Chapter 1

78 41 18
                                    

Aligagang pinapasok ni aling Tessi ang mga gamit sa eskwela ng anak na si Pernicita sa loob ng bag nito. Kailangan niyang dalian ang kaniyang mga galaw dahil marami pa siyang gawaing bahay na kailangan tapusin. Hatinggabi na ngunit buhay pa ri ang diwa ng ale, sa pag-sisilid ng mga gamit napansin ng ina na puno na ng punit at kailangan na naman niyang patungan ng tela ito para hindi tumuloy at matakpan ang punit sa bag ng anak.

Napanbuntong hininga na lang siya at muling nagpatuloy, nakatulugan na ng kaniyang anak ang pag-aaral nitong mag-drawing ng isang pusa. Ngunit kahit na anong sipag ng bata sa pag-aaral dito ay hindi niya talaga makuhang gayahin ang larawan ng pusang nasa harapan niya bilang kopyahan.

"Hay naku, Pernicita, kung hindi lang talaga kita anak ewan ko na lang." saad ng ale matapos maligpit lahat ng gamit ng bata. Ngunit kagaya ng palaging gawi ay lagi itong yuyuko sa mga sulok-sulok ng kanilang maliit na bahay para busisiin nang mabuti kung may naiwan pa bang gamit ni Pernicita.

Sa pagsusuri sa mga sulok ay nakita ng ina ang isang lapis na may habang kasing laki nangang ng hinliliit ng isang batang pitong taong gulang. Sa liit nito ay napapaisip na lang ang ale. "Paano pa kaya magagamit ng anak ko 'to pansulat?" tanoning niya sa sarili.

Muling lumakad ang ina sa harap ng batang tulog kung saan naroon din ang bag. Maingat na sinama ni aling Tessi sa pencil case ni Pernicita na gawa sa bakal na may kala-kalawang na ang lapis na nakita nito. Sa rami ng lapis na nakalagay na roon ay halos hindi na magkasaya ang mga ito at mukhang sasabog na dahil sa siksikan ito rito.

Nang wala na siyang makitang gamit ng anak ay agad na siyang tumungo sa harap ng kanilang maliit na hapag kainan. Hindi naiwasan ni aling Tessi ang mapahikab habang nagpupunas ng mga platong nahugasan na niya kanina. Mag-isa lamang siyang bumubuhay sa anak dahil ng maipanganak niya si Pernicita ay iniwan din sila ng ama ng bata. Hirap man pilit ginagawa ng ina lahat para sa anak lalo na kung patungkol sa edukasyon nito.

Napapasinghot na lang talaga ang ale sa isiping hinayaan niyang iwan sila ng ama ni Pernicita. Kung siguro ay pinaglaban nito ang karapatan nilang mag-ina hindi rin ganito kahirap ang buhay nilang dalawa. Araw-araw kung sumalo ng mga labahin at minsan ay rumaraket pang tindera ng isda si aling Tessi sa bayan para may maibigay na pang baon sa anak.

Sa awa ng Diyos ay nairaos na rin ng ale ang tatlong taong nagdaan sa pag-aaral ng anak. Magmula sa kinder hanggang sa tumuntong ito sa grade 2 ay nakayanan naman niya at ngayon na nasa grade 3 na ang anak ay mas lalo pa nitong pinagsusumikapan ang lahat. Hangad ng ale na hindi napag-iiwanan ang anak, gusto nito na kahit gano'n ang kanilang sitwasyon ay hayahay pa rin ang paslit niyang anak.

Nang masiguro ng ale na wala na siyang naiwang gawain ay naglinis na ito ng sarili. Matapos maglinis ng sarili ay tiniyak naman nitong sarado lahat ang bintana at pintuan ng bahay nilang yari sa kahoy. Takot ang ale na mapasukan ng masasamang loob ang tahanan nila kahit pa na wala naman itong mapapala sa kanila. Hindi na nag-atubili si Aling Tessi na tumabi sa anak na humihilik pa habang natutulog, nag-dasal muna ito saka pinatay ang ilaw kasabay nito ang pag-pikit ng mga mata ng ale.

***

"Anak, gising na." saad ni aling Tessi habang niyuyugyog ang tulog na tulog pang anak.

Alas-kwatro pa lang ng madaling araw pero buhay na buhay na ang diwa ng ale. Kung susumahin ay halos tatlong oras lang ang tulog ng ina ngunit ang dami na nitong nagawa. Nakapag-handa na ito ng almusal, nakapag-init na ng tubig para sa pag-ligo ng anak at nakapag-sibak na ng iilang kahoy na gagamitin niya para sa pag-luluto ng mga pagkaing pang-agahan.

"Pernicita, bumangon ka na may pasok ka pa!" naiinis ng turan ng ina. Nag-iinit na ang ulo nito dahil imbes na makagawa pa siya ng ibang gawain ay nasasayang ang oras niya sa paulit-ulit na paggising sa anak.

Penny's Dream (Elementary Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now