/*Mark Joshua de Vega POV- 6 years old*/
"Nandito na tayo," sabi sa akin ni Mommy ng papasok ang kotse namin sa isang sobrang laking gate. Tiningnan ko lang siya at pagkatapos ay sumilip sa bintana.
"Wow! Mommy tingnan mo oh! Ang ganda!" Naexcite ako sa ganda ng lugar na 'to. Sobrang lawak ng lugar na 'to. Maraming mga halaman at damuhan na halatang alagang-alaga. May natatanaw pa nga akong fountain at isang flower garden na sobrang laki at maraming butterflies.
"Tingnan mo Mommy! Andaming butterflies!" sabi ko sa Mommy ko habang kinakalabit siya ng kaliwang kamay ko at ang kanan ko naman ay tinuturo yung flower garden. "Oo, anak. Ang ganda nga," sabi ni Mommy at binuhat ako para iupo sa lap niya. "Wag ka ng masyadong maglikot. Baka mapagod ka niyan," at kiniss ni Mommy ang noo ko. Yakap niya ako kaya di ulit ako makalapit sa bintana. Onti lng tuloy nakikita ko.
Huminto ang kotse namin sa tapat ng isang bahay. Ayy. Mali. Di pala 'to bahay. Mansion ang tawag dito. May onting steps pa bago sa mismong pintuan na akala mo ay pintuan ng mga giants tulad ng doon sa story book ko. Sobrang laki ng bahay na 'to. Mas malaki pa ata 'to sa Malacanang Palace. Sino kaya nakatira dito?
May isang lalaki na lumabas sa malaking pinto at nakaformal clothes siya. Eto siguro butler ng bahay na 'to. Parang ganyan rin kasi suot ni Sebastian, ang butler namin sa bahay.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan namin sa may side ko at nagbow. "We've been expecting you." sabi niya habang pababa kami ni Mommy.
"Thank you for having us," reply naman ni Mommy pagkababa namin at nginitian ang butler.
"Our pleasure," sabi ng butler at sinara ang pinto ng kotse namin at naghand gesture siya na pwede na raw kami maglakad papunta ng pinto at siya na naglead.
Hinila ko ang gilid ng dress ni Mommy. "Nasan tayo mommy? Bakit tayo nandito? Asan si Daddy?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Di ko na kasi maintindihan. Nakakacurious kasi lahat ng nangyayari.
Nginitian ako ni Mommy at hinawakan ang kamay ko. "Nandito tayo sa bahay ng Family Friend natin. Ininvite kasi nila tayo magdinner dito sa bahay nila at meron lang kaming pag-uusapan mga grown-ups. Nandito na rin ang Daddy. Nauna lang siya sa atin dahil may aasikasuhin pa raw siya."
Huminto si Mommy sa paglalakad at umupo or yung parang semi kneel. Basta. Bumaba siya para maging magkatapat na yung mga mata namin at inayos yung bow tie ko. "Dapat behave ka lang habang nag-uusap kaming mga grown-ups. 'Wag ka masyadong maglilikot," sabi niya at tumayo na. Nginitian niya ulit ako at hinawakan kamay ko.
Binuksan na nung butler ang pinto at nakita ko na si Daddy sa loob. "Hey there, Sport!" sabi niya at nag-open arms. Tumakbo naman ako agad and jumped into my daddy's arms. I put my arms around his neck. "I missed you, Daddy!" I said as I hugged him tighter.
Minsan ko lang kasi makasama Daddy ko. Lagi kasi siyang busy sa work niya at kahit sa bahay rin naman ang office niya, may mga paper works pa kasi siyang ginagawa. Minsan naman nasa business trips siya.
But don't get me wrong! Kahit minsan ko lang makasama Daddy ko, alam ko na mahal na mahal niya ako kasi sa onting oras na meron siya pagwala na siyang gagawin sa work niya ay nakikipaglaro siya sa akin at kay Mommy. Kahit kakauwi niya lang galing business trip niya, di sa sofa o sa higaan niya siya didiretso. Pupunta siya agad sa kwarto ko at tatabihan ako. Tapos papasok si Mommy na may dalang hot chocolate at tatabi rin sa amin kaya napapagitnaan nila ako. Magkekwentuhan kami tungkol sa lahat ng ginawa ko habang wala siya at magkekwento naman siya kung gano raw kaboring mga kaofficemate niya o kaya kung gano raw hindi kasing ganda ng Mommy ko ang nagseserve sa kanya sa airplane. Ganon lang kami hanggang sa makatulog na kami sa kama ko. Pagkagising ko, bubuhatin niya ako at pupunta kaming kusina at kaming tatlo nila Mommy ang magluluto. Never na nagkulang sa akin ang Daddy ko. He's the bestest greatest Daddy in the whole universe!
BINABASA MO ANG
Sixteen and Engaged
Teen FictionWhat do we do when we're sixteen? We go to malls, hang out with friends, discover love, have an adventure in life and a roller coaster ride of emotions. That's what normal sixteen years old teenagers go through. But not Lorelei and Mark. Aside from...