17- Ang pananabik
Virtus, Arcania
Walang mapaglagyan ang tuwa ni Lory nang makita si George. Sa ilang buwan na hindi niya ito nakikita ay tila taon ang pakiramdam niya. Hindi napansin ni Lory ang kakaibang galaw niya dahil sa pananabik na nadarama. Kaagad niyang niyakap nang mahigpit si George at umiyak sa mga bisig nito.
Nagitla naman ang lahat sa mala-bampirang galaw ni Lory. Habang ang kaniyang mata ay kanina pa namumula.
"Mukhang nalabas na ang tunay na anyo ng sinugo. Pahiwatig na kailangan niya na ring sanayin ang sarili sa pakikipaglaban." Banggit ni Hudlum sa prinsipe.
Sa kabilang banda, napakuyom ang kamay ni Prinsipe Judiel nang masaksihan ang pagyakap ni Lory kay George. Masaya siya na nakitang muli ang dating kasamahan ngunit iba ang idinidikta ng kaniyang puso. Ayaw niyang makita na may ibang kayakap si Lory.
Si Gabriel naman ay napatalikod na lang para pumasok sa palasyo. Hindi rin matiis ang nakikita.
"George, hindi ko inaasahan na nandito ka sa Arcania. Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng prinsipe.
"Hindi ba halata? Kinukuha ko ang dapat ay sa akin." Saad naman ni George sabay hapit sa katawan ni Lory.
Napatiim-bagang ang prinsipe at nagpipigil ng galit.
"Ngunit, nagbago na ang lahat George. Hindi lahat ng nakasanayan mo ay magagawa mo pa dahil ako at si Lory ay nakatakdang ikasal--"
"Prinsipe Judiel..."
Napatingin ang prinsipe nang magsalita si Lory.
"Maaari bang ipagpabukas na lang natin ang talakayang ito? At tungkol sa sinasabi mo ngayon, ako na ang magpapaliwanag kay George."
Hindi na nakasagot ang prinsipe at napabuntong-hininga. Wala siyang magawa kapag si Lory na ang humingi ng pabor. Napatango na lamang ito at ngumiti nang mapait sa sinugo.
"Mahal na sinugo." Salita ni Hudlum.
"Nagsisimula nang lumabas ang kaanyuan niyo bilang sinugo. Nararamdaman mo ba ang pagbabago sa iyong katawan?"
Tiningnan ni Lory ang kaniyang katawan at ito'y inenspeksiyon.
"Subukan mong tumakbo sa parteng iyon." Muling banggit ni Hudlum habang tinuturo nasabing lugar.
Tumakbo naman si Lory at hindi makapaniwala sa nakita. Tila kasing bilis niya ang hangin at ito'y nagalak. Ngayon ay paikot-ikot siya sa buong lugar habang natawa.
Napangisi naman si George nang makita ang nakatawang si Lory.
Matapos tumakbo, hingal na tumigil si Lory at hinawakan ang dalawang balikat ni Hudlum.
"Mukhang kailangan ko nang sumama sa pagsasanay bukas."
👹👹👹
BINABASA MO ANG
Arcania: The Rebirth of Lory ✓
VampireSa muling pagkabilog ng buwan, mga nag-aalab na puso at galit ang siyang magigising. May mamamatay at mayroong mabubuhay. Tataya ka ba sa sugal na maaaring premyo ang kamatayan? Book 2 of Arcania: The Vampire Rising