Success

50 11 1
                                    

Nang makarating si Cpt. Palaran sa bukana ng baryo San Felipe Nagulat siya ng makita niya ang mga taong baryo na nakaharang sa kanilang dadaanan. Kaya agad itong bumaba.

"Anong ibig sabihin nito? Ano to rali? Sinung hangal ang namumuno ng pakulong ito? Ha?." Sunod-sunod na tanong niya sa mga taong baryo.

"Anung gagawin natin sir" mukhang palaban ang mga tao rito.?" Singit ng isang kasamang sundalo ni Cpt. Palaran

"Ehhh... Teka muna sir, Ano po bang kay langan nyo at napasyal kayo dito.? Aniya ni Ernesto kay Cpt. Palaran.

"Hoy tanda!!, Hindi kami pumunta dito para mag lokohan lang. Alam naming tinatago nyu ang mga hayup na NPA na nang-Ambush sa mga tauhan ko!!" Sigaw niya dito.

"Teka muna sir'eh mali yatang mambintang ng walang ebinsya" sagot niya.

"Put*ng *na !! May nalalaman kapang ebide-edesya!. Sige mga bata halughugin ang mga bahay." Sarkastikong sabi ni Cpt.Palaran sa mga ito.

"Teka muna... Hoy !! Damuho!! May search warrant ka bang dala'at basta basta nalang kayong mang hahalughog ng mga bahay.Mga kasama! Wag nating hayaang gawin nila ang gusto nila. Humarang tayo sa daan.... Wag tayong matakot!" Hamon niya sa mga sundalo.

"Sir? Hindi kami makadaan'. Hinaharangan kami." Sabi ng isang sundalo sa kapitan nila.

"Iginagalang namin kayo.. ngunit hindi kayo marunong gumalang samin." Mahinahong sabi ni Ernesto sa mga sundalo "Kung itutuloy n'yo ang binabalak nyong gawin.. lalaban namin kayo. At ipapaabot namin ito sa mga kinauukulan dahil sa mga ginagawa nyong paglabag sa batas." Dugtong niya dito.

"Tama ka Ernesto, mga kasama.. hahayaan ba nating halughugin ang mgabahay natin?" Singit ni Elena. Kapatid na babae ng asawa ni Ernesto.

"Hindi..!!" Pag sang-ayon ng taong baryo.

"Talagang nilason na ng NPA ang inyong pag-iisip ah. Tingnan natin kung hangang saan ang itatagal ng tapang nyo. Mga bata! balik sa track!. Pahamon na sabi ni Cpt. Palaran sa mga ito.

Agad nun ay tumalikod na Si Cpt. Palaran at sumakay sa track kasunod ang mga tauhan. At ilang saglit pa ay humarurot na ang track.

Nabalot ng kasiyahan si Ernesto ng makaalis ang mga militar. Nang matiyak niyang wala na sila ay agad siyang humarap sa mga ka baryo at ng salita.

"Mga Kasama.. Nag tagumpay tayo!! Napigil natin ang balak ng mga sundalo .. Dahil na rin iyon sa pag tutulungan natin.. TAGUMPAY!!!!" Sabi nito sa mga kasama.

"TAGUMPAY!!!" Sagot naman ng taong baryo.

___

Sa loob ng office ni Mr.Tan ka usap si Cpt. Palaran

[Boughs!!] [Boughs!!]

Pinagbabasag ni Mr.Tan ang lahat ng makitang babasaging gamit.

"Bwisit!!!! Ang sakit sakit na sa ulo ng mga mag sasaka na yan!!!. Kailan mo ba talaga mapapalayas ang mga yan.' Napapahiya na ako sa mga debeloper na bibili ng lupa ko.

"Wag kang mag-alalaboss, gagawa at gawa Ako ng paraan paramapalayas lang ang mga yan." Seryosong sagot ni Cpt. Palaran

"Puro ka WAGMAG-ALALA!! Wala ka na bang ibang alam na salita na sasabihin pag lagi kang palpak!!, yan nlang lagi ang sinasabi mo!! Tingnan mo ng yari! Sa mga tauhan mo! Di patay ng maambush tapos ikaw! Ha. ! wala kayong nagawa!!. Hinarangan lang kayo nag si urungan na agad ang mga buntot nyo!!. Pa bulyaw niyang sambit kay kapitan. Huminga muna ito ng malalim at nag pa tuloy sa pag sasalita. "Tingnan mo !! Lalo tuloy lumakas ang loob ng mga pataygutom na yan... Marami ng natutunan, Kita mo! marunong ng lumaban ang mga  dating utak-alipin na mga yan." Dugtong nya dito.

"Naisahan lang talaga Akong mga yan pero sa susunod kong gagawin, Ewan ko lang kung may ibuga pa sila" Pagbabanta niyang sambit.

"Ayoko ng puro daldal Cpt. Palaran!! Ang kailangan ko resulta. Nasasayang lang ang mga binabayad ko sa inyo!." Sagot nito.

"Wag kang mag-alalaboss nasa atin ang huling halakhak. Dahil hindi pa nila natitikman ang bangis ng tunay na sundalo, di ba mga bata? Sagot naman niya ulit dito.

"Yes Sir!!" Sabay sabay na sagot ng sudalo.

"Tch!" Sabi ni Mr.Tan

Nang matapos na ang pag-uusap nina Mr.Tan, Agad na umalis ang grupo ni Cpt. Palaran para pag handaan ang susunod nilang pag atake sa Baryo ng San Felipe.

Yow ... pinahaba ko na po ang story para hindi kayo na bibitin.. Ano na kya diskarte ang ipapakita ni Cpt. Palaran... ABANGAN next story on UD.

Chip_MasterWattpad follow it.

OriginalCopyRight/2015 Chip_Master

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon