Habang nag-lalakabay si Thanatos pabalik sa kanilang kaharian, sa mundong ilalim. Hindi niya lubos matanggal sa isip ang babaeng kanyang nakilala sa Lupa.
"Ang kagandahan niya ay naiiba kumpara sa mga babaeng aking nakasalamuha" ani nito sa sarili.
Nang makarating siya sa kanilang lugar ay agad siyang nakakuha ng malakas na sampal mula sa kaniyang Ina. Hindi na niya naisip ang sakit dahil araw araw naman niyang dinadanas ito,ngunit ang kanyang inisip ay kung ano nanaman ba ang dahilan nito.
"Hangal ka! Hindi ka ba nag iisip? Nasa kamay mo na ang diyamante ngunit ito ay pinakawalan mo pa?" Sigaw ng kanyang ina, ngunit hindi maintindihan ni Than ang sinasabi ng kanyang ina.
"Anong ibig mong sabihin Ina?" Tanong niya. Na nagingdahilan nanaman ng isang sampal.
"Bakit mo hinayaang makatakas ang anak ng Mortal nating kaaway. Wala ka bang utak!? At hindi lamang iyon niligtas mo pa ang kanyang buhay!? Nahihibang ka na ba?" Galit na galit na sambit ng ina.
"Ngunit wala naman siyang ginagawang masama saakin. Kung ano man ang alitan niyo ng hari ng mga diyos ay huwag niyo kaming idamay!" Sigaw nito pabalik sa ina.
"Nakalimutan mo na ba? Ikaw ay diyos ng kamatayan. Ikaw ay pumapatay at hindi bumubuhay Thanatos!" Parang torong sigaw ng diyosa.
"Hindi ko naman ginusto ang maging diyos ng kamatayan!" Diin niya at agad na umalis dahil sa galit at kalungkutan, dahil hindi sila maaaring magkasama muli ng babaeng kanyang nakita.
Lumipas ang ilang araw at napagpasyahan ni Thanatos na bumalik sa lupa. At sa di inaasahan nakita niya muli ang babae.
"Thanatos!" Sigaw nito.
"Ikaw pala uhmmm?" Ngayon niya lang napagtanto na hindi niya pala naitanong ang pangalan ng babae.
"Zoi. Ang pangalan ko ay Zoi" nakangiting sambit nito. Tumango naman si Than. Ngunit ng makita niyang papalapit si Zoi ay agad siyang lumayo.
"Pasensya na Zoi ngunit hindi tayo maaaring magkasama. Hindi mo ba alam na ako ay diyos ng kamatayan!?" Pagtataboy niya dito.
"Alam ko. Ngunit wala akong pakialam kung sino ka man, ang importante ay iniligtas mo ang buhay ko. Kaya para saakin mabuti ang iyong puso." Nakangiting sambit nito. Walang masabi si Than sa mga salitang binitawan ni Zoi, nanatili lamang siyang nakatitig sa kagandahan nito.
"Hali ka at tayo ay mag saya. Upang ako ay makabawi sa kabutihan mo" inilahad ni Zoi ang kanyang kamay.
"Ngunit-" hindi na naituloy ni Than ang sasabihin nang putulin ito ni Zoi.
"Hindi Maaaring tanggihan ang tawag ng prinsesa ng mga diyos at diyosa Thanatos" walang nagawa si Than kundi tanggapin ang kamay ng diyosa.
YOU ARE READING
The Theory of life and death
RomanceThis is a short story of my theory about life and death