Chapter 12
"Stop that, Kathy." Suway ni Tristan sakin dahil kanina pa ko pabalik balik ng lakad sa loob ng kwarto niya.
Oo, nandito kami ngayon sa bahay ng mga Montefalco. Dito mismo sa kwarto niya.
Napaupo ako sa kama niya. "Kasi naman ang sabi dinner lang. Nakakaloka na buong angkan niyo pala ang nandito!"
Ang sabi kanina paguwi namin galing Tagaytay ay magkakaron daw ng family dinner at gusto daw nila na kasama ako.
Aba nagulat nalang ako nang magtext si Ate Yesh na 'Im on my way to Trist's. See you sissy.' kani-kanina lang. Ibig sabihin ay kasama siya. Kasama silang lahat!
Grabe!
Hindi ako prepared!
Napatayo uli ako nang bigla nalang akong higitin ni Tristan paupo. "Look. You've met my Mom and my Dad. You've met my brat cousin, Yesh. My Tita Louise. Lahat sila approved sayo so stop worrying." Sabi niya.
He sighed. "And besides, you put yourself in this situation."
I shook my head. Malay ko ba na ganto agad agad?!
Wala pang isang linggo kaming magkakilala netong si Tristan tapos ay meet the entire family na ang peg.
Oo nga at naging magaan ang loob sakin ni Ate Yesh at Tita Louise sa pagkikita namin kahapon, pero paano yung iba pang kamaganakan ni Tristan? Baka mamaya ay may bruha siyang Lola na kukutyain ako dahil secretary lang ako. O kaya naman ay seryosong Tito na itatanong agad kung kailan ang kasal.
Shet! Ayoko na!
Nang tawagin kami ng katulong ay inaya na niya akong bumaba. He held my hand. At hindi ko maiwasang hindi mapakapit sakanya ng matindi.
Iba yung kaba ko! Shet lang! Natatae ata ako!
"Relax." Bulong niya sakin bago kami tuluyang bumaba.
Habang bumababa ay lahat ng mata ay samin nakatingin. Nakakita ko ng dalawang matanda na sa tingin ko ay lolo at lola ni Tristan.
Si Tita Louise kasama ang asawa niyang Fil-Am na aniya ay ngayon ang dating galing America kasama ang anak nila para sunduin siya. Si Liana, na sa tingin ko ay 5 years old palang.
Sa kabilang banda, si Ate Yesh. May kasama siyang lalaki at babae na tingin ko ay magulang niya. Azi ata at Safrina ang pangalan nun sa pagkakaalala ko. Grabe, pareho silang gwapo at maganda. No wonder ang ganda ni Ate Yesh.
At sila Tita Gabby at Tito Gab.
Una kaming nilapitan nila Tita Gabby. Niyakap ako at bineso. Sumunod si Tita Louise, pinakilala niya ang anak niyang si Liana.
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Romance"Dahil baka kung gaano kabilis dumating, ganun din kabilis mawala."