Penny, sure ka okay ka lang ha?" muling tanong ni Este kay Pernicita na hanggang ngayon ay tulala sa mga pangyayari.
"Oy Penny!" pagtawag din ni Chichay sa kaibigan ngunit tulala pa rin ito at nakanganga pa.
"Alam mo Chichay minsan natatakot na 'ko kay Penny." bulong ni Este sa katabing si Chichay.
Kasalukuyan silang nakaupo sa isa sa mga bench ng eskwelahan nila. Nilagay ito para rito kumain at magpalipas ng oras ang mga bata habang lunch break nila at recess.
"Ako rin e, ang weird niya pero syempre si Penny 'yan bff natin 'yan." pagpapalubag ni Chichay sa kalooban ni Este na halatang natatakot na nga sa kaibigan.
"Kaya nga e, kaso... hay naku! Penny, Penny." nag-aalangang sinundot-sundot ni Este ang tagiliran ni Pernicita ngunit hindi pa rin nito nakuha ang atensyon ng kaibigan.
Bagsak balikat na tumulala na lang si Chichay at Este habang humihigop ng binili nilang tig-sasampung Milo mula kantina nila at pinagsaluhan ang mga biscuit na baon ni Este. Si Pernicita naman ay tulala pa rin habang hawak ang ice cream na binili niya ngunit wala pa rin itong bawas at nalulusaw na dahil sa init ng panahon.
"Chichay!" sabay na napalingon si Este at Chichay sa tumawag sa kanya. Si Carlito ito at kasama si Dodong.
Palapit ang dalawa sa tatlong batang magkakatabi. Nanatiling nakatingin lamang si Este at Chichay sa dalawang paparating na parehong may dalang inumin na Milo kagaya ng sa kanila.
"Ginagawa niyo?" tanong ni Carlito ng makalapit na sila.
"Upo-upo lang kayo? Ay Dodong, check mo nga 'yang si Penny, nasaniban na ata?" nguso ni Chichay kay Pernicita kaya napalingon doon si Dodong.
"Bakit?" tipid nitong tanong.
"E, kasi kanina pa siya tulala. Ewan no'ng nakita niya lang si Tonton gan'yan na siya." sabay higop ni Chichay sa Milo niya.
"Tonton?" sandaling napaisip si Dodong, bago sa pandinig niya ang pangalang Tonton dahil ilang buwan pa lang naman nga siya sa eskwelahan at hindi pa ganoon kapamilyar sa ibang estudyante rito.
"Hi Dodong." pagbati ni Este kay Dodong na agad nagpapula sa tainga ng batang lalaki.
Hindi alam ni Dodong kung bakit sa tuwing babatiin o kakausapin siya ni Este ay nag-iinit ang mga tainga niya at kinakabahan siya. "H-hello, Estella." balik na bati ni Dodong na labis ang kaba ngunit naibsan iyon ng suklian siya ni Este ng matamis na ngiti.
Tila ba nanghina ang nga tuhod niya kaya mabilis siyang tumabi sa gilid ng nakaupong si Pernicita. Tahimik na dinaluhan ni Dodong ang kaibigan sa pagkatulala nito kahit siya ay tila ba nahawa na.
"Bakit tulala na rin si Dodong?" tanong ni Chichay kay Carlito at Este na pare-parehong nataingin kay Pernicita at Dodong na tulala.
"Ewan, basta ang alam ko ang galing ng gupit ko kay Penny. Baka gusto mo rin Chichay libre lang." pagyayabang ni Carlito sa gupit niyang para bang obra maestra na kung kanyang ituring.
"Salamat na lang, Carlito pero okay na 'ko sa buhok ko saka baka magalit pa si itay." pagtanggi ni Chichay kaya wala ng nagawa so Carlito lalo pa nabanggit nito ang itay niya.
Ngunit tila ba nabuhay siya ng maalalang nariyan pa si Este at sadyang kay ganda talaga ng buhok ng batang ito. "Este, ikaw na lang? Dali may gunting na ako rito." wika ni Carlito.
Mabilis na napatayo mula sa pagkakaupo si Este sa sinabi ni Carlito. "No thanks! Ayoko maging bunot!" ismid niya sa batang lalaki.
Hindi iyon pinansin ng batang si Carlito at tuloy pa rin sa pangungulit kay Este kaya naman panay ang tawa ni Chichay, si Dodong at Pernicita ay tulala pa rin.
YOU ARE READING
Penny's Dream (Elementary Series #3) COMPLETED
No FicciónHow did you used your pencils back then when you're in elementary days? Did you used it only for writing? How about stabbing your classmate using a pencil? Or creating love letters for your crushes? Pernicita Pacundo a.k.a Penny was a little girl w...