Paano Ka Naging Fan

82 5 4
                                    


So, paano ka naging fan ng GuGu?🤔
Share ko yung story ko tapos share nyo rin yung sa inyo. Mahaba-haba to kaya grab your coffees☕

Last year lang ako nag-start mag-laro ng ML. Wala akong balak na pataasin ung rank ko since gusto ko lang i-try pero naadik na ang lola nyo. Nag-umpisa ako sa pagiging fighter user, tapos marksman, tapos support, pero ngayun mage user nako. Nong' si Miya pa ung main ko sinabi sakin nung kapatid ko na may relation or connection ung ibang heroes sa ML. Wow, very interesting. Pinagpapatay-patayan mo lang sila sa battlefield tapos may back story pala sila, di ba? So dun ako nag-start magka-interest. Sinabi nya yung mga magkakapatid, mag-kaibigan at mag-jowa. Isa na don sina Carmilla-Cecillon, Lancelot-Odette(obvious naman mga yan) Alucard-Miya( syempre tinanong ko din ung main ko pero wala naman talaga silang story), Gusion-Lesley-Guinevere(una nyang binanggit sina Gusion at Lesley, tapos tinanong ko si Guinevere at ang sabi nya si Gusion din daw) 'Akala ko ba kay Lesley si Gusion?' 'Third party lang si Guinevere' yan sabi ng kapatid ko. Kaunti palang alam kong heroes non kasi Grandmaster palang ako. Nakaka-shookt yung iba kasi parang di naman sila talaga connected except sa pwede kayong maging magkakampi or magkalaban sa battlefield. Gaya ni Lesley at Gusion, di ko kasi ma-imagine na couple yung dalawa. Parang nagka-clash ung personality nila at parang walang spark kung titignan kahit si Lesley lang alam ko nun (dalawang beses ko lang sya ginamit kasi nahirapan ako) nakikita ko lang kapatid ko na ginagamit si Gusion.

Pinilit ko syang tanungin kung saan nya galing yung mga story. Syempre baka gawa-gawa lang nya yon. Ineexpect ko na may cinematic movie ang Moontoon. Pero nabigo ako ng tinuro ng kapatid ko yung Mastery Code (;'༎ຶД༎ຶ')... Wala ba silang magandang cinematic movie? Sikat na sikat nga ang ML pero I can't take na pinagtyatyagaan natin ang Mastery Code na nakasulat lang. So dahil hindi ako satisfied, sinearch ko lahat ng official page at channel ng Mobile Legends Bang Bang. Hinanap ko lahat ng trailers. Lahat ng story. Lahat ng pwede kong mapagkuhanan ng informations... Pero puro fanmade lang nakikita ko. (ಥ_ಥ)

Imagine, na-inlove ka na sa mga heroes but they can't give you the right justice para malaman ang totoo. They can't even provide you a proper heroes storyline. I expect too much kaya nasasaktan ako. I admit na maganda naman ang graphics at animation ng Moonton... pero it needs more improvement parin.

So ayun, dahil Alu-Miya ako non' kinikilig ako sa mga fanmade stories nila sa Youtube. Although halatang fanmade lang, pinagtyatyagaan ko na. Pero deep inside gusto ko galing sa Moonton.

Time has passed, natutunan ko ung combo ni Guinevere kaya sya na lagi ung sinasalang ko sa Rank para sure win😉

Matagal na kong kinukulit ng isang kapatid ko na basahin ung story BUONG story ni Guinevere but I refused. Alam ko na namang magkapatid sila ni Lancelot so ano pang use kung babasahin ko? But then, biglang nag-pop sa utak ko yung sinabi ng isang kapatid kong adik sa ML. Talaga bang third party si Guinevere? By that mere fact, nabahiran na ang pagkatao ni Guinevere kaya ayaw ko ng mabasa ung Mastery Code nya. But since sya na ang main ko, sya rin ang very first hero na na-Master ko, at sa tuwing nagra-Rank ako, sya ang sinasalang ko, I give it a go. I love Guinevere anyways kahit na 'third-party' lang sya.🥺

Pero wag nyong ipagsasabi, nung mga time na yun kahit alam kong third party lang sya habang ginagamit ko sya sa Rank tapos may kakampi ako Gusion at sya yung Core. Nakatago non ako sa bush tapos biglang sumulpot yung Gusion at nagtago rin sa pinagtataguan ko. Nakaramdam ako ng spark kaya kinilig ako haha.

Umpisa palang ang cute na ng story nya. Ibang iba sa story ni Miya at ibang heroes. Kasi yung sa kanya mala-fairytale. Pero bakit ba ako na-a-amaze ea 'third-party' lang naman sya. Hanggang sa makarating ako ng Chapter 3 tapos biglang nag-pop si Gusion. So Prince Paxley pala si Gusion at si Guinevere ay Princess Baroque. Ang cute. Pero third-party lang sya, bakit ba'ko nacu-cute-an?

GuGu HeadachesWhere stories live. Discover now