Chap12

14 1 0
                                    

LEILA POV

Nag aayos na sila nang gamit dahil pauwi na sila. Lumabas sya para bumili ng mga souvenirs kasama nya si Tyler, tuwang tuwa si Leila dahil sa mga kalokohang ginagawa nila at trip ni Tyler. Habang tumitingin sya may nakita syang bracelet. ''Tyler!!" --"Oh bakit?'' lumapit si Tyler sa kanya at biglang may nilagay si Leila sa kamay nyang bracelet. ''wow! thankyou!'' bumili sya nang 2 pa para kay James at Calvin..

Nasa kotse na silang lahat at tulog silang lahat. Si Tyler ang nag dri-dive dahil sobrang pagod ang Mommy nya. Katabi nya si Myk at bigla syang may nilapag na kitchain sa hita ni Myk. ''Ano to?'' tanong ni Myk at nagulat. Isang peace sign kitchain na katulad nang tattoo ni Myk sa kanang balikat nito, nagulat si Myk at tinititigan yung kitchain. "salamat'' ngumiti lang si Leila at nag shades sumandal sa upuan at natulog.

Nag stop over sila sa Mcdonalds at kumain. Hapon na at gutom na sila.. Naiwan sa upuan si Leila at Calvin. ''Thankyou dito ha!" tukoy sa bracelet. ''Sorry wala akong naibili sayo.'' --"Okay lang yun ano kaba. Sobrang kulang pa ang bracelet nayan para sa pagpapasalamat ko sayo'' inakbayan nalang ni Calvin si Leila at dumating na silang lahat para kumain. Pero wala si Myk, lumabas si Leila at tinatawag si Myk. "Myk?" nakaupo si Myk sa likod nang kotse at may kausap sa cellphone. Sinenyasan nalang ni Leila na kakain sila at bumalik si Leila sa loob pero bigla syang hinawakan sa kamay ni Myk. Nagulat si Leila at napatingin kay Myk "Oo. Pupunta ako, mag usap tayo. Ayokong isipin mo na tinatarantado lang kita. Sige na'' sabay baba ni Myk nang cellphone nya. "Myk?" binitawan sya ni Myk "Sorry. Akala ko kasi mababato ko yung cellphone, baka sumama ako. Mahal ko kasi yung cellphone ko eh'' bigla syang nagkalakad papasok nang Mcdo. 'Sira ulo -bulong ni Leila sa sarili nya at bumalik na silang dalawa sa loob.

LOVE HURTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon