ZOI
Sa isang malayong lupain ng mga diyos at diyosa. May isang diyosa ang nag nanais na lisanin ang kanilang lugar at maglakbay sa lupain ng mga tao. Siya ay nag ngangalang Zoi, ang diyosa ng Buhay.
"Aking ama hayaan niyo akong pumunta sa lupa. Ako ay nangangakong aalagan ko ang aking sarili" tugon niya skaniyang ama
"Hindi maaari aking anak dahil maaari mong makasalamuha ang diyosa ng ibabang mundo, at maaaring ikaw ay kunin niya mula saakin."
"Ngunit-"
"Hindi maari!" Sigaw ng kanyang ama at dali ding umalis.
Sa kanyang pagkabigo na kumbinsihin ang ama siya ay nag tungo sa kanyang kaibigan na si Amour, ang diyosa ng pag-ibig.
"Hindi ko ma wari kung bakit hindi pumapayag ang aking ama na ako'y bumisita sa lupa" kanyang pagrereklamo.
"Aking kaibigan ano ba ang iyong gustong makita sa lupa na hindi mo mahanap dito sa ataing lupain?" Tanong ng kanyang kaibigan.
"Kasiyahan Amour. Kasiyahan ang nais kong mahanap. Hindi ko kailan man mahahanap iyon dito, kung kayat ako ay tatakas mamayang gabi." sagot ni Zoi.
"Hindi ko gusto ang ideya mo Zoi" pagtutol sakanya ni Amour.
"Nangangako akong babalik kaagad Amour" pag kumbinsi niya. Agad na pumayag and kaibigan na soya ay tutulungan sa isang kondisyon. Dapat siguraduhin ni Zoi na kanyang mahahanap ang kasiyahan na kanyang tinatamasa.
Sumapit ang gabi at nag simula nang mag ayos si Zoi. Kumuha siya ng bandana na maipangtatakip sa kanyang buhok. Dahil ayon kay Amour masyadong agaw pansin ang kanyang rosas na buhok. Matapos iyon ay agad na umalis si Zoi upang magtungo na sa lupa.
Matapos ag ilang oras ay narating ni Zoi ang isang bayan sa lupa
"Sawakas ako rin ay nakarating dito" masayang ani niya sa kanyang sarili. Liningon niya ang bawat paligid at nakitang may mga taong nagkukumpulan sa gitna ng bayan. Agad siyang lumapit ngunit hindi niya matanaw ang sentro ng kumpulan. Lumingon siya sa paligid at nakita ang isang puno. Agad niya itong inakyat ngunit hindi pa man siya nakaka abot sa tutok ay nadulas na ang kanyang paa at nahulog. Laking gulat niya ng hindi maramdaman na madakit ang kanyang pagbgsak. Nang idilat niya ang kanyang mata ay nakita niya ang isang lalake. Itim ang mata at itim ang buhok. Nakakatakot ang presensya nito ngunit ang itsura ay maayos at mabuti.
"Binibini, sa susunod ikaw ay mag ingat. Dahil baka wala nang sasalo sa iyo" sambit ng lalake.
"Maraming salamat ginoo. Utang ko sa iyo ang buhay ko" pagpapasalamat niya sa lalake.
"Hindi mo gugustuhin na maging utang mo ang buhay mo saakin!" Galit na sigaw ng lalake at dali dali itong tumalikod. Nagsimula siyang maglakad palayo at dahil sa gulat ni Zoi ay hindi siya nakapagsalita agad. Ngunit bago pa man tuluyang makalayo ang lalaki, kanya itong tinawag.
"Saglit! Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Napatigil ang lalaki at muling lumingon kau Zoi.
"Thanatos. Ngunit maaari mo akong tawaging Than" sagot nito bago tuluyang umalis.
YOU ARE READING
The Theory of life and death
RomanceThis is a short story of my theory about life and death