CHAPTER 9

0 0 0
                                    

"SUNDUIN kita bukas?" pinigilan nyang wag matawa dahil sa nakitang gulat sa mukha ni Joyce nang sabihin nya yun. Yeah mahal ni Zero ang babaeng kasama sama niya hanggang sa paglaki.

Pero hindi nya masabi sabi dito kasi magkababata sila at ayaw nyang iwasan sya nito.

Kaya nang sabihin nitong iwasan nya ito hindi iyon matanggap nang puso nya kaya laking pasasalamat ni Zero kay Queenie nang alukin nitong sakanila na magtrabaho kasi wala na itong dahilan para layuan niya.

Pero akala nya hindi na sila magkakalayo pero ang ganda magbiro ni Tadhana kasi isa sya sa nakapasa bilang isang scholar na makakapag aral sa ibang bansa.

Nakaalis sya nang bansang hindi man lang nasasabi dito ang nararamdaman nya kaya nong sinabi nyang makakasalan nya ito he mean it but for Joyce it's just a joke.

Kaya Laking tuwa nya nang magkasama sila nitong mag aral sa ibang bansa pero may aksedenteng nangyari bigla nalang itong nawala nong nagising sya sa isang kwarto na sya nalang mag isa alam nyang may kasama sya sa kwarto nang mga sandaling yun kasi nakita nya pa ang mantsa nang dugo sa bedsheet pero wala syang idea kung sino ang babaeng nakasama nya doon.

Hinanap nya noon si Joyce pero wala hanggang sa pinagbigyan sya nang tadhanang makita ito sa mahabang panahon halata pang pinagtataguan sya nito nong nagkasabay sila sa elevator gustong gusto nya itong kausapin pero pinipigilan nya ang sarili nya

Hanggang sa dumating na inamin nitong may anak sya dito wala itong kaide-ideya sa sayang naramdaman nya dahil sa sinabi nito.

Hanggang sa napagpasyahan nyang makipagbreak kay Eljoy kasi hindi nya naman talaga ito minahal pinilit lang sya nitong maging boyfriend sya.

"Zero alam na namin ang may kagagawan nang mangyari kay Joyce..." Nabalik sya sa realidad nang marinig nya ang boses ni Henry buti nalang at hindi nagising si Joyce

"Ano? Who?" Tanong nya nang hindi tumitingin dito

"Ayun sa imbistigasyon si Eljoy ang nag utos sa driver at nong kasama nito na baggain si Joyce...wag kang mag alala kami na bahala don wag mo nang ewanan dito si Joyce matatapos na agad to ... Sige alis na ko babalitaan nalang kita ulit kapag nakakulong na ang mga ito" sabi nito

"Salamat...Yow" sabi nya at lumingon dito nakita nya naman ang pagngiti nito

"Welcome Yow...alagaan mo sya pati ang anak nyo, andito lang kaming mga kaibigan nyo handang tumulong...sige na alis na ko" sabi nito at agad lumabas na hindi nya sya binigyan nang pagkakataon pang magsalita kaya hinayaan nya nalang.

"Z-zero alam ko ang nararamdaman mo pero please hayaan mo na makukulong na din naman sya eh" sabi nito sakanya at hinawakan na mahigpit ang kamay nya

"Mahal na mahal kita hindi man halata...Mahal na mahal ko kayo ni Clyden promise hindi na ako mawawala dito na ako hindi na ako aalis, aalagaan ko kayong dalawa nang anak natin...mahal na mahal kita" kitang kita nya kung paano umiyak sa kasiyahan si Joyce

"Mahal din kita...simula pa noon pero hindi ko sinabi yun kasi baka hindi tayo parehas pero ngayon masayang masaya ako kasi parehas tayo" sabi nito at hinila sya tsaka niyakap

"Mahal na mahal kita....mahal na mahal ko kayo" sabi ni Joyce

"MOMMY, PAPA" napahiwalay sya sa pagkakayakap dito nang marinig nya ang pagtawag sakanila nang anak nila ni Joyce

"Baby" masayang sabi ni Joyce at sumampa si Clyden sa hospital bed at niyakap si Clyden

"Salamat sa pagdala dito kay Clyden, Mond" sabi nya sa taong nagdala sa hospital sa anak nila

"Ok lang...sige alis na ko kailangan ako sa shop eh...Joyce alis na ko" paalam nito

"Ingat ka..." Sabi nito at nilaro ulit ang anak nila nang sila sila nalang pinagmasdan nya mag ina nya. Sobrang saya ni Zero kasi mabibigyan nya na nang kompletong pamilya ang anak nya

"Papa halika po dito" alok sakanya ng anak kaya nakangiti syang lumapit sa dalawa.

"Mama, Papa mabubuo na po ba tayo?" Tanong nito kaya nagkatinginan sila ni Joyce

"Oo naman Baby meron kanang Papa meron ka pang Mama" masayang sabi ni Joyce dito

"Tapos magkakaroon po ako nang baby sister" sabay naman sila natigilan ni Joyce pero pinandilatan sya nito kaya kinagat nya ang pisngi mula sa loob para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa mga labi nya

"Yes, ofcourse baby...as soon as possible---aray! What?" Kinurot kasi sya ni Joyce sa tagiliran

"Baby..tsaka na natin pag usapan yan ah...Tsaka Zero bumili kana nang Pananghalian natin nagugutom na ako eh" utos nito sakanya kaya natawa nalang sya

"Ok baby...hintayin nyo ako hah...bye bye" sabi nya hinalikan nya muna ang dalawa sa noo bago naglakad palabas nang kwarto ...

Nasa hallway na sya nang makasalubong nya si Eljoy. Akala nya nasa nakulong na ito...

"Z-zero thank god nakasalubong kita...please tulungan mo ako ayaw kong makulong please" pagmamakaawa nito sakanya pero nakaramdam lang sya nang pagkainis dito. Dahil sa inis nya hinawakan nya ito nang mahigpit sa braso

"Wala kang karapatang saktan nang ganon si Joyce, anong akala mo na kapag namatay si Joyce babalikan pa kita? Huh? At talagang makukulong ka dahil sa ginawa mo kahit kailan hindi ko sinaktan ang babaeng mahal ko pero ikaw...ang lakas nang loob mong ipapatay sya. Ngayon mamatay ka sa kulungan!" Sabi nya at hinila ito palabas ng hospital at nakita nya ang mga pulis na paranh may hinahanap kaya kinaladkad nya ito palapit sa mga pulis kahit nag mamakaawa pa ito sakanya na wag.

"Sir pansensya na po natakbuhan nya kami...iposas na yan!" Agad namang may lumapit na pulis sakanila

"Ito ang tatandaan mo Zero hindi ako makakapayag na maging masaya kayo...HINDI...hindiiii" sigaw nito sakanya

"Tama na yan pumasok ka nalang nang makulong kana" sabi nang pulis at Ipinasok na sa mobile si Eljoy tsaka umalis na

"Sige sir kami na pong bahala sakanya" sabi nito

"Salamat mga sir..." Sabi nya at lumakad na papuntang Resto para bilhan nang pagkain ang mag ina nya.

Sobrang saya nya kasi kompleto na sila, sobrang saya nya kasi kasama nya na ang mag ina nya na ilang taon nyang hindi nakapiling.

Sana hindi na matapos ang lahat nang to. Sana magtuloy tuloy na ang pagbuo nang pamilya nila.

Hindi nya na sasangayin ang pagkakataong na ibinigay sakanya nang tadhana hindi nya na ito sasayangin.

Agad din naman syang nakabalik sa hospital room ni Joyce nakita nyang nakatulog na ang dalawa kaya hindi nya matiis na pagmasdan ang dalawa.

"Joyce mahal, Sehun anak nandito lang ako para sainyo hinding hindi ko na kayo iiwan kahit kailan at sana hindi na matapos ang lahat nang nangyayaring ito. Mahal ko kayo"

Joyce and Zero story Where stories live. Discover now