Chap28

22 2 0
                                    

Nasa party na sila ni Tyler pero wala pa si Leila halatang kanina pa may hinahanap at sinisilayan si Myk kung saan saan at napapansin na nang lahat "tignan mo si Myk, kanina pa di mapakali yan. Tila may hinahanap" bulong ni James kay Calvin. "Oo nga eh." Lumapit si Calvin kay Myk "okay ka lang dude?" Tanong ni Calvin kay Myk "Oo naman. Bakit?" ---"Halata ka eh, chill kalang." Nagulat si Myk at uminom nalang.

Nang ilang oras dumating na si Leila ang kanina pang hinihintay ni Myk. Lumapit ito at niyakap sila isa isa, nagkatinginan si Myk at Leila. "Hi!" Bati ni Myk at lumapit si Leila para yakapin din si Myk. "Grabe! Party!! Mukang mapapainom nanaman ako ha?" Tuwang tuwa si Leila at nagsimula na silang mag party.

Halos madami na silang lahat nainom at si Leila nakaupo lang sa isang tabi at may kausap na babae nang biglang may lumapit sa kanyang lalaki para makipag kilala. Tatlo sila at nakita nila Calvin, James at Myk. Biglang sumulpot si Tyler. "Yoooow! Grabe! Ang daming babae!" Bulabog ni Tyler at nakatingin lang silang lahat sa lugar na kung nasaan si Leila at napatingin din si Tyler. "Ayos. Chicks talaga to si Leila!" Sabay apir nila ni James. Nagtawanan na sila at inalis na ang tingin kay Leila, pero si Myk ay natingin parin. "Myk.." biglang salita ni Calvin at nagulat si Myk at napatingin lang kay Calvin "You okay?" Ngumiti si Myk at tumaas nang kilay at nagpapaka saya sila.

Mag 1:30am na at di na nila alam kung nasan si Tyler, nalasing na si James at umalis may kasamang babae. Si Calvin ay may kausap namang babae, si Myk ay nakaupo parin sa lamesa kung nasan sila at si Leila ay ganun din. Nakita ni Myk na umakbay ang lalaki kay Leila nagulat ito, pero tinanggal ni Leila ito at binalik nanaman nang lalaki at nagalit si Leila..

-

"Ano ba?" Biglang napataas ang boses ni Leila at nagulat ang lalaki "Oh bakit? Umaakbay lang naman ha?" pasigang sagot nang lalaki dahil madami naring nainom. "Seriously?" Sagot ni Leila at mag wa-walkout nato nang biglang hinawakan sya nang lalaki. "Hey.. Sorry." Sabi nang lalaki "Let me go!" sabi ni Leila nang biglang dumating si Myk "Whats going on?" Tanong ni Myk at ngumisi ang lalaki "Superman?" Tanong nang lalaki "Bitawan mo nalang sya dude" maayos na salita ni Myk "Myk please. Walang gulo okay?" Sabi ni Leila at binitawan sya nang lalaki "Thank you." Sabi ni Myk sa lalaki "Gentelman huh? Ganyan na pala ngayon. Dagdag porma dude?" Biglang nagsalita ang lalaki nang biglang humarap si Myk sa lalaki at nabadtrip. Pero nagulat si Myk nang biglang umeksena si Leila "Anong sabi mo? Sira ulo ka ha?" Nagulat si Myk at natulala sa ginawa ni Leila natawa ang lalaki at tumayo sa kinauupuan nya "Oh bakit? Pumoporma lang yan sayo eh!" Sagot nang lalaki at dinuro si Myk, biglang sinuntok ni Leila sa nguso ang lalaki. Lumaki ang mata ni Myk at nagulat dumating sila Calvin at Tyler para awatin. "Wag na wag mong pagsasalitaan ang kaibigan ko nang ganyan ha? Napaka bastos mo na nga napaka kitid panang utak mo! Ang pangit mo ulul!" Sigaw ni Leila "Tang...i...na..." bulong ni Myk sa sarili. "Makaalis na nga! Baka magulpi pa kita." Umalis si Leila at sinundan ni Myk.

-

Nasa labas na si Leila at sumunod si Myk. "Ang epic nang ginawa mo!" Sabi ni Myk at tawa sya nang tawa. Dinedma ni Leila si Myk at naglakad parin... "Hoy Leila!" Sigaw ni Myk. "Huuuy!" Inawat ni Myk sa paglalakad si Myk. "Anong problema mo!?" Tanong nito at nakita ni Myk na may sugat ang kamay ni Leila "Tignan mo oh, masakit?" Tanong ni Myk at nakatingin lang si Leila sa kanya. Nilabas ni Myk ang panyo nya at ipinulupot ito sa kamay ni Leila. "Bat ka andito? Bat mo ginagawa to?" Nagtanong si Leila at seryosong nakatingin kay Myk. "Syempre magkaibigan tayo eh!" Kampanteng sumagot si Myk at tumingin kay Leila, pero nakita nyang napapaluha na si Leila at seryosong nakatitig sa kanya si Leila. "Leila?.." --"Myk, ang bilis nang tibok nang puso ko.." seryosong nagkakatinginan si Leila at Myk nang biglang may tumawag kay Myk. "MYK!! Babe.." si Angel.

LOVE HURTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon