SA LABAS NG ISANG TIYANGE (Mag-tatanghali)
"Sir, naghahanap ka ng trabaho?" Tanong ng isang lalaki sa isang lalaking naghahanap ng trabaho.Ang lalaking naghahanap ng trabaho ay nakasuot ng simpleng maong na pantalon, pinarisan ng itim na polo shirt at nakasuot ito ng itim rin na rubber shoes. Hawak nito ang isang clear book kung saan ay doon nakalagay ang lahat ng mga papeles niya na kinakailangan upang makahanap ng trabaho. Samantala, ang lalaking nagtanong naman sa kaniya ay may hawak na kumpol na mga papel—iyon yata ang mga inaabot niya flyers sa mga dumadaan. Nakasuot ito ng puting t-shirt, maong na shorts, at nakatsinelas lamang. Ngunit kahit na ganoon ang suot ng nagtanong na lalaki ay mukha naman itong maayos at mapagkakatiwalaan dahil sa itsura nitong sumisigaw ng kabatian. Nasa edad trenta lang siguro ito.
Napakamot sa ulo ang lalaki. "Oho sana." Nahihiyang sagot nito.
"Tara, pasok ka sa loob ng store namin." Itinuro pa nito ang tindahan nila.
Katamtaman lang ang laki ng tindahan, kasya ang sampung taong bibili, aabot pa nga hata ng labing lima. Ang tindahan nila ay naglalaman ng samu't saring paninda kagaya ng mga itinitinda sa Divisoria, ngunit ang mga paninda nila ay naibebenta ng tinge o ng isahan lang.
Dahil sa gusto ng magkaroon ng trabaho ng lalaki ay pumayag na siyang pumasok sa loob. Akmang papasok na sila sa loob ng biglang may tumawag sa lalaking kausap niya.
"E-excuse po?" Tawag ng isang lalaki. Agad din naman nilang nilingon ang lalaki.
Nakasuot ito ng medyo may karumihang rubber shoes, dilaw na long sleeves na nakapasok pa sa itim nitong pantalon—nakasuot rin ito ng makapal na salamin. May hawak rin itong clear book. Sa unang tingin pa lang ay masasabi mong isa siyang nerd kung tatawagin.
"Naghahanap ka rin ba ng trabaho, Sir?" Malumanay na tanong ng lalaki.
Tumango ang nerd na lalaki. "Opo."
"Tara, sumama ka sa'min." Pagyaya niya sa nerd na lalaki.
Nang makapasok na sila sa loob ay pinagmasdan ng lalaki ang kabuuan ng lugar na iyon. Kita ang tindahan dahil bukas ang pinto na pinasukan nila. Kita mo rin ang mga dumadaan sa labas ng tindahan. Sa loob naman ay may tatlong kwarto, ang una ay katapat lang ng inupuaan nila ng nerd na lalaki—sa loob ng kwartong iyon ay may isang babae na nasa lamesa habang kausap ang isang babae na sa tingin niya ay iniinterview. Sa pangalawang kwarto naman ay nasa gilid lang nila, mayroon din babaeng iniinterview ng lalaki. At ang pangatlo naman ay nasa likod lang, ngunit kita ang loob kung sisilipin—kagaya rin ng una at pangalawang kwarto ay may iniinterview rin.
Maya-maya pa ay lumapit sa kanila ang lalaki kanina. "First time niyo ba 'to?" Tanong sa kanila.
"Opo." Sabay nilang sagot.
"Anong natapos niyo?" Tanong muli nito.
Unang sumagot ang lalaki. "Ako po, high school lang." Nahihiya pang sabi nito.
"A-ako naman po graduating na ng college." Sagot naman ng nerd na lalaki.
"Ilang taon na kayo." Tanong muli nito.
"Ako po, twenty three." Sagot ng lalaki.
"A-ako po, t-twenty." Sagot ng nerd na lalaki.
Tumango-tango naman ito. "May dala ba kayong resume?" Sabay naman silang tumango. "Dito kasi sa agency namin, kapag qualified ka—deretso trabaho ka kaagad. Kagaya nung mga gusto mag-trabaho abroad, dito sila pumupunta sa'min—tapos saglit lang 'yon, lilipad na kaagad sila. Gano'n kasi kadali dito sa'min. Marami na rin kami naipasok sa trabaho, lalo na 'yong walang-wala talaga." Mahabang kwento ng lalaki. "Maya-maya, kayo na susunod dun sa iniinterview sa loob." Nakangiti pang sabi nito sa kanila.

BINABASA MO ANG
Lucid Nightmares
Short StoryR-18 A place that never existed. DISCLAIMER: This story is work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination. Any resembl...