Chapter 8 - Gwapo.

43.2K 939 131
                                    

Chapter 8

"Are you seriously gonna stare at me the whole time?" Aniya habang kumakain kami.

I lowered my gaze to my food. Pero hindi ko napigilan ang bibig ko. Kanina pa ko naguguluhan kung bakit all of a sudden sobrang bait niya sakin.

"Why are you doing all of these?" I asked him. Tinignan niya ko na para bang anong pinagsasasabi ko.

Umayos ako ng upo. "I mean all these, nilipat mo ako sa couch. Tapos ay binilhan mo ko ng pagkain. Eh kahapon lang ayaw mo kong maging secretary tapos ngayon, ganto." Sabi ko.

He just shrugged. "Dont overthink, Miss Aguirre. Just eat."

Hindi ko napigilan mapanguso. Eh hindi ko maaalis sakin ang pagooverthink. Hobby ko na ata yun eh. Kahit naman ayaw ko ay kusang nagiisip ang utak ko.

Nang matapos kumain ay hindi parin sinagot ni Tristan ang mga tanong ko. Aniya ay maaga rin naman kaming uuwi para makapagayos kami ng gamit na dadalhin namin bukas sa Tagaytay. Kailangan lang daw niya pirmahan at icheck ang ilang papeles tapos ay aalis narin kami.

Pinapanuod ko lang siya habang seryoso siyang nagbabasa ng nga nasa lamesa niya. Kung kahapon ay napansin ko na agad ang kagwapuhan niya. Mas napansin ko pa ito ngayon, ang ganda pala ng mata at ilong niya, pero mas lalo ang lips niya.

Kaya siguro ako nakipagchukchukan sakanya nung lasing ako ay dahil nagwapuhan ako sakanya.

Kalerkey! Maharot ka Kathy!

 

"Ehem ehem." Nagpekeng ubo ako para maagaw ang atensyon niya. "Uhm, okay lang ba kung Tristan ang itatawag ko sayo? O pormal talaga tayo? Like Sir Tristan?" Tanong ko.

Saglit siyang huminto at tumingin sakin. "Tristan will do."

Napangiti ako. "Then call me Kathy." Sabi ko sakanya.

"Okay then, Kathy." Aniya at bumalik sa pagbabasa.

Hindi ko napigilan ang malawak kong ngiti. For the first time simula nagkakilala kami ay tinawag niya ko sa pangalan ko, hindi miss, Miss Aguirre, o di kaya ay, ehem, babe.

After niyang matapos ay sinabi niyang uuwi na kami. Wala naman akong ginawa ngayong araw kundi ang ayusin ang minutes ng meeting kanina.

Paguwi ay nagumpisa na agad ako mamili ng mga dadalhin ko sa Tagaytay. Malamig doon kaya dapat ay mga longsleeves ang dala ko.

Kinuha ko ang medyo malaki kong bag. Regalo to sakin ni Mich last birthday ko dahil madalas ay maleta ang dala ko pag may company outing kami, at inis na inis siya dahil ang laki daw noon para sa 3 days 2 nights na outing.

Habang nagaayos ako ay nagring ang phone ko. Pagtingin ko nang pangalan ay dali dali ko yung sinagot.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon