Lumipas ang ilang buwan at mas naging malapit sa isa't isa si Zoi at Than. Nagkasundo silang isang beses sa isang linggo ay sila ay magkikita sa lupa.Nag daan ang taon na puno ng kasiyahan ang dalawa. Araw araw na ikinukwento ni Zoi si Than sa kanyang kaibigan sa si Amour. At inilakahad nito kung gaanon siya kasiya na nakilala niya ito.
Hindi nila namalayan na sila ay nahuhulog na sa isa't- isa.
Dumating ang araw na nalaman ng hari ng mga diyos na umalis si Zoi sa kanilang kaharian.
"Amour saan nagtungo ang aking anak?!" Galit na tanong ng diyos
"Humihingi ako nga tawad mahal na hari. Ngunit hindi ko makakayang sabihin sainyo kung nasaan ang inyong anak" nakayikong sambit ni Amour. Hindi niya kayang maging dahilan ng pag hihiwalay ng dalawa dahil alam niyang pag mamahal na ang namamagitan sa kanya. Sino ba naman siya upang sumira ng pagmamahalan gayon siya ang diyosa ng pag-ibig.
Dahil galit ng hari hinanap niya sa lupa ang kanyang anak. Nang makita niya ito. Nakita niyang may kayakap itong lalake, at hindi lamang basta lalake kung hindi ang anak ng diyosa ng ilalim ng mundo.
"Zoi! Lumayo ka sakanya!" Galit na sambit ng diyos agad nitong nilabas ang kidlat na sandata at itinutok sa lalakeng kasama ng anak.
"Ama maawa ka. Huwag mo siyang saktan. Niligtas niya ang aking buhay!" Pagmamaka awa ni Zoi sa kanyang ama. Kahit galit ang diyos, nagawa niya itong isantabi dahil sa pagmamaka awa ng anak.
"Pag- bibigyan kita ngayon. Ngunit sa susunod na lumapit ka aking anak, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka at iyong ina" pagbabanta nito.
"Zoi halika na!" Pag uutos nito agaf namang sumunod si Zoi sa kanyang ama.
Sa kagustuhan ng amang itago si Zoi mula sa diyos ng kamatayan. Inalis nito ang kaniyang kapangyarihan at ginawa siyang mortal. Siya ay ikinulong sa kanyang silid at tanging ang kaibigan at ama lang ang nakakapasok.
Dumaan g mga araw at hindi na kinaya ni Amour ang itsura ng kaibigan dahil sa kalungkutan.
"Sabihin mo saakin Zoi mahal mo na ba talaga Ang diyos ng kamatayan?" Tanong nito sa kaibigan.
"Mahal na mahal ko siya Amour" malungkot na sambit nito. Dahil sa kagustuhan ni Amour na sumaya ang kaibigan. Tinulungan niya itong makatakas at pumunta sa lupa.
"Maraming salamat Amour" pagpapasalamat ni Zoi sa kanyang kaibigan.
"Walang anuman Zoi. Sige na bumalik ka na sa iyong kasiyahan"
Nang makarating muli si Zoi sa lupa ay nakita niya kaagad ang kanyang pinakamamahal sa kanilang tagpuan. Agad niya itong niyakap at sinabing siya ay sasama sakanya dahil hindi niya makakakayang mawala ito. Ganon din naman ang nararamdaman ni Than.
Ngunit hindi nakalagpas sa diyos ang balita na pagkawala ng anak. Ang kanyang naisip ay baka ito ay ginayuma ng diyos ng kamatayan ang kanyang anak. At dahil sa galit agad siyang bumuba sa luoa at hinanap ang anak. Nang makita niya ang lalaking kasama nito ay nag init ng todo ang kanyang ulo.
"Hindi bat sinabi kong layuan mo na ang aking anak!?" Sigaw nito, inilabas ang kanyang sandata agad itong ibinato patungo sa lalaki.
Agad namang humarang Zoi upang labanan ang kapangyarihan ng ama Ngunit nalimutan nitong isa na pala siyang mortal at wala nang kapangyarihan. Agad na bumagsak sa lupa ang walang malay na katawan ni Zoi.
Agad na lumuhod si Than at niyakap ang katawan ng kanyang mahal. Sa sobrang pagkakonsensya ng hari ay hindi niya magawang lapitan ang anak.
"Bakit mo to ginawa aking mahal?! Bakit mo ako iniwan?!" Umiiyak na sambit ng lalaki. Dahil sa kanyang galit ay lahat ng taong kanyang makita ay kanyang pinatay.
Ito ang dahilan kung bakit lahat ng tao ay takot sa kamatayan.
Lumipas ang mga araw na ganito ang gawain ni Thanatos nabalot ng lungkot ang kanyang buhay. Hanggang sa napagdesisyunan ng kanyang ina na ipadala siya sa lupain ng mga kaluluwa. Upang siya ang mamahala sa mga kaluluwa ng patay.
Nang makarating siya dito nagulat siya nang makita ang isang babaeng rosas ang buhok at nakangiti sakanya. Agad niyang napagtanto na ito ay ang kalululuwa ni Zoi. Lumapit ito sakanya at nagsalita.
"Kamusta mahal? Ngayon ay lagi na tayong magkakasama"
The end
YOU ARE READING
The Theory of life and death
RomanceThis is a short story of my theory about life and death