/*2*/ And so it Begins...

109 3 0
                                    

9 years later...

**Aiesha Lorelei Vilaflorencio POV- 14 years old**

       

June 1, 20**

       "Ano ba?! Lubayan mo nga ako, pwede ba? Yan ka na naman eh. Sunod ng sunod! Aso ka ba, hah?!" Bwiset!!!! Ang aga-aga naaasar na ko sa mokong na 'to. 

       " 'Wag ka masyadong makunsumi. Ang aga-aga pa. Sige ka. Dadami wrinkles mo sa noo," sabi niya at nilagpasan ako. Di man lang  ako tinignan?! Aba, pang-asar talaga 'to aah!

       "Hoy, panget!" sigaw ko kaya napalingon siya. Buti alam niya na panget siya. >:D

       "Anong dadami?! So, sinasabi mo na may wrinkles ako?" sabi ko sa kanya habang nakapamewang ako. 

       "Kung hindi wrinkles yan, anong tawag mo sa linyang nasa noo mo?" at ginamit niya pa ang daliri niya para kunyaring nagtrace ng linya sa noo niya.

       Napatakip tuloy ako ng noo ko gamit ang dalawang kamay ko at hiyang-hiya. Nilabas ko ang salamin ko sa bag at tiningnan noo ko.

       Hindi naman sa isa ako sa mga maaarte  na babae. Mahalaga lang kasi sa family namin ang itsura kasi lagi kaming humaharap sa tao. Laging nakikisalamuha sa kung sino-sinong mahahalagang tao. Kung may wrinkles talaga ko... Nakoooo. Lagot ako kay Mama. T^T

       Pagkatingin ko sa salamin... wala naman aah! Lumingon ako sa kanya at tinignan ko siya ng masama. Nakatingin lang siya sa akin at halatang nagpipigil ng tawa. Loko 'to aah!

       "Asar ka talaga!!!" at binato ko sa kanya yung bag ko.

       "Aray ko naman," narinig kong bulong niya sa sarili niya. Dapat lang. Loko-lokong 'to. Sumapol sa may dibdib niya kaya nasalo niya rin. Sayang di sa mukha tumama. mwahahahahah!

       "Hah! Buti nga sa'yo!" at nagwalk out ako sa kanya. Nilagpasan ko lang siya sa paglalakad. Ano natameme siya sa ginawa ko? Kala niya uurungan ko siya? Aba, palaban yata 'to. >:D

        Pero kahit ganun, sinusundan niya pa rin ako. Asar talaga to. " 'Yung totoo? Nangbibwisit ka ba talaga?" sabi ko in a nakakapikon-ka-na tone. "Bakit ka ba sunod ng sunod? Wala ka bang ibang magawang matino sa buhay mo?"

       "Kasi naman PO di PO kita sinusundan." Talagang inemphasis niya pa yung bawat po. Talagang alam na alam niya kung paano pakuluin ang dugo ko. "Kasalanan ko bang sa iisang school tayo inenroll ng mga magulang natin?" at tumabi siya sa akin habang inaabot yung bag ko na hinagis ko sa kanya.

       Namula pisngi ko sa sinabi niya. Okay. Pahiya ako dun. -.-

       "Ch-Che!" at hinablot ko ang bag ko sa kamay niya. "Wag na wag kang tatabi sa akin sa paglalakad natin papunta sa school! 2 meters apart dapat ang layo mo sa akin! Ayokong isipin ng mga tao na kakilala ko ang isang weirdong tulad mo!" at naglakad na ulit ako ng mabilis.

        "Sino kaya sa atin ang weird?" narinig kong bulong niya kaya nilingon ko siya at tinaasan ng isang kilay na nagpapahiwatig ng 'naghahamon ka ba talaga ng ayaw?' Iniwas niya na lang tingin niya at sumunod sa paglakad ko.

       Sorry naman! Nakalimutan ko na sa iisang school nga pala kami nag-aaral. Eto ang brilliant idea ng aming mga magulang. Tsk. Brilliant idea my face. -.-

       Sorry. Nakalimutan ko magpakilala dahil sa asar na 'to. -.-

       Ako nga pala si Aiesha Lorelei Vilaflorencio. 3rd Year High School sa M***** Science High School. Nice to meet you readers! :D

Sixteen and EngagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon