10

67 5 0
                                    

10:

After KC told me the instructions on how to use it, I went inside the bathroom and take the test. Ginamit ko nang sabay-sabay ang apat na pregnancy test na binili sa akin ni KC.

My hands are cold and shaking as I tried to take the courage to see the result.

"Aika . . ." KC knocked. "Ang tagal mo. Papasok na ako."

Hindi na ako sumagot at hinayaan siyang pumasok. KC stared at me while the PTs are on my back, avoiding my gaze to it.

"What are the results?" she asked as she come near me. I didn't talk. "Aika."

KC held both of my hands as she stare at me again with an assuring look. Nangilid ang mga luha ko.

"Aika, don't be scared. We're here for you."

Bahagya akong tumango. KC slowly turned me around to see the result of the PTs behind me, resting on the countertop. Nanlamig ako nang makita na ang apat na resulta sa harap ko ngayon, iisa lang ang sinasabi.

One line. Negative.

Mabilis na umagos ang mga luha ko kasabay ng pagtawa. Pakiramdam ko, nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan at nakahinga na ako nang maluwag.

Humarap ako kay KC at niyakap siya nang mahigpit. Umiyak ako nang umiyak sa kan'ya dahil sa saya at pagiging at ease ngayong wala na akong iisiping ganito sa bawat araw at gabi.

"Thank you, Katrina," I said in the middle of my sobs.

She chuckled before rubbing my back. "No problem! Huwag kang matakot na harapin 'yung problema kasi nandito ako—nandito kami." She pulled away from the hug and wiped my tears. "Hindi ka namin pababayaan."

Tumango ako nang paulit-ulit kasabay ng paulit-ulit din na pagpapasalamat sa kan'ya.

"Thank you, KC. Super thank you! And I'm sorry for not saying anything."

Tumawa siya nang dahil do'n.

"Okay lang!" She slightly pinched my cheek. "Next time mag-ingat ka na, ha! Huwag ka nang papayag nang hindi magko-condom 'yung lalaki."

Ngumuso ako nang pabiro. "Mas masarap 'yung wala."

Bahagyang umawang ang bibig niya kasabay ng pamumula ng mukha niya, pero tumawa na lang din no'ng huli.

"Ikaw talaga. Doon ka muna sa safe! Saka na 'yung risky pero masarap, kapag graduate na tayo!" She laughed. "Tara na. Pumasok na tayo. May oras pa."

Tumango ako bilang tugon.

Lumabas kami ng k'warto ko, matapos naming mag-ayos na dalawa, para pumasok sa school. We were late in school but it's not a big deal for the both of us.

Ang mahalaga, nakakahinga na ako nang maluwag.

Ang mahalaga . . . wala na akong iisipin pa ngayon.

I also realized afterwards, na kaya baka delay ang menstruation ko, kasi masiyado kong ini-stress ang sarili ko sa bagay na 'to? Women tends to have their period delayed when they are overthinking and stressing their selves too much.

Maybe it's true, kasi after a week ng paggamit ko ng pregnancy test, dinatnan na ako.

Tumatawa akong nagtipa sa cellphone para mag-send sa GC naming apat.

Me:
May regla na ako! 😂💖

Deli:
Tangina

Anna:
Hahahaha potaena. Bukod kay deli, ikaw lang kilala kong masaya kapag nireregla 🤣

KC:
Siyempre, ibig sabihin, hindi tumubo 'yung itinanim na binhi. 🤭

Uncontrolled [Baguio Series #6]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon