Chapter 2: Ang sumbrelo ng suplado

20 0 0
                                    

2

Ang sumbrelo ng suplado

Nasa canteen siya ngayon dahil recess nila at kausap nya ang kanyang mga kaibigan hinihintay nya si Jamie para sabay silang kumain kaya naman hindi muna sya umoorder.

                “Hindi ka sasama samin mamaya mag-bike?” tanong ni Kenneth, isa sa kanyang mga kaibigan

                “Wala ang mama ko ngayon eh nagtatrabaho sya bilang katulong dun sa Red Rose Village!” diretsahan nyang tugon

                “Magakakatulong ang mama mo?” nabiglang tanong ni Queen sa kanya

                “Oo, anong masama dun? Kung walang katulong paano mabubuhay ang mga mayayaman ha…ha…ha…”|

                “Sa bagay tama ka nga jan Denise teka nasan naman yung best friend mong si Jamie kanina pa sya hinihintay ni Kenneth eh!”

                “Queen, ibig sabihin itong si Kenneth, gusto nya ang bestfriend kong si Jamie?”

                “Oo, obvious naman di ba saka marami naman talagang humahanga kay Jamie kasi bukod sa maganda matalino pa”

                “Correct ka jan Queen!”

                “Di ba best friend kayo ni Jamie sino naman ang hinahangaan nya?” tanong muli ni Queen sa kanya

                “Wala syang sinasabi sakin hindi ko rin alam!”

                “Ikaw Denise sino bang gusto mo, wala ka bang hinahangaan?”

                Nabigla sya sa tanong ni Queen, kitang-kita nya na ang lahat ng naroon ay naghihintay sa sagot nya pero humalakhak lang sya ng humalakhak.

                “Anong nakakatawa Denise?”

                “Wala lang, natatawa lang ako sa tinatanong nyo ang bata pa natin tapos puro ganyanan ang pinag-uusapan natin saka isa pa wala pa akong nagugustuhan!”

                “Sa kilos mo kasi parang walang magkakainteres sayo, maganda ka sana kaya lang magaspang kang kumilos ibang-iba talaga kayo ni Jamie kumbaga sya ang kabaligtaran mo”

                “Hoy Kenneth ha isa pa at baka siraan kita jan kay Jamie!” panakot nya kay Kenneth kaya naman tumigil na ito sa pang-aasar sa kanya.

                “Jamie… alam mo bang gusto ka pala ni Kenneth?” sambit nya sa kaibigan habang nakaupo sila sa harap ng lagoon sa may Blue Paradise.

                “Namumula ka Jamie ha siguro gusto mo yun no?”

                “Hindi ah!” agad nitong tugon sa kanya

                “Tinanong ako ni Queen kanina kung sino raw ang nagugustuhan mo, di ako nakasagot di ko kasi alam sino nga bang hinahangaan mo ha?”

                “A…ako bakit ganyan ka magtanong? Bata pa kaya tayo?”

                “Wala namang masama kung hahanga ka sa isang tao hanggang dun lang naman yun!”

                “Teka Denise, ikaw sino bang hinahangaan mo?”

                “Si Wallace!”

Blue ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon