Chapter 7

88 67 0
                                    

The Smile



"Goddamnit, Samantha. Sinabi ko naman sa'yo na hihintayin na lang kita." Enzo is mad. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manubela.




Nanatiling tahimik lang ako. Hindi ako makaisip, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko, kung ano ang uunahin ko.




Nanuyo ang lalamunan ko at halos hindi ko maikurap ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Ngayon ko lang nakitang magalit si Enzo. Ngayon lang niya ako nasigawan.



Pinipigilan kong tumulo ang luha ko dahil ayaw kong umiyak sa harapan niya kahit hindi ito ang unang pagkakataong umiyak ako sa kaniya.



Deretso pa rin ang tingin ko sa kalsada. I didn't dare to move nor talk. Para akong batang napagalitan dahil lang sa isang ice cream.



Lumipas ang limang minuto ay narinig kong huminga siya ng malalim. "I'm sorry. Nag-alala lang ako," mahinahon niyang sabi.




Wala kong masabi kaya napayuko na lang ako. Buong biyahe ay nabalot kami ng katahimikan. Gustuhin ko mang magsalita pero wala akong lakas na loob para mailabas ang mga ito.




Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng bahay. Narinig ang pagsara ng pintuan kaya agad naman akong lumabas ng sasakyan niya.





Pinanood ko siyang papalapit sa akin habang ang isa niyang kamay ay nasa bulsa niya. Alam kong kagagaling niya lang sa kompanya nila dahil medyo magulo ang kaniyang buhok.



"Tinawagan ka ni Cel, dba?" Tanong ko agad sakaniya nang makarating siya sa tapat ko. Malalim ang titig niya sa akin bago siya huminga ng malalim.

"Yes, kaya nagmadali akong pumunta sa university," sagot niya. Ito ang ayaw ko. Nakakaabala ako ng mga tao. Ba't ba kasi hindi na lang si Cel ang pumunta?

"Kailangan ka na nila sa kompanya ninyo, Enzo. And thank you dahil dumating ka," ani ko at niyuko ang ulo ko. Naramdaman kong inilapit niya ang kaniyang mukha para magkatagpo ang mga mata namin.

"Nag-alala lang ako, pasensya na sa inasta ko kanina. I just don't want my bestfriend to be in danger." Niyakap niya ako ng mahigpit. Dahil sa matangkad siya ay naibaon ang ilong ko sa balikat niya sapat na para maamoy ko ang pabango niya.


Yeah, bestfriend. I'm thankful to have him as my bestfriend.


Kumalas siya sa pagyakap at hinawakan niya ang balikat ko. "Ano? Okay ka na? Huwag ka nang sumamimangot," ani Enzo at ginulo ang buhok ko.

"Oo na," mataray kong sabi at ipinatanong niya ang kamay niya sa ulo ko. Anubayan! Ambigat pa naman ng kamay niya. Ngumiti siya at tumawa ng mahina.





Napawi naman na ang bigat na nararamdaman ko nang makita ko siyang ngumiti. Smiles are powerful enough to heal you.



"Pasok ka na baka kanina ka pa nila hinihintay," ani Enzo at tinanggal na niya ang nakapatong niyang kamay sa ulo ko. Inirapan ko na lang siya bago ko siya tinalikuran.

"Thank you, Enzo!" Kumaway ako sa kaniya at ngumiti. Sinuklian niya rin ako ng ngiti at kumaway pabalik. Makapasok na nga bago pa ako mahimatay sa labas.





What a day. Ang daming ganap sa iisang araw lang. Dumiretso na ako sa kwarto at tumalon sa kama. Nakatitig lang ako sa dingding nang maalala ko si Kean.




Kumusta na kaya siya? Nakauwi na kaya?




Nang maihatid na ako ni manong ay nakita ko ang monsoon grey na Audi Q5 ni Kean sa nakahilerang mga sasakyan.




The Last PetalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon