Kinabukasan, maaga-aga kami dumating ni Mark sa school. Yes, nagkasabay na naman kami. Pero wag kayo aah! Nagkakataon lang talaga yan. We hate each other's guts tapos magsasabay pa kami? -.-
Nauna akong pumasok sa room. Nakita ko kaagad si Avs na nakaupo sa silya niya, nakikipagkwentuhan kila Penny at Cammy. Nung papalapit na ko biglang tumili yung dalawa at mukhang hiyang-hiya naman si Avs pero nakangiti. Tapos tinapik tapik nila si Avs sa likod.
"We'll support you Avs!" sabi ni Cammy. Hmm? Support naman saan kaya yon?
"Good morning, Avs. Hi Penny, Cammy," bati ko naman sa kanila.
Napatingin naman silang tatlo sa akin na parang gumawa ako ng malaking eksena sa classroom.
"Ah, Rei. Good mor--" naputol yung sasabihin ni Avs nung magbukas yung pinto at pumasok si Mark.
"GOOD MORNING MARK!" nagulat ako sa bati ni Penny at Cammy. Kelangan talaga isigaw? ._.
Then they nudged Avs on her sides. "Uhmm. G-good morning, Mark"
Lumingon naman si Mark sa kanila at nagsmile. "Morning." Tapos dumiretso na sa upuan niya.
Napangiti si Avs at parang nakalimutan na naman na andon ako. "Sabay kayo pumasok?" sabi ni Penny at napalingon sa kin si Avs.
"Huh? Aah. Oo. Nagkasabay na naman kami kanina maglakad," tapos umupo ako sa silya sa tabi ni Avs. "Minsan talaga, iniisip ko na iniistalk ako ng weirdong yan. Asar lang."
Nang di siya umimik, napalingon ako sa mga katabi niya na ang sama ng tinging sa kin. "Excuse me, Rei. I think Ma'am Marquez is strict when it comes to seating arrangement." sabi ni Penny.
"Wala pa naman yung nakaupo dito pati rin si Ma'am. Okay lang yan. Di ba Avs?" sabi ko naman.
Nakatitig lang si Avs sa palda niya. "I think you should go to your own seat, Rei. Malapit na rin dumating yung katabi ko dyan" Napatulala na lang ako sa sinabi ni Avs. Pati siya pinaalis ako?
Kinuha ko na lang yung mga gamit ko at pumunta na sa upuan ko. After 30 mins, dumating na yung katabi ni Avs.
~~~~
Dumaan rin yung morning classes namin na wala masyadong nangyayari. Di ko makausap si Avs during classes kaya nilapitan ko siya during break time para yayaing maglibot ulit pero tinanggihan niya ko at sabing may gagawin raw sila nila Penny at Cammy.
Di ko rin maintindihan kung bakit parang nagtatampo sya kin. Di ko naman matanong kasi di ko pa siya nakakausap. Haaayyyyy!! Ano na ba tong nangyayari sa amin? Bakit ang gulo?!
Tapos naalala ko yung sinabi ni Mark. Na kung worth it ang friendship namin, dapat parehas kaming mag-effort lalo. Handa akong mag-effort. Si Avs kaya, handa rin? Parang natatakot ako sa sagot niya.
~~~~
Chemistry na ang class namin kaya nagpunta kami ng Chem Lab at as usual, kanya kanyang upo na naman dahil bagong room. Kahit medyo nakaka-ilang. Pumunta pa rin ako sa table nila Avs. "Uhmm, may nakaupo na ba dito?"
"Wala pa naman," sagot ni Avs ng di ako tinitingnan at sa upuan nakatingin. Umupo na lang ako nang di na umiimik.
Nagset lang ng rules yung teacher namin dahil wala siya kahapon at ito ang first meeting. Lab rules, Class rules at kung ano pa. Tapos sabi niya, may groupings na raw siyang hinanda para sa class sa buong isang quarter. Alphabetical raw. Nagreklamo na naman ang mga kaklase ko dahil alphabetical na naman. Paulit-ulit na yung nakakasama namin.
BINABASA MO ANG
Sixteen and Engaged
Novela JuvenilWhat do we do when we're sixteen? We go to malls, hang out with friends, discover love, have an adventure in life and a roller coaster ride of emotions. That's what normal sixteen years old teenagers go through. But not Lorelei and Mark. Aside from...