Chapter 13
LISA'S P.O.V
Pang-apat na araw ko ngayon dito sa Dublin.Pero hindi ko pa nakikita si Jennie.
Hindi kaya iba na ang bansang kaniyang sunod na pinuntahan?
Kung ganon man wala naman akong magagawa.
Malay natin magkita kami sa susunod pang mga bansa.
"Jennie, namimiss na kita!" - lisa's thoughts
Kahit wala akong gana kumuha ng video.
Ginawa ko pa rin.
Pakiramdam ko andito siya naglalakad.
Pinikit ko ang mata ko at in-imagine siya.
"Jennie, hindi ko man lang nasabe sayo gaano kita kamahal! 'Kala ko pa naman sang-ayon sa atin ang tadhana na tayo ay laging pagtagpuin saan man tayo magpunta. Pero hanggang do'n na lang pala 'yun, hindi na masusundan pa!" - lisa's thoughts
Minulat ko ang aking mga mata.
*sighed*
.
.Patuloy pa rin ang aking pagkuha ng video.
Nang mahagip ng camera ko ang isang babaeng.
Napakaganda.
Napangiti ako.
Minutes had passed. . . .
Nang matapos ko kumuha ng video.
Sinundan ko ng tingin ang babae.
Tila may lungkot ang kaniyang mukha.
Sumusunod lamang ako sa kaniya.
Naglalakad-lakad lamang siya.
At mukhang malalim ang iniisip.
Hanggang sa tumigil siya sa isang mahabang tulay na nilalakaran ng mga tao.
Lumapit ako sa bridge.
Nang makalapit ako.
Sinilip ko muna siya.
Tila pinupunasan niya ang kaniyang mukha.
"Umiiyak siya? Bakit naman kaya?" - lisa's thoughts
Lapitan ko na nga lang.
Nang makalapit ako niyakap ko siya habang nakatalikod.
Alam ko nagulat siya.
Nagpumiglas siya konti.
Dahil akala niya ibang tao.
Tinignan niya ako.
Ako, nakangiti lang.
Nang ma-realized niyang ako.
"L-lisa??!" - jennie
Tumango lang ako sa kaniya.
Humarap siya sa akin sabay yakap.
Saka tumulo ang luha niya.
"Lisa!! Miss na miss kita, akala ko 'di na kita makikita Lisa!!" - jennie *cracked voice*
"Akala ko rin! Iniisip ko nga na baka hanggang do'n na lang tayo, at hindi ko akalaing magtatagpo pa rin tayo. Akala ko ibang bansa na ang pinuntahan mo pero andito pa rin tayo?!" - lisa
"Akala ko 'di na kita makikita!" - jennie *hinigpitan niya ang yakap niya sa akin*
"Oh! Jennie 'wag ka ng umiyak okey? Andito na ako magkasama na tayo my friend!" - lisa

BINABASA MO ANG
Travelogue
RomanceMaganda maglakbay kapag mag-isa ,ngunit mas maganda kong maglakbay ka tapos makakatagpo ka ng taong magiging kasama mo sa paglalakbay sa mga bansang gusto mong puntahan. At ang maganda pa don ay ang taong makakasama mo sa paglalakbay na yun ay ang t...