T H R E E

6 0 0
                                    

here it goes, lol.

---------------------

"K-kuya, a-a-anong nangyayari sayo?" Nanginginig ang boses ko nang tanungin ko iyon.


Nanginginig sya ng maabutan ko dito sa condo at namamaga ang isang hita nya! Napansin ko din ang laki ng pinayat nya.


"A-are you okay?" Of course not, Elle! What a stupid question.

"I'll bring you to the doctor, okay? Please stay with me," Sabi ko. At dahil nga nang hihina na sya ay 'di na sya nakapalag sakin.


Dali-dali akong nag drive papunta sa hospital. I knew that there's something wrong with him nung una ko syang dinala dito.


Pagka-dating namin ay agad kong nakita si doc at sinabi ko sakanya ang nangyari. Inalalayan naman ito ng ibang nurse para i test.


"Alam mo, I always see you here," Sabi ng isang lalaki na tumabi bigla sakin.


Wait, sya yung nakabangga ko noon at sya din yung nakita ko na naka coat!


"Kyle," Sabi nya sabay abot ng kamay. Nagtaka pa ako nung una pero na gets ko din naman agad.

"Elle." Ang tanging sabi ko at nakipag shake hands sakanya.

"What are you doing here nga pala?" Tanong nya saakin.

"Para sa kapatid ko."

"Oh it's your brother? I thought he's your boyfriend, silly me!" Tatawa tawa nya pang sabi sa sarili nya ngunit 'di ko na sya pinansin.

"How--"

"Can you please stop? Can't you see? I want to be alone now, so please!" Nabigla naman sya doon at pati ako ay nabigla din.

"S-sorry, nag aalala lang kasi ako kay kuya." Pag papaumanhin ko. Ngumiti naman sya agad sakin.

"No worries, I understand you. Sorry also for being makulit, I'm always like this talaga."

"W-wait, are you a doctor?" Tanong ko dahil na cu-curious talaga ako.

"Mhm, resident palang ako," Sabi nya.

"Really? It's very unusual for me to see a doctor na makulit, no offense ha?"

"No worries again, lagi din nila sinasabi sakin 'yon hahaha" Natawa naman kami parehas.



Nag tuloy tuloy lang ang pag uusap namin. Ang daldal nya, infairness. Para syang 'di nauubusan ng topic. Wala din namang tao masyado sa hospital kaya siguro may time sya.



"Elle," Rinig kong tawag ni doc sakin. "Oh, Mr. Buenavides. What are you doing here?"


"Nothing po, nakikipag usap lang sakanya." Napatungo sya ng sabihin 'yon.

"Napaka kulit talaga, sige na bumalik ka na sa ward nyo at kakausapin ko pa si elle." Mahinahong sabi ni doc sakanya. Tumango naman ito agad at kumaway sakin bago umalis.



Pumasok kami sabay ni Doc sa office nya and nandoon na din si kuya.



"Pag pasensyahan mo na si Kyle ha, ganoon lang talaga yon. Ewan ko ba sa batang 'yon ang tanda tanda na eh, ang kulit parin," Iiling iling na sabi ni Doc sakin.

Hey, Buddy!Where stories live. Discover now