03

6 1 0
                                    


" Oh adong, unahin mo na  ibaba yung mga maleta, ingatan mo yan importante yan baka magalit si sir Juluis pag may nasira dyan " sabi ni manong sa mas nakakabatang trabahador


Nandito ako sa tapat ng pinto ng condo ko, nakaupo lang sa sahig at malungkot silang pinagmamasdan habang inaalis nila ang mga gamit ko. 


Isang buwan na din ang nakakalipas ng simulan ko yung paghahanap sa lalaking yun pero ito na nga wala parin nangyayari. Paano ko naman ba kasi sya mahahanap eh ang alam ko lang sakanya may suot s'yang anklet sa kanang paa nya, silver tapos may letter "G" na pendant, napansin ko yun nung yumuko ako para manghingi ng sorry. Kahit mukha nya ay hindi ko man lang nakita. 


Tuwing mag gagabi ay tumatambay ako sa may overpass kung saan ko sya nakita, nagbabakasakali na mapapadaan siyang muli. 


Sa umaga naman dadalawin ko si mama sa ospital. Hindi na kasi sila umalis ulit ng bansa. Si papa bilang financial department head nag request na lang s'ya na ilipat sa branch dito sa Pinas, samantalang si mama nag resign na para mabantayan ako. 


Bumili sila ng condo na malapit sa ospital para hindi mahirapan si mama magbantay sa katawan kong walang ginawa kung hindi humiga. Kaya nga ito ngayon yung condo ko nagpagpasiyahan na nilang paupahan muna dahil hangang ngayon hindi padin ako nakakabalik sa katawan ko. Mag iisang buwan na akong nakahiga dun sa ospital, napakatamad talaga. 


Si Athena naman madalang ko na makita, tuloy padin kasi ang pasok. Paminsan-minsan ay inaantay ko s'ya sa labas ng San Beda Alabang, yung school namin, pero wala naman sya masyadong ginagawa puro schoolworks lang din kasama niya sila Jessy at Niña kaya di ko na sya masyadong sinusundan. 


Si Renz, di ko na ulit siya nakita simula nung gabing yun sa bar. Hindi na din ako nagabala pa dahil hindi naman kami close. 


Sa loob ng isang buwan na nakalipas ganun lang ang paulit-ulit na ginagawa ko, nakakasawa na nga nakakalungkot pa, wala kang makausap na kahit sino. Siguro ang masaya lang sa pagiging multo, nakakakain ako ng kahit anong pagkain tapos libre. Sinubukan ko kasi kumain isang beses sa karinderya, naubos ko yung pagkain at nabusog ako pero pag tayo ko sa upuan nandun padin yung pagkain parang walang gumalaw. 


Wala naman nadagdag sa impormasyong nasagap ko. Nadiscover ko lang na sa tuwing susubukan kong hawakan ang sarili kong katawan sa ospital sumasakit ang ulo ko na parang madodouble dead pa nga ako sa sakit. Kaya hindi nagbago yung kagustuhan kong malaman kung ano nga ba yung totoong nangyari sakin sa beach. 


"Saan na kaya ako ngayon matutulog niyan, may bagong titira na sa condo ko" nangalumbaba lang ako at patuloy na pinagmasdan ang mga tauhang unti-unting inaalis mga kagamitan ko. 


Umalis na ako don ng matapos sila. Dahil maggagabi na ulit kakain na muna ako sa paborito kong karinderya, doon kasi madaming natitirang pagkain yung mga customer tapos matagal bago malinis ng waiter kaya nakakakain ako. 


"Whooo, grabe busog. Kuyaaa! pakiligpit na nito tapos na po ako" tinaas taas ko pa kamay ko sa waiter, kala mo naman mapapansin ako


Nakita ko pa si kuyang waiter na halos mamutla ng makita niyang nagbago ang ayos ng plato at kutsara kumpara sa kung paano ito iniwan ng customer kanina.

The Gale of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon