04

4 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa lumalakas na ingay ng mga taong dumadaan dito sa lobby.


Umaga na pala ang sarap ng tulog ko dito sa sofa ah, ang lambot kasi.


Nagmamadali akong habulin yung pasarang elevator ng makita ko si Mr. sungit na nasa loob kaya lang hindi ko na ito naabutan.


Naghanap na lang ako ng daan papunta sa basement dahil dun titigil yung elevator.


Nakita ko naman agad si Mr. Sungit na naglalakad patungo sa isang sasakyan na marahil ay kanya.


Walang pasabi na akong pumasok sa back seat bago nya pa ako mapansin.

Tahimik lang siyang sumakay, buti na lang hindi nya ako napansin mamaya na ako magpapamalay pag nakaalis na para wala na siyang magagawa.


Dumaan pa sya sa drive thru ng Mcdo para bumili ng breakfast. Nagutom na naman tuloy ako.


Masyado ng tahimik kausapin ko na nga siya.


"Hi goodmorning papasok ka na?" pagbati ko. Lumapit pa ako sa may tenga nya para ibulong.


"Shit" napakapit ako ng mahigpit ng bigla siyang magpreno

Madaming sasakyang ang bumisina kaya tumabi muna siya sa gilid bago galit na humarap sakin


"Tangina. Papatayin mo din ba ako?!" Sigaw nya.


Kasalanan ko naman talaga muntik na siyang mabunggo dahil sa gulat. Yumuko na lang ako at nag sorry.


"Sorry" I said while showing a peace sign.


"I told you I won't help, so leave me alone" aga aga highblood na naman 'to, ang laki naman ng sama ng loob nito sa universe.


"Hindi kita titigilan hanggat hindi ka pumapayag" nagcross arms lang ako at sumandal, umiwas ako sa mga tingin niya para alam niyang wala akong balak na umalis.


"Damn" hindi na siya namilit humarap na ulit siya sa unahan at nagpatuloy sa pagdadrive.


Nasa manibela ang kanang kamay nito samantalang ang kaliwa naman ay minamasahe ang kanyang sentido habang nakasandal ang siko sa pintuan ng kotse.


He look so pissed, damn, what an achievement. Napaka aga kong nakasira ng araw, nakakatuwa nga naman.


Hindi na ulit siya nagsalita hanggang sa makarating siya sa parking ng UPHSD


Nge, mukhang mayaman naman siya bakit dito lang siya nag aaral. Hindi sa minamaliit ko yung school hindi lang ako makapaniwala.


Sinasabayan ko lang siya sa paglalakad niya habang may sinusubukan siyang tawagan.


Alam niyang nandito ako pero hindi nya ako pinapansin

The Gale of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon