(Cumi)
"daddy,, gusto ko ng stuff toy ^_^"
"he! Dalaga ka na Cumi stuff toy pa din?"
"epal ka kuya Reid!"
Tumawa nalang sina daddy and mommy,,
Eehh ang cute kasi ng moon2x na stuffed toy ^_^..
"mga anak mag go-grocery lang kami ng dad niyo gusto niyo bang sumama pa sa loob o gagala muna kayo?" tanong samin ni mommy
"depende kay CUmi mommy" sagot naman ni kuya Jareid
"eehhhh kuya gala nalang tayo ang boring sa supermarket na yan eh, puro good afternoon lang naman ang sasalubong satin diyan>_
"hahaha masanay ka na Cumi anak, atin naman kasi tong mall eh" ngumiti nalang ako
Amin nga pero nag babayad pa rin naman kami pag bumibili kami dito. . Perooo
Ehhhh ayoko nun, hindi ako attention seeker sa mga good afternoon good morning na yan eh
"oh segi tatawagan ko nalang kayo Jareid pag tapos na kami o di kaya bumalik nalang kayo dito kung gusto niyo" sabi ni mommy kay Kuya
Ayun pumasok na sila sa loob ako naman hinila ko na si kuya hehehe ^_^
"Tara Kuya dun tayo"
"ano ba naman yan, Ba't diyan?"
"eh sa gusto ko eh!, aangal ka!? bibili ako ng nailpolish kasi ^_^"
Hila-hila ko parin si Kuya, parang ayaw pa kasing sumunod sakin eh
"nailpolish? Cumi ikaw ba yan?!! Sinapian ka ba ng masamang espirito? , mag hunos dili ka! Ibalik mo ang kapatid ko!"
Sabay yogyog pa sa balikat ko,
Ay ang gago naman ng kambal kong to
*toinx
Binatukan ko nga
"ano ba?! Puro ka kalokohan bawal bang mag apply ng nailpolish?"
"haha aba kalian ka pa nag bading-badingan?"
"ngayon-ngayon lang!. nga pala kuya parang blooming ka yata ngayon, taz pangiti-ngiti ka pa, para ka kayang ewan diyan. Hulaan ko ha. Hmmm si Kelly ba ang dahilan? ayeeeeeeeiii"
Bigla namang ginulo ni kuya ang Buhok ko, ay leshe! Ano akala niya sakin? Aso?
Siniko ko nga siya, agad naman niya akong inakbayan at patuloy nalang kami sa paglalakad
Pumasok na ko sa isang shop at nagpaiwan naman si kuya sa labas
Bumili muna ako ng black na nailpolish.. hehehe ang ganda kaya ng kulay na black
Binalikan ko nalang sa labas si kuya pagkatapos kong bayaran yun. . Ang arteeyy ayaw kasing pumasok eh
"oi Kuya Jareid sino nga yung reason ng pagiging blooming mo?" ha! Akala niya nakalimutan ko ng itanong ah
"for you" aba bastos din tong lalaking to idinikit ba naman sa mukha ko ang fluffy na wait...
Yung stuffed toy na moon na gusto kong bilhin kanina
"waaaaahh kuya! Thank you! I love you ^_^" wag kayo! Ganyan lang talaga ako ka sweet sa kuya ko
"sus wala yan"
{oi ang sweet naman ng mag lovers na yan}
{oo nga friend nilalanggam na ko}
Ay leche na mga chismosa to,

أنت تقرأ
A Gangster's Love (ON HOLD)
أدب المراهقينPrologue: The best part of being in love is not being together every day, It’s being assured that even though you’re miles and miles away he will always be in love with you and only with you. Isa lang naman yan sa mga linya ni Yuna Isabelle Villar...