Chap6

33 2 0
                                    

MYK POV

Its early in the morning and I dont know why I woke up early. Nakaupo lang ako sa sala at umiinom nang gatas. Yeah, I love milk. Kasama sa diet ko to.. Gumising si Princess at niyakap ako sa likod, shes my Baby. Close na close kami. Lagi nya akong niyayakap at sakin sya lagi nagpapa baby. Nagiisang babae kasi samin tong magkakapatid kaya protective ako, ganon din naman kay Tim dahil bunso sya. "Oh? Bat ang aga mong magising?" niyakap ko nadin sya at hinalikan sa noo. "Eh ikaw? Himala Kuya? Ang aga mong magising?" tumingin sya sakin, acutally di ko din alam.

Nanonood lang ako nang Movie sa laptop at nakatambay ako sa sala. I remember kita pala rito bahay at bintana nang kwarto ni Leila kaya sumilip ako. Nakita kong parang may lumilipad na damit sa kwarto nya at tumayo ako at pinagmasdan ko ang bintana nya, nakita kong nagwawala sya. Natuluyan na ang gago. Tsk -Bulong ko sa sarili ko. Habang tumatagal nagaalala nako dahil di parin sya tumitigil siguro wala syang kasama sa kanila. Siguro hindi pa kumakain yun kaya ganyan. Umalis ako nang bahay "Hey Myk, where are you going? Ang aga aga pa ha?" Princess ask me and di ko sya pinansin at lumabas lang ako nang bahay.

Katok ako nang katok nang bahay nila Leila at di nya ako pinagbubuksan. Binuksan ko nalang ang pinto at pumasok ako.

LEILA POV

"AYOKO NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!'' Sabay bato nya nang isang baso. Umiiyak at nagwawala. Nakayuko nalang sya sa desk nya at humahagulgol. ''alam mo bang pwede kang manakawan? bukas ang pintuan nang bahay nyo" biglang sumulpot si Myk sa kwarto ni Leila at nagulat ito "Tangina nakakagulat ka naman eh. Anong ginagawa mo dito?" asar na tanong ni Leila. "Naaalibadbaran kasi ako, kanina pa kita nasisilayan sa terris namin na nagwawala. Natuluyan kana ba talaga?" pang aasar ni Myk. "Alam mo wala akong oras makipag asaran sayo ha? Nakikita mo ba ako ngayon? Ha? Nakikita mo ba ako? Muka akong Tanga." Humahagulgol na sabi ni Leila "Gago" sumagot si Myk at napatingin sa kanya si Leila. "Kinokorek lang kita muka kang Gago." --"Anong sabi mo?" tumayo si Leila at lumapit kay Myk. "Totoo naman. Muka kang gago, tignan mo nga yang sarili mo. Muka ka talagang gago. Literal na gago, umayos ka nga Leila. Walang natutuwa sa ginagawa mo! Pagkakaalam ko ang tagal na, sobrang tagal na. Wala na kayo ganyan kapa?" Seryosong sagot ni Myk kay Leila at biglang napaupo si Leila sa harap ni Myk at humahagulgol.

"Hoy! Tumayo ka nga dyan" tinatayo ni Myk si Leila. "Ayoko na! Ang sakit mong magsalita. Grabe ka! Tarantado ka." Umiiyak at sumisigaw si Leila. "Sorry na! Totoo naman kasi eh." Sinubukang patahanin ni Myk si Leila at pumaluhod ito at hinimas himas ang ulo nito. "Myk?" nagkatinginan silang dalawa at tinaas ni Myk kilay nya senyas nang bakit. "Inom tayo?"

Nasa sala silang dalawa at umiinom si Leila. Magisang tumutungga nang beer, tinitititgan lang nya si Leila habang ngumunguya nang Mani. "Alam mo mabo-bored ka lang dyan. Uminom ka kaya" sabi ni Leila at binato nang isang pirasong mani ni Myk si Leila. "Di ako tanga para uminom nang alak nang alas 11 nang umaga." --''excuse me. Tanghali na, tanga." sabay tungga nang alak. "Mahal na mahal ko sya Myk. Hindi ko alam kung bakit di ko sya kayang kalimutan." Biglang nagseryoso si Leila. "Twing sinusubukan ko syang kalimutan mas lalong minamahal ko sya. Alam mo yung pakiramdam na imbis na kalimutan ko sya nag fla-flashback lahat nang memorise namin. Hindi ko alam kung bakit." Lumuluha nanaman si Leila at di napigilang tumungga nadin nang alak si Myk. Pagkatungga ni Myk nang alak biglang nag ring cellphone nya at lumuwag ang pakiramdam nya Thanks god! -bulong nya sa sarili nya. "Hello Babe?" tumayo si Myk sa upuan at lumayo nang konti kay Leila.

Di ko alam bat ako nakikipag usap sa lalakeng yun. Narinig ko Babe kaya malamang girlfriend nya yun. -bulong nya sa isip nya at tumayo sya. Tumayo sya para kumuha pa nang isang latang beer sa ref kaso ubos na. Tumayo sya at nag sapatos lumabas nang pintuan at nakita sya ni Myk nagpaalam ito bigla at sinundan si Leila.

"HOY! SAN KA PUPUNTANG LASSINGERA KA!?" sumisigaw si Myk pero di sya pinapansin ni Leila. Sinundan nalang nya si Leila at pagewang gewang ito. ''This is so fuckin insane. I cant even tell if shes a girl!" sabi ni Myk sa sarili at nakita nyang pumasok si Leila sa 711 at bumibili nang another set of beer. "Mam, 310pesos po" kinakapkap ni Leila ang bulsa nya pero sa sobrang lakas tama nya wala pala syang dalang wallet. Biglang nagpalag nang 500 pesos si Myk at sya na nagbayad. "Thankyou, babayaran nalang kita pagdating sa bahay." tinignan lang sya ni Myk pero naka shades na ulit to. "SERIOUSLY????????" sumigaw ito at nagulat si Myk. Nag walk out nalang sya at sabay na silang naglalakad.

Tumigil si Leila sa harap nang park at tinitignan lang sya ni Myk kinukutuban kung tatambay pa sya rito. Nagbuntong hininga nalang si Leila at naglakad ulit.

Pagbalik nila sa bahay ni Leila umupo ito sa sala at ininom ang unang lata. Magkatabi silang dalawa sa sofa "Bakit di ka tumigil don?" --"Nag mo-move on na ako Myk. Please lang?" Natawa si Myk at tinignan lang sya ni Leila "Move on? Hahahahha! Tanginang move on yan." sinipa ni Leila si Myk. "Aray ko! Hay nako Leila. Ni hindi ko nga alam kung bakit pa kita sinasamahan dito eh.'' napatigil nang inom si Leila at tumingin kay Myk "Edi iwan mo na din ako." seryosong sagot ni Leila at napatigil si Myk. Naramdaman nitong seryoso talaga sya at bumilis tibok nang puso ni Myk.

Alas 3 na nang hapon at kakatapos lang nang pinapanood nilang Movie. Si Leila ay nakatulog na, kinuha ni Myk yung Jacket ni Leila sa tabi at inayos nya nang higa si Leila. Kinumot nito Jacket nila at tinignan nya sya. "move on na te" bulong nya at iniwan nya si Leila. Ni lock nito ang pinto at umuwi sya.

MYK POV

Pagkauwi ni Myk nakita nya si Timothy na may kasamang babae sa terris nila. Lumapit si Timothy kay Myk "Kuya.." --"Oh sino nanaman yang dala mong babae. Hanggang dito may chicks ka?" Sabay akbay nito sa kapatid nya "Wag kang maingay Kuya, type ko sa room namin to" umiling nalang si Myk "Umalis kana, baka magustuhan kapa nito. Alis!" --"Aba sira ulo to" Umakyat si Myk sa kwarto nya at naligo nag ayos at bihis to.

Paglabas nito nang kwarto nakahiga at nag la-laptop nanaman ang iba sa kwarto nya. "Tangina anong ginagawa nyo dito?" nagulat sya at nagtawanan silang lahat. Sila Calvin, James at Tyler. "Wala kaming magawa kaya ikaw pinuntahan namin" Sabi ni Calvin. "Ayos si Tim ha? May pinagmahanahan? Chicks dala nya ha?" Sabi ni James. "Lul, mas matibay lang talaga kapatid ko kaysa sa inyo" tawanan silang lahat.

Nakatambay sila sa sala at nagtatawanan at inuman. Biglang may tumawag kay Calvin ''Hello? Oh bat ka napatawag? Ice cream? Leila san ako hahanap nang Hotcake? Alas sais na nang gabi? Oo na sige na Ice cream nalang. Sige bye" Binaba ni Calvin at natawa si James, "lasing nanaman ba si Leila?" tanong ni James at di nagsasalita si Myk. "Oo eh, sabi dun sa 711 kanina bumili nanaman si Leila nang isang set nang can. May kasama nga daw eh." nabinlaukan si Myk dahil di nila alam na sya yung kasama. "Sige alis muna ako saglit. Bibili ko lang yung babaeng yon. Langya" tumayo ito at kinuha yung susi nang kotse. "Sama ako bibili din ako nang yosi." Sumama si Myk at nasa 711 sila. Habang nagbabayad na sila nagkatinginan yung Cashier Girl pati si Myk, "Oh sir kayo po pala. Magkakakilala pala po kayo." --"Oh? Magkakilala narin pala kayo?" tanong ni Calvin habang kumukuha nang pera. Sumesenyas si Myk na wag maingay at nakuha agad nang Cashier kaya di na sya nagsalita.

Habang nag dri-drive sila papunta kela Leila nag umpisa nang magtanong si Myk. "Kailan pa kayo naging magkaibigan ni Leila?" habang nagsindi sya ng yosi. "Simula nung High School. Nagkakilala kaming lahat, baliw yan si Leila dati." biglang sumagot si Myk "Halata naman ngayon eh." tinapik ni Calvin si Leila. "Seryoso! Baliw baliwan yan si Leila dati. Kaya nakasama namin agad yan. Lakas toyo sarap kasama at lakas din trip. Parang ikaw nga! Hahaha!" --"hoy anong ako? Di ako matoyo katulad nun no!" nagtawanan ang dalawa.

LOVE HURTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon