Part 18 Siblings

22 1 0
                                    

(Cumi)

"Anong oras daw ba darating si Mika?"

"hindi ko alam kuya eh, sabi niya kasi mag didinner muna daw siya kasama sina tita Yuna at tito Hiro"

"nilalamok na kaya ako dito"

"Wag mo ngang pairalin yang kabaklaan mo kuya kung ayaw mong lamokin eh di pumasok ka sa loob"

"hindi ako bakla manliligaw na nga ako eh!

"Depensib! Bakit alam mo ba pano manligaw? Nagpapractice ka pa nga lang eh proud ka na niyan?"

Nginitian ko ng nakakaloko si kuya Jareid totoo naman kasi

"Ewan ko sayo basta sasamahan kita at mahirap na ma kidnap ka pa diyan"

"OA ka masyado kuya, hello nasa gate lang naman ako ah sinong kikidnap sakin? Di naman ako anak ng presidente noh or--"

Agad namang umalis si kuya, Aba tinalikuran ba naman ako di pa ko tapos magsalita dito ah, bastos din to eh

Kita niyo na OA yang si Kuya Jareid

ewan ko lang talaga kung sasagotin siya ni Selene sa tingin ko kasi hindi si Jareid Romualdez ang tipo nun eh

Beepp beeppp

"Mika!"

"Hello pinsan"

"ba't ka naka pajama? Matutulog ka na ba?"

Gulat na gulat ako noong bumaba na siya ng sasakyan niya at naka pajama lang siya na hello kitty pa ang design

"Oo naman para ready na kong humiga sa kama mo noh, tara na! Babye manong ingat po kayo sa pag-uwi"

Di rin naman excited tong si Mika pumasok ng bahay namin ano, magkadapa-dapa lang naman kasi ako sa panghihila niya sakin

"Sandali hinihingal na ko"

"ang saya! For the first time pinayagan akong mag sleep over yey!"

"Ha? Ang weird mo yata ngayon?"

"eh sa pinayagan ako eh achievement kaya yun"

"natural papayagan ka eh sa bahay ka naman namin matutulog eh"

Napakamot nalang ako sa ulo ko, may pagka abnormal din tong si Mika minsan eh

"Oh ito na chips, lakas mo makautos ngayon ah"

"wow! Banana chips!" Agad niyang hinabot sakin yung bowl na may lamang banana chips na bagong gawa ni daddy

"Yum yum yum"

"hoi akala ko ba kumain ka na? Eh parang kawawa naman yata yang chips sayo"

"hehehe favorite ko kasi tong banana chips ni ojisan Nat"

"Hayyy ewan ko sayo, nga pala ano na nga pala yung sinasabi mo na e-chika mo sakin? Tungkol saan ba yun?"

Bigla naman natigilan si Mika sa pagsascan ng CDs at umupo din sa kama ko sabay kuha kay moonski na stuff toy na binigay sa akon ni kuya.

"Ano kasi Cumi-Chan feeling ko kasi lately may laging sumusunod sakin pero twung lilingon naman ako wala naman akong may makitang kakaiba?"

"kailan lang yan? Baka guni-gunin mo lang?"

"This week lang naman, tapos sa twing uuwi ako at mapapatingin sa likuran lagi talagang may nakasunod samin ni manung na grey car hindi naman seguro yun coincidence kasi may coincidence Ba na halos everyday kong nakikita?

Napakibit-balikat nalang ako

"Baka suitor mo or stalker? Gosh! Sabihan mo lagi yung driver mo na mag full tank twing aalis ka or sinusundo ka baka humahanap lang yun ng tiempo yung mr annonymus mo at baka kaladkarin ka at ikulong sa mala palasyo niyang bahay"

A Gangster's Love (ON HOLD)Where stories live. Discover now