Chapter 5: Problema na naman!

6 0 0
                                    

5

Problema na naman!

               Tatlong araw nang hindi makausap ang mama nya hindi nya maintindihan ang dahilan kung bakit ito natanggal sa trabaho sa Red Rose at hindi naman masagot ng mama nya ang kanyang mga katanungan pero sumagi sa isip nya na marahil ay may kinalaman ang anak ng amo ng mama nya sa pagkakatanggal nito sa trabaho.

                “Wag lang kami non magkikita!” bulong nya habang naglalakad pauwi sa school nagpaalam agad kasi si Jamie sa kanya at tila may pinagkakaabalahan ito na hindi nya alam. Ilang sandali pa ang kanina nyang iniisip na dahilan ng pagkakatanggal ng mama nya ay nakita nyang papalapit sa kanya.

                “Hi! Small world ha sa Greenlake ka pala nag-aaral?”

                “Denise kumalma ka lang… wag mong pansinin umiwas ka hanggat kaya mo…” bulong nya sa sarili

                “Ikinalulungkot ko ang nangyari sa mama mo!”

                Nainis sya sa kunwari nitong paghingi ng sorry sa kanya kaya naman hindi na sya nakatiis at hinarap nya na ito.

                “Wag ka ngang humingi ng paumanhin naiirita lang ako sa ginagawa mo”

                “Galit ka parin ba sa akin?”

                “Kasalanan mong lahat ng ito!”

                “Bakit ano namang kinalaman ko?”

                “Alam mo bang tatlong araw ng hindi nagsasalita ang mama ko at alam mo bang magmula ng matanggal sa trabaho ang mama ko ay hindi na pumapasok ang dalawa kong kapatid?”

                “Wala naman akong…”

                “Huh? Kung alam ko lang na ipinatanggal mo ang mama dahil lang sa inaasal ko sayo. ang babaw mo talaga bakit mo pa idinadamay ang mama ko?”

                “Nakakaasar ka na ha bakit ba ang sungit sungit mo hindi ba sinabi ng mama mo sayo ang dahilan kung bakit sya natanggal?”

                “Kahit hindi nya sabihin alam ko naman na ako ang dahilan porke ba inaway kita?”

                “Kasama kasi ang mama mo sa kasangkot sa pagnanakaw!”     Nadulas ito sa pagsasalita hindi man lang nagdahan-dahan kaya naman lalong uminit ang dugo nya rito at sinuntok sa kanang pisngi

                “Suntok na ba yun?” pang-aasar nito sa kanya

                “Wag mong pagbibintangang magnanakaw ang mama ko mahirap nga kami pero hindi kami masamang tao sa susunod magsasanay na ako para makaganti ako sayo!”

                Tumutulo ang luha nya habang nagsasalita at pagkatapos ay tumakbo sya palayo at agad na umuwi sa bahay nila para itanong sa maman nya ang lahat.

                “Mama totoo ba? mama totoo bang may kinuha kayo sa kanila?”

                Umiiyak parin sya habang malakas na paulit-ulit ang pagtatanong nya sa kanyang mama

                “Hindi ko sinasadya anak…hindi ko sinasadya anak hindi naman ako ang may kasalanan, yung isa pang katulong ang sabi nya pag ginawa namin yon hindi na kami kailangang magtrabaho pa!”

                “Bakit mama akala ko ba mabait sila sa inyo?”

                “Anak paumanhin kung nagsinungaling ako sa inyo, ang totoo ay napakahigpit ng amo ko, hindi totoong mababait sila at hindi totoo ang lahat ng sinabi ko tungkol sa kanila”

Blue ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon