Hindi makapaniwala si Lory sa mga kapangyarihang tinataglay niya. Sa tulong ng bathaluman, unti-unti niya itong napag-aaralan kung paano gamitin kasabay sa pagtanggap nito. Hindi man kaagad nababalanse kung paano manipulahin ang dumadaloy na enerhiya sa kaniyang katawan, pilit na pinaghuhusayan ng sinugo kung paano ito pagalawin nang tama.
Ilang beses siyang natumba, nahagisan, natamaan at kung ano-ano pa dahil bago sa kaniya ang lahat.
"Isa pa!" Muling banggit ng bathaluman sabay hagis ng malaking bato sa kinagagawian ni Lory.
Nanlaki naman ang kaniyang mga mata dahil wala pa siya sa tamang wisyo para muling magpatuloy.
Siya'y pumikit sandali bago nagpokus sa papalapit na bato. Ang kaniyang pawis ay nanunuot sa noo habang ang mga kamay ay nanginginig. Ramdam niya ang bolta-boltaheng enerhiya na umaakyat sa kaniyang ulo para paganahin ang Sanctus.
Ilang pulgada na lang ay muntikan nang dumapo ang malaking bagay sa maliit na katawan ng sinugo. Siya naman ay napabuga ng hininga dahil sa wakas, nakakabisado na niya kung paano gamitin ang kapangyarihan.
Lumapit sa kaniya ang bathaluman at tinapik ang kaniyang balikat.
"Mabuti naman ay unti-unti mo nang natututuhan ang iyong mga abilidad, Lory. Sa ngayon, ito muna ang ating pagsasanay. Bukas ay hahasain ko naman ang iyong abilidad bilang isang bampira. Alam kong pagod ka sa maghapong pag-eensayo kaya maaari ka nang magpahinga."
Niyakap naman ni Lory ang bathaluman at nagpasalamat. Muli siyang isinakay sa mahiwagang kapa upang iuwi sa kaharian.
👹👹👹
Sinalubong si Lory ng tatlong makikisig at sabay-sabay silang nag-alok ng pamunas at pagkain.
"Lory, ito ang pamunas, alam kong napagod ka sa pagsasanay." Nakangiting banggit ni Prinsipe Judiel.
"Lory, ito ang pamunas at pagkain. Tantiya ko ay sobra ang pagod na iyong nadarama dahil sa magdamag na pagsasanay." Nakangiti ring salita ni Gabriel kay Lory.
"A-aahh..." Hindi makapagsalita si Lory ngunit tinanggap ang mga pamunas na inalok ng dalawa. Napadako naman ang kaniyang tingin sa kaniyang nobyo at siya'y napasinghap dahil sa nanlilisik na matang ibinabato sa dalawa.
Kaagad namang hinablot ni George ang mga pamunas at ito'y tinapon.
"Ako nang bahala kay Lory. Hindi niya kailangan ang mga pamunas niyo." Malamig na tonong pagkakabanggit ni George sabay hila kay Lory papaakyat sa hagdanan.
Pipigilan sana ng Prinsipe ang dalawa ngunit kaagad siyang tinutulan ng bathaluman.
"Pero ama--"
"Pabayaan mo muna silang dalawa. Alam mo namang mayroon pa ring nararamdaman si Lory kay George di'ba?"
Wala siyang nagawa kundi ang ikuyom ang mga kamay at padabog na umalis sa harap ng ama.
Si Gabriel naman ay pinulot ang mga pamunas sabay ngumiti nang mapait.
👹👹👹
BINABASA MO ANG
Arcania: The Rebirth of Lory ✓
VampireSa muling pagkabilog ng buwan, mga nag-aalab na puso at galit ang siyang magigising. May mamamatay at mayroong mabubuhay. Tataya ka ba sa sugal na maaaring premyo ang kamatayan? Book 2 of Arcania: The Vampire Rising