Chapter G - No turning back.

36.6K 930 140
                                    

Chapter G

 

KATHY

 

Nang magising ako ay sobrang pagod ang naramdaman ko. Tinitigan ko tong lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko.

 

Hinawakan ko yung mukha niya. Mula sa mata, sa ilong hanggang sa labi. Sobrang perfect niya. Nadako yung tingin ko sa pulang kahon na nakapatong sa sidetable ng kama niya.

 

Kinuha ko yung laman nun at sinukat sa kamay ko.

 

It fits perfectly.

 

Naramdaman kong may tumulong luha mula sa mata ko.

 

Dati ay naranasan ko narin magsuot ng gantong singsing. It was a different design. Pero pareho iyong engagement ring.

 

Hinaplos ko ng marahan yung pisngi ni Tristan. I barely know so much about this guy.

 

Sa halos isang buwan naming pagkakakilala ay madaming beses na niya akong pinakilig. Madaming beses na niya kong sinungitan. Pero hindi ko parin siya kilala ng lubusan.

 

Hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako.

 

Tinakpan ko ng kamay ko yung bibig ko para hindi ko siya magising.

 

"I-Iiwan mo din kaya ako pag dating ng panahon? Ipagtatabuyan mo din kaya ako?" Bulong ko.

 

Alam kong pinangakuan na ako ni Tristan ng kasal. Pinangakuan na magiging masayang pamilya kami ng anak ko at ng magiging anak namin.

 

Pero narinig ko na yung mga yun. Pinangakuan nadin ako ng kasal. Napagsabihan narin na magiging masayang pamilya kami. Pero nauwi lahat sa wala.

 

Ipinagtabuyan parin ako.

 

Hinubad ko ang singsing at binalik sa lalagyan nun.

 

"Hindi ko na ata kayang maranasan yung sakit na naranasan ko noon. Hindi ko na yata kayang ipagtabuyan uli." Nabasag ang boses ko.

 

Alam kong hindi niya ko naririnig. Pero wala akong paki. Gusto kong magpaalam sakanya, kahit hindi niya naman alam na nagpapaalam ako.

 

"I love you." Sabi ko at hinalikan siya ng marahan sa labi. "I-Im sorry. Im sorry hindi ko na kayang maranasan yung sakit na naranasan ko noon. Im sorry." Sabi ko at pinulot ang mga damit kong nakakalat sa sahig.

 

Mabilis akong nagbihis. Bago ako lumabas ng kwarto niya ay nilingon ko siya. "I love you, Tristan. Pero hindi ko talaga kaya. Duwag na kung duwag pero ganun eh." I sobbed at dali dali akong lumabas ng unit niya.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon