku! Ano nalang sasabihin ng kapatid ko pag nakita ka niya ha! Sasabihin nun pinapabayaan kita eh at Kelly magpaki-"

"dad hindi ba ako ganun kaganda?"

Putol ko sa litanya nang dad Fel ko, ang bading kong daddy.

Napanganga naman siya sa tanong ko

Mga 10 seconds yata siya sa ganung position niya, tumayo nalang din ako mula sa kama ko at hinawakan yung baba niya para eh close yung bunganga niya

"Dad naman eh mapapasukan ng langaw yang bunganga mo"

"Ay ang harsh neto"

Bigla namang bumalik na siya sa katinuan niya

"Ano ka ba anak siempre maganda ka noh!, anak kaya kita este anak ka kaya ng nanay mo na kapatid ko pa!, magaganda lahi natin kaya wag kang ganyan!"

"ganun ba talaga yun dad? Yung taong gusto mo may gusto ding iba?"

"ha?! ANong ibig mong sabihin dun Kelly?"

Nakakunot noong tanong niya sakin

"Haayyy nevermind nalang po dad matutulog na po ako ha"

"may problema ka ba anak?, sabihin mo sakin para matulongan kita"

"no dad, alis ka na dad shu shu dun ka na sa room mo, this is nothing and nonsense goodnight po"

Tinulak tulak ko pa si dad papunta sa pintu-an ng room ko,

naman parang ayaw pang umalis balak pa yatang makitulog dito eh.

"Tsup i love you dad"

Hinalikan ko si dad sa pisngi at nag hug sa kanya pero di ko pa inalis ang kamay ko sa likod niya na parang nakayakap pa rin pero pa side na lang.

"Haay ikaw na bata ka ba't napaka sweet mo talaga? Sa asukal ka ba pinaglihi ng nanay mo?"

"Si dad talaga"

Nahihiyang sabi ko, di kasi ako sanay na sinsabihang sweet although ganun naman talaga ako, ewan pero natural nalang sakin na yumayakap or kinikiss yung mga tao na mahalaga sa akin.

"Asus alam mo napaka swerte ng magiging boyfriend mo soon, di naman kita pipigilan doon na mag boyfriend pero ipapaalam mo sakin ha, ipapaalam mo din kung may nagugustuhan ka! Kukurotin talaga kita sa singit pag huli akong nakaalam!"

"hmm di naman po dad, mahal ko po kayo kaya kayo lang po sa ngayon ang lalaki sa buhay ko"

"Alam mo nak, di ko pa talaga ma atim na makita kang medyo malungkot, alam ko eh ramdam ko na malungkot ka ngayon kahit di mo man sabihin at aminin sa akin ramdam ko yun, nak kung ano man yun handa si daddy slash mommy mo para makinig kung ano man yan ha"

Napayuko nalang ako

Kilalang kilala talaga ako ni dad Fel, basang basa niya ang expression ng mukha ko maging masaya, malungkot or galit, laking pasasalamat ko na siya ang nagpalaki sa akin, na my true mom trusted dad Fel na alagaan ako.

"Thanks dad"

"it's my pleasure kelly, mahal na mahal ka ng daddy kahit dalaga ka na baby pa rin kita noh! Kung pwede nga lang bilhan pa kita ng barbie eh!"

"Hahah si dad talaga! Bading na bading!"

"badingersy naman talaga ako eh!"

"dad wala bang chance?"

A Gangster's Love (ON HOLD)Where stories live. Discover now