Nakapangalumbabang pinapanood ni Pernicita si Ron habang nagkukulay ito ng ginuhit niya para sa takdang-aralin nila sa GMRC gamit ang krayola niya. Maagang pumasok sa eskwela si Pernicita para sandal pa siyang makatulog dito.“Penny, araw-araw ka naman panget gets ko ‘yon pero ba’t ngayon sobrang panget mo?” inosenteng tanong ni Ron kay Pernicita.
Kunot noo naming nilipat ni Perniccita ang kanyang tingin kay Ron. “Araw-araw ka rin naming panget nagtanong ba ‘ko?” bawi niya.
Napalingon naman agad si Ron sa katabi, kasalukuyan silang magkatabi dahil wala pa si Doong at ayaw ni Pernicita mawala sa paningin niya ang mga krayola niya. Labag pa nga sa kalooban ng bata ang magpahiram kung kaya kahit na inaantok ay binabantayan niya pa rin si Ron.
“Penny, ako panget? Sure ka? E, same level nga lang kami ni Dodong tsaka Tonton ng kapogian.” pagmamalaki ni Ron na nag pogi pose pa.
“Si Tonton lang pogi ‘no.” agarang sambit ni Pernicita dahilan para magulat si Ron.
“A-anong sabi mo? Si Tonton pogi?”
“Oo, crush ko ‘yon e.” walang pakundangang tugon ni Pernicita. Huli nan g mapagtanto niyang dapat pala ay hindi niya iyon sinabi dahil ng lingunin niya ang kaibigan ay may malaki na itong ngiti sa labi. “R-ron…” puno ng kabang sambit ni Pernicita.
Tila ba nawala ang sistema ng pagkaantok niya dahil sa kanyang mismong mga sinabi.
“Crush mo pala si Tonton ha? Kaya pala nangingitim ka lalo kapag andyan siya!” bulalas ni Ron kaya agad na tinakpan ni Pernicita ang bibig ni Ron gamit ang ang maliliit niyang mga kamay. “Alisin mo…. ‘yan….. hindi ako makahinga.” utos niya gunit desidido si Pernicita na takpan lang ang bibig nito.
Ilang sandal pa ang nagtagal ng pagbubuno ng dalawa, si Pernicita pilit na tinatakpan ang bibig ni Ron, si Ron naman panay ang tanggal sa kamay ng batang babae. Bandang huli ay pareho rin silang napagod at bagsak likod na sumdal sa kanilang mga kinauupuan at napatitig sa kisame.
Tahimik lang na napatingin sa kanila ang iba pa nilang mga kaklase na walang pakielam sa anila. Sanay na sila na palaging maingay sa tuwing magkakatabi si Ron at Pernicita kung kaya minsan ay wala nalang sa kanila ito.
“Penny, alam mo ba tropa kami ni Tonton.” Pagptuol ni Ron sa katahimikang namagitan sa kanilang dalawa ni Pernicita.
“Ano naman?” tanong ni Pernicita.
“Gusto mo sabihin ko sa kanya na crush mo siya?” sabay tawang sabi ni Ron.
Matatalim ang tingin na nilingon ni Pernicita si Ron. “Subukan mo Ron hinding-hindi nakita papahiramin ng lapis ko kapag nawawala mo lapis mo.” paninidak niya ngunit tila ba hindi nito natakot ang kaibigansa halis ay panay lang ang hagikhik nito. “Ron! Kasi naman e, ‘wag mo sasabihin nakakahiya!” inis na dagdag pa niya.
Magsasalita n asana si Ron ng may sumingit sa usapan nilang dalawa.
“Hoy Penny, pahiram color.” sabay na napaingon si Pernicita at Ron sa nagsalitang ito.
“Anna?” takang tawag ni Pernicita rito. Gusto niyang pahiramin ng krayola ang masungit sa kanyang kaklase ngunit mahigpit na bilin sa kanya ng kanyang ina na si aling Tessi ay huwag siyang magpapahiram kung hindi mabait sa kanya.
“Pahiram ako nito.” mabilis na hablot ni Anna sa isang kahon ng mga bago pa tignan ngunit gamit ng mga krayola ni Pernicita na nasa kamay ni Ron. Gulat na napatayo si Pernicita sa kanyang kinatatayuan kaya mabilis na nagtaas ng kilay si Anna. “Bakit hindi mo ba ako pahihiramin?” pagtataray ni Anna.
YOU ARE READING
Penny's Dream (Elementary Series #3) COMPLETED
Non-FictionHow did you used your pencils back then when you're in elementary days? Did you used it only for writing? How about stabbing your classmate using a pencil? Or creating love letters for your crushes? Pernicita Pacundo a.k.a Penny was a little girl w...