Chapter 13

122 2 0
                                    

Chapter 13

Jisoo's P.O.V
Namamalengke na kaming dalawa ni Chae kami ang magkasama ngayon dahil sinadya namen ito ni Lisa.

"Chu gusto ko yun oh yung prawns!" - rosé  *nakapout*

"Gusto mo sige bilhin natin!"

"Uhm! Ale 2 kilo nga po dito sa prawns!"

Agad namang ginawa ng babae.

Nakalink arms lang sa akin si Chae.

"Yieh self love this feeling!" - thoughts  *smirking*

Nang iabot ng Ale binigay ko na rin ang bayad.

"Let's go Chae hanap pa tayo! Ano pa gusto mo?"

"Tara dun Chu may nakita kasi ako doon kanina!" - rosé

"Sure!"

Naglakad na kaming dalawa ni Rosé.

Lisa's P.O.V
"Lisa bili tayo nito pwede?" - jennie  *gummy smile*

*shit nakakagigil yung mukha niya sarap halikan ng labi*

"Ah sure Jennie!"

"Ah Kuya 4 nga pong kilo niyang tuna!"

Agad namang ginawa ng lalaki.

"Ah Jennie anong gagawin mo sa tuna?"

"Uhmm.......!" - jennie  *nagiisip*

Ngumiti sa akin.

"Wala!" - jennie

Ngumiti muli sa akin.

"Ikaw na bahala magluto niyan!" - jennie

"Hehe s-sige!"

Nang makuha namen inabot ko na rin ang bayad.

"Tara hanap pa tayo!"

"Sure!" - jennie

Nakahawak siya sa braso ko.

Actually mula maghiwalay kami nila Chu humawak siya kaagad sa braso ko.

Ngunit naramdaman ko kamay niyang parang nanginginig.

"J-jennie may problema ba?"

Tumingin siya sa akin at may lungkot.

"Kasi naalala ko yung nangyari sa atin noon yung binugbog ka sa totoo lang Lisa nakaramdam ako ng trauma kaya takot ako sa dilim na tayo lang nakikita kong tao! Baka kasi maulit yun Lisa I'm afraid baka mapano ka ulit hindi ko na kakayanin pa!" - jennie  *nang marinig ko yun napayakap na lang ako sa kanya*

"Shhhh! Jennie I won't let that happen again I promise! Magtiwala ka lang sa akin okey? Okey ka na ba? May trauma ka pa bang nararamdaman ? Bakit di mo sinabe?"

Napatingin siya na labis talaga ang lungkot.

"Ayaw ko na kasing mag-alala ka pa, kayo! Meron pa rin konti, kaya takot ako kapag gabi mag-isa na walang tao akong makita sa paligid ko dun nanginginig ako!" - jennie  *napayuko siya at sinandal ang ulo sa dibdib ko*

"Halika akbayan na lang kita para di mo maramdaman ang takot! I'm sorry Jennie hindi ko kasi pwedeng gawin na ikaw ang saktan hayaan mo ng ako dahil malakas ang katawan ko at kaya ko yun!"

Tumango na lamang siya at inakbayan ko.

"Tara na! Mamaya mag-uumaga na din!"

*nod*

Naglakad lakad pa kami at bumili pa ng pwede maluto.

Matapos ang dalawang oras na pamamalengke nakabalik na kami sa Bus.

Ngayon magkatabi pa rin kami ni Jennie sa upuan.

Nang paalis na ang bus bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Napangiti ako.

Jennie's P.O.V
Sa totoo lang nagkaroon ako ng trauma dahil sa nangyari kay Lisa kasi sa harap ko binubugbog siya wala akong magawa that time.

Hindi na ako nagsabe sa trauma na naramdaman ko.

Kaya ko naman ang sarili kong dalhin ang takot na yun.

Pero isa lang nakikita ko kay Lisa yun ay ang ligtas ako lagi.

Kung ikaw na nga lang sana ang pwede ko mahalin. Pero di ko naman magawa kasi si Jisoo yung gusto ko gustong gusto ko siya.

Nakarating na kami sa Resort saktong 6:30am na ng umaga.

Bumili na rin kami ng luto na pagkain for our breakfast.

Actually nasa Matabungkay kami namalagi pero pupunta kasi kami sa beach sa floating cottage.

Nang maihain namen mga pinamili nameng almusal namen nagsimula na rin kaming mag-luto ng dadalhin namen sa beach.

Kami ni Lisa ang magkasama nag-eenjoy naman ako pero ugali ko ng tumingin kay Jisoo nakita ko kung gaano siya kasaya kay Chae pag siya ang kasama niya.

Mahalaga sa akin si Lisa hindi dahil sa niligtas niya ako noon malaki ang utang na loob ko. Kundi dahil nung mga panahong pinipili ko si Jisoo si Lisa yung andun lagi hindi ko alam paano niya nalalaman na kailangan ko ng taong dadamay sa akin na kailangan ko ng taong makakausap mapagsasabihan ko ng problema ko mga sakit na nararamdaman ko. Siya yung andiyan nung mga oras na hindi ako pinili pero si Lisa pinili ako kahit di ko siya magawang piliin.

Rosé's P.O.V
Masaya naman akong kasama si Jisoo napapangiti niya ako at napapatawa.

Pero sa tuwing titingin ako kay Lisa na masaya kasama si Jennie nakakaramdam ako ng lungkot kasi hindi ko maibigay yung saya na yun.

Ngunit mahalaga sa akin si Lisa kaya kung dun man siya sasaya handa naman ako magparaya kahit masakit pa.

Pero hangga't mahal ni Jennie si Jisoo aasa din ako na magugustuhan ako ni Lisa at si Jisoo mabaling niya kay Jennie ang nararamdaman niya para sa akin.

Importante naman sa akin si Jisoo kasi sa tuwing nasasaktan ako siya yung andiyan parati para sa akin. Pinipili ako ni Jisoo kahit si Lisa ang lagi kong napipili kaya mahal ko rin si Jisoo ngunit bilang kaibigan.

You Never Choose MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon