"Wow! Nice pose!" Masayang sabi ng isang lalaking photographer.
Ang itsura nito ay balbas saradong lalaki. Kayumanggi ang kulay. May itsura, kung titignan ay mukha itong parang baklang maton pero hindi naman.
"Boss, nandito na 'yong mga bagong model." Tawag pansin ng assistant sa photographer.
Agad namang lumingon sa kaniya ang photographer. "Ang gaganda ah." Ngumisi ito. "At ang babata pa." Nakakaloko nitong sabi.
"Oo, boss. Lalo na 'tong isa." Turo niya sa isang babae na mukhang pinakainosente sa lahat.
Pumalakpak ang photographer. "Oh sige na! Iwan niyo muna kami ng mga bago kong models." Utos nito.
Agad namang nagsilabasan ang mga tao sa studio. Naiwan ang photographer at ang limang babae na bagong modelo
"Hoy, kayong lima! Punta dito sa harapan ko." Senyas niya sa limang babae.
Agad namang pumwesto ang mga ito sa harapan niya. Nagtabi-tabi ito, tila nahihiya pa dahil iyon ang unang beses nila na sasabak sa pagiging modelo.
Kinuha ng photographer ang lahat ng mga damit na isusuot ng modelo sa isang lamesa saka walang anu-ano'y inilapag lang sa paanan ng mga babae.
"Oh, pumili na kayo dyan ng alam niyong babagay sa inyo." Utos ng photographer.
Nagkaniya-kaniyang pili naman ang mga ito. Nang matapos silang pumili ay lumapit sa photographer ang isang babae.
"N-nasaan po 'yong c.r.?" Nahihiyang tanong nito.
Natawa ang photographer. "Anong c.r. ang pinagsasabi mo? Dyan kayo magbihis." Nakangisi at nakakaloko nitong sabi.
Napakurap-kurap ang babae. "P-po?"
Namewang ang photographer. "Narinig mo naman ako, hindi ba?" Naiinis nitong tanong.
Agad na bumalik ang babae sa mga kasama niya. "P-pwede po bang kahit tumalikod na lang kayo?" Nag-aalangan na tanong nito.
"Ha! Sino ka para utusan ako?" Duro niya sa babae. "Dyan kayo, maghubad para makita ko kung may mga peklat o kung ano man kayo sa katawan niyo!" Naiinis na sabi nito.
Sa takot nila ay hinubad nila ang mga damit nila at tanging bra at panty na lang ang natitira. Walang magawa ang mga babae kung 'di ang yumuko at bahagyang nakatabingi ang katawan dahil sa hiya.
Nakangising lumapit ang photographer sa kanila. "Oh! Ang sabi ko 'diba maghubad na kayo para makapagpalit na kayo?" Malumanay nitong sabi na parang normal lang sa kaniya ang nangyayari.
"Kasi po, na andyan kayo. Lalaki po kayo, at babae kami." Paliwanag ng isang babae.
"Wala akong pakialam!" Sigaw nito at walang anu-ano'y isa-isa nitong hinatak ng malakas ang mga bra ng babae. Napahiyaw ang mga ito at agad na tinakpan ang kaniya-kaniyang dibdib.
Tumawa ng nakakaloko ang photographer. "Ayan! Ngayon isusunod ko naman 'yang mga panty niyo ng makapagsimula na tayong kumuha ng mga litrato." Walang pag-aalinlangang sabi nito.
"U-uuwi na po kami." Maluha-luhang sabi ng isa pang babae.
"Walang uuwi! At hindi na kayo uuw—!" Hindi nito natapos ang sasabihin dahil napatingin siya doon sa isang babae. Doon sa mukhang pinakainosente sa lahat.
Hindi niya napansin na hindi pa rin pala ito naghuhubad at nakatungo lang. Agad niya iyong nilapitan.
"Hoy! Ikaw! Bakit hindi ka pa naghuhubad! Bingi ka ba?!" Galit na sigaw nito.
"Mali kasi ang paraan mo ng paghuhubad, Boss." Sarkastiko nitong sabi.
Tinulak ng photographer ang babae, ngunit kataka-takang hindi manlang ito nawala sa balanse o natumba. "Hoy! Bakit ano bang tamang paghuhubad?! Ha!" Nanggagalaiti nitong sabi.
Tumingala ang babae at nakita niya kung mga mata nitong kulay pula na parang apoy na nagliliyab sa sobrang galit.
Ngumisi ito. "Ganito." Pumitik ito at sa isang pitik lang ay may hawak na itong espada.
Sa isang iglap ay nawalan ng saplot matapos hiwain ng babaeng iyon ang mga damit niya gamit ang espada. Agad tinakpan ng photographer ang pagkalalaki niya. Nagkumpulan naman sa isang gilid ang apat na babae habang umiiyak na sa takot.
"H-Hoy! S-sino ka para gawin sa'kin 'to?! Bakit mo ginagawa 't-to?!" Nakasigaw na sabi ng photographer, ngunit may bahid na ito ng takot.
Ngumisi ang babae. "Hindi mo na dapat alamin, dahil kung kilala mo 'ko—" Sumeryoso ang mukha nito. "Malamang hindi mo na gagawin 'tong kabulastugan na 'to sa mga kababaihan na nabibiktima mo." Nakakapanindig balahibo nitong sabi.
Tumatabi-tabingi ang ulo ng babae. At sa isang iglap. Nagbago ang itsura nito. Ang kanina'y may mukhang pinakainosente sa lahat ay naging, napakagandang babae na may itim na itim na buhok at may kulay pulang buhok na naiiba sa gilid nito.
Nanlilisik na lumapit ang misteryosong babae sa photographer na ngayon ay nakaupo na sa sahig at umuusog paatras.
Samantala ang apat na babae ay nananatili sa gilid habang umiiyak sa takot dahil sa nangyayari.
"'W-wag kang lalapit!" Natatakot na sigaw ng photographer.
Hindi sumagot ang misteryosong babae at walang anu-ano'y pinalutang niya sa ere ang photographer gamit lamang ang mga mata niya. Itinaas niya ang dalawang braso ng photographer.
"Ahhhhhh! Ahhhhhh! Ibaba mo kooooo!!!!! Tulooooong!!!!" Naluluhang sigaw nito.
Walang salitang namutawi sa misteryosong babae. Pinalutang niya sa ere ang camera. Nang nasa mga kamay niya na ay kinuhaan niya ng napakaraming litrato ang photographer. Matapos no'n ay itinapon niya ang camera sa kung saan.
Nananatiling tikom ang bibig ng misteryosong babae at walang anu-ano'y pinutol nito ang dalawang braso ng photographer gamit ang kaniyang espada.
"Ahhhhhhh! P*tang*na moooo! Ahhhhhh!!!! Tulooooong!!!!! Araaaaaaaay! Ahhhhhhhh!!!!" Sigaw ng photographer dahil sa sakit na pinadama sa kaniya
Sumirit ang dugo sa buong studio. Walang magawa ang apat na babae kung 'di ang sumigaw at umiiyak dahil sa takot nila.
Hindi pa nakuntento ang misteryosong babae, pinutol nito ang pagkalalaki ng photographer dahilan para lalong lumakas pa ang sigaw ng photographer.
"Ahhhhhhhhhh!!!!!! T*ng*naaaaa!!!! 'Yong t*t* koooooo!!!!!! Ahhhhhhhh!!!!!" Umiiyak at sumigaw na nitong sabi.
Agad na ibinaba ng misteryosong babae ang photographer. Gamit ang mata niya ay pinaluhod niya ito sa sahig.
"Ang ingay naman." Sarkastiko nitong sabi.
At sa isang iglap...
Walang pag-aalinlangan...
Isininaksak ng misteryosong babae ang espada niya sa kaliwang mata ng photographer. Mabilis niya iyong hinugot saka niya naman isinaksak sa kanang mata. Mabilis niya muli itong hinugot.
Natumba ang photographer sa sahig...
dugaan...
At wala ng buhay...

BINABASA MO ANG
Lucid Nightmares
KurzgeschichtenR-18 A place that never existed. DISCLAIMER: This story is work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination. Any resembl...