Chapter 22

34 11 3
                                    

Every Heartache











Panay ang simangot ko simula nang nakalabas na kami ni Cel sa kwarto ni Kean. Masakit nang makita kong malungkot siyang umalis.










"Nasaktan ko yung tao, Cel." Tumulo agad ang luha ko pagkatapos ko itong masambit. Nasasaktan din ako, sumisikip ang dibdib ko sa tuwing inaalala ko ang nangyari.

"Yan ung plano mo, dba? Pero tingnan mo, hindi mo rin pala kaya sa huli."












Bakit ganun? Lumaban ang pagsisisi. Hindi ko kayang ipadama ang sakit na naramdaman ko noon sa kaniya? Pero kapag siya, sobra ang sakit na naramdaman ko.












"Ano na balak mo ngayon?" Tumingala ako sa kaniya na kanina pang nakatayo. Hindi ko na talaga kayang lokohin ang puso ko ngayon.

"Ipapadama ko na sa kaniya na gusto ko rin siya." Umawang ang bibig niya at kumunot ang kaniyang noo. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pagkatapos kong sabihan siyang iwasan niya ako. Napakatanga ko, napakabobo ko.












Sinamahan na namin silang lahat sa hapag kainan. Nakita ako agad ni Joaquin kaya lumapit siya at hinawakan ang siko ko.












"Okay ka na ba? Nabalitaan ko ang nangyari kanina. You should've waited for me," tanong ni Joaquin habang nakatingin sa paa ko.

"Okay lang ako. Hindi naman nagtagal yung sakit eh." Ngumiti ako sa kaniya at biglang nahagip ng mga mata ko si Kean na nasa tabi ngayon ni Gabrielle.












Seryoso siyang nakatingin sa aming dalawa. He is glaring, yung pwede ka nang mapatay ng mga titig niya. Dahan-dahan akong hinila ni Joaquin papunta sa dining table.












Gosh! Magkaharap pa naman kaming dalawa ni Kean. Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya. Panay ang iwas ko habang napupunta sa harap ang tingin ko.












"Kamusta pala ang pagiging cellist?" Nabigla ako sa tanong ni Gabrielle kaya nabilaukan ako. Naghanap ako g tubig pero walang baso sa harapan ko ngayon.












Nanlaki ang mga mata ko nang may dalawang basong nagpakita. Galing kay Joaquin habang ang isa ay galing kay Kean. Tumingin ako kay Kean na ngayo'y uminom ng alak.












"Nabilaukan ka na nga lang, hindi ka pa iinom." Ibinigay na mismo ni Joaquin ang baso ng tubig sa akin dahil kinuha niya ang kamay ko. "Ha? Salamat," ani ko habang nauubo.

"Okay naman baka babalik ulit ako next week sa pagtugtog," sagot ko sa tanong ni Gabrielle. Kasinungalingan lang ang lahat dahil hindi na talaga ako makakatugtog.

"Really? Then, I can't wait to see you play. May I have your number?" Sina Cel at Joaquin pa lang ang nakakaalam sa bagong number ko. Tatanggihan ko na sana pero bigla niyang inilahad ang kaniyang cellphone.

"Sure?" Nagdadalawang-isip kong sagot bago ko kinuha ito. I immediately typed my new number. "Finally, may bago na akong ka-textmate. Salamat!" Tuwang-tuwa si Gabrielle nang makuha niya ang aking numero.

"Huh? Nga pala, nagchange number ka ba?" Napatingin ako kay Dylan na nakatingin sa phone niya. I knew it! Ayokong ipagkalat ang bago kong number kahit sa kanila.












The Last PetalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon