Chapter 18
~Aaminin ko~
(INSERT: Aaminin by 6CycleMind)
♪♪
Aaminin ko sa lahat ng taong nandito
Aaminin ko ikaw pa rin ang hinahanap koJennie's P.O.V
"Jendeuk naparito ka?" - jisooHindi ko alam paano simulan.
"Namamasyal kasi kami ni Irene tapos dito ako dinala tapos andito pala kayo!"
"Ewan ko ba sa mga yun! So what's up?" - jisoo
Napatingin ako sa kanya.
"Ah Jisoo!"
"Yes!" - jisoo
"May gusto akong sabihin sayo?"
Napatingin siya sa akin.
"Oh! So ano ba yun?" - jisoo
"Simula maging magbestfriend tayo hindi ko alam bakit ko naramdaman yun, pero Jisoo aaminin ko na g-gusto kita!" *napayuko ako*
Nakita ng peripheral view ko na napatingin siya, bigla niyang hinila ang balikat ko ngayon napapaharap ako sa kanya.
*jisoo sighed*
"Jennie! Aaminin ko rin sayo na...... Kaibigan lang turing ko sayo matagal ko ng alam na gusto mo ako I'm sorry Jennie si Chae talaga ang gusto ko!" - jisoo *pumatak ang luha ko at nakatingin siya sa akin napayuko na lamang ako dahil ang sakit*
Tumango lamang ako.
"Makakahanap ka rin ng taong para sayo and sa tingin ko si Lisa yun siya na lang Jennie!" - jisoo *napa-angat ako ng ulo*
"Kaibigan lang turing ko kay Lisa, oo mahal ko siya pero bilang kaibigan! Mabait si Lisa hindi ko nakakalimutan yung ginawa niya sa akin noon pero hindi ibig sabihin non na susuklian ko ang nararamdaman niya dahil sa isang utang na loob! Mahalaga din sa akin si Lisa pero ikaw pa rin talaga yung gusto ko!" *cracked voice*
"Nauunawaan kita Jennie! Pero hindi ko talaga kaya suklian kung ano man yang nararamdaman mo for me!" - jisoo *niyakap na lamang niya ako*
Niyakap ko din siya.
"Hinihiling ko na sana hindi magbago ang trato natin sa isa't isa Chu!" *crying*
"Oo naman! Gusto ko yun kasi bestfriend tayo ayuko mawala yun mahalaga ka sa akin Jennie!" - jisoo
Tumango na lamang ako habang pinupunasan ang luha ko.
Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Ah Jisoo mauna na ako sayo ah!"
"S-sige Jennie!" - jisoo
*leave*
Rosé's P.O.V
"Chaeng ano pala ginagawa niyo dito?" - lisaNapatingin ako sa kanya.
"Naglalakad-lakad kasi kami ni Sana, kaya ayun dito kami dinala ng mga paa namen!"
Tumango-tango lamang siya.
"Eh kayo?"
"Kami? Uhmm.. Actually di ko alam basta sabe ni Seulgi eh bago kami makarating dito eh may sasabihin ka daw? Totoo ba yun?" - lisa
Napayuko ako sandali at humingi nang malalim.
*rosé sighed*
"Oo Lisa!"
"Oh! So what is it?" - lisa *nakatingin siya sa akin*
"Lisa! Natatandaan mo nung una tayong nagkita nang ipakilala tayo nila Jennie at Jisoo?"
"Oh yeah! Why?" - lisa
"Nung una pa lang kasi kitang makita iba na agad n-naramdaman ko sayo, inaamin ko Lisa na mahal na kita!" *tumingin ako sa kanya, na ngayon ay grabe ang titig niya kaya yumuko ako*
Dinig ko ang paghinga niya.
*lisa sighed*
"Chaeng! Matagal ko ng alam na gusto mo ako, hinahayaan lang kita kasi mabait ka, lahat naman ginagawa mo sa akin nakikita ko kaya ang tanging sukli ko sa nararamdaman mo ay pagkakaibigan. Rosé hanggang dun lang talaga ang kaya kong ibigay sayo! I'm sorry sana 'wag kang magalit sa akin dahil kasi, importante ka sa akin Chae!" - lisa
*tumulo ang luha ko*
Ngunit bigla niya akong niyakap.
"Alam ko naman yun Lisa kontento naman ako doon dahil alam ko na si Jennie talaga ang gusto mo! Sinubukan ko lang aminin sayo ang feelings na matagal kong tinatago. Sana Lisa 'wag magbago ang turingan nating dalawa at kung ano man tayo noon at ngayon gusto ko manatili pa rin yun manatli tayong magkaibigan!" *cracked voice*
Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya yumakap na rin ako.
"Salamat Chae! Sana 'di ka galit? Ayaw ko magtatanim ka ng sama ng loob sa akin! Mahal kita Chae bilang kaibigan kaya kung may problema ka magsabe ka lagi sa akin ha?! Si Jisoo alam ko kaya niya ibigay ang pagmamahal na gusto mo!" - lisa
Tumango na lamang ako habang iniiyak ko sa dibdib ni Lisa bago nagsalita.
"Mahalaga sa akin si Jisoo kasi lagi siyang andiyan sa tuwing nalulungkot ako! Pero kaibigan lang kasi ang turing ko sa kanya masaya ako pagkasama siya mas iba lang kasi ang nararamdaman ko para sayo Lisa!"
"Nauunawaan kita Chae, pero balang araw pag naghilom ka makikita mo rin ang halaga ng iba!" - lisa
Tumango na lamang ako habang pinupunasan ko ang luha ko.
Ilang minuto lang ang dumaan kumawala ako sa pagkakayakap.
"Lisa alis na ako!"
"Oh sure sige!" - lisa
*leave*
Jisoo's P.O.V
"I'm sorry Jennie kahit ayaw ako ni Chae siya pa rin talaga yung gusto ko!" - thoughtsNaglakad na ako palayo.
Lakad lang nang lakad.
Dumaan ang 4 minutes na paglalakad napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa pool.
Tinignan ko ito nang mabuti at nakita ko si Chae.
Kaya lumapit ako.
"Chaeyoung?" *pagtawag ko*
Napatingin siya at tila pinupunasan ang mukha.
"A-andito ka pala!" - rosé
Nang makalapit ako sa kanya nagsalita ako.
"Kamusta ka? May masakit ba diyan?" *tumingin siya sa akin*
Bigla na lamang niya akong niyakap and then she burst into cry now.
*i sighed*
"Jisoo!!" - rosé
"Bakit ang sakit?" - rosé *hindi pa man niya sinasabe lahat alam ko na agad ang ibig niyang sabihin*
"Oh! Rosé sige ibuhos mo lang luha mo andito ako para pagbuhusan mo ng luha! Handa ako makinig kung may mga bagay na 'di mo masabe sa iba!" *while caressing her back*
Kahit alam ko ang nangyari ayuko muna magsabe ng feelings ko.
Ayoko kasi nananamantala ng ganitong sitwasyon ayaw kong mahalin niya ako dahil lang sa nasaktan siya at malungkot siya gustong mahalin niya ako yung talagang totoong nararamdaman niya yung nakikita na niya ako.
BINABASA MO ANG
You Never Choose Me
RomanceKwento ng mga magb-bestfriend na nagkagustuhan, but hindi nila maibigay sa isa't-isa. Saka na lang napagtanto na mahal nila ang may gusto sa kanila nung hindi sila minahal pabalik ng taong gusto nila. What? Di ko gets?