KABANATA 1

29 4 1
                                    


"TALA, ano na naman bang ginawa mo?" Sapo ang ulong tanong ng Nanay niyang si Karisma Bautista.

Hawak nito ang papel na ibinigay niya. It's a demand letter from her school. Kailangan niyang magdala ng guardian bukas pagpasok niya sa school.

"Tala, nakikinig kaba sa'kin?"

Nag-angat siya ng tingin sa ina saka bumuntong hininga ng malakas. "Nay, wala ho akong ginawa."

"Kung wala kang ginawa bakit ako pinadalhan nitong sulat. Kakausapin daw ako ng Head Teacher ng school mo."

Napakamot ng ulo si Tala. Krystala Bautista. That's her full name. Kaya tumataginting na Tala as in bituin sa kalangitan ang palayaw niya.

"Nay, kung maka-reak ka akala mo ngayon kalang ipinatawag ng school ko."

Hampas sa ulo ang inabot niya sa Nanay niya.

"Iyon na nga e. Dati naman adviser mo lang ang nagpapatawag sa'kin, ngayon lang nangyare 'to." Naningkit ang mga mata nito sa kanya. "Siguro may sinaktan kana naman sa mga kaklase mo, ano?"

Bahagyang umusod palayo si Tala sa Nanay niya. Mahirap na, baka higitin na naman nito ang tainga niya. Aba, masakit 'yon!

"Nay, grabe ka naman. Ano namang akala mo sa'kin? Nananakit ng walang dahilan."

Bumuntong hininga si Karisma.

Sa boung school ni Tala. Walang may naglalakas-loob na kumanti sa kanya. Mula grade 4 up to now, nasa grade 12 na siya. Senior High. Takot parin sa kanya ang mga studyante. It all started when she's in Grade school, someone tried to bully her but at the end, the bully was the one who cried like a fucking baby when she punched his face.

Sa maliit na bayan ng San Jose. Kilala ang pangalang Krystala Bautista. Siya lang naman ang nag-iisang dalagang may kulay asul na mga mata. Bukod pa roon, siya ang nag-iisang katibayan na totoong may mangkukulam na nabubuhay sa mundo.

Someone cursed Tala when she's still in her mother's womb. A fucking witch who's in love with her father. But her father was in love with someone else, that's her mother.

Just like of what she read in fairytale books. That witch cursed me. Ang kaibahan ngalang hindi siya kagaya ni Sleeping Beauty na nakatulog pagkatapos matusok ng karayum. Nagkaroon siya ng kakaibang kakayahan na hindi tugma sa tulad niyang isang tao lamang.

Kinabukasan, kasama ni Tala ang kanyang Nanay na nagtungo sa opisina ng Head Teacher. Naratnan nila itong may kausap na babae. Maganda ito, sa tingin ni Tala ay nasa tatlongpo o mahigit pa ang edad nito.

"They're already here." Puna ng Head Teacher nilang maganda rin, hindi pahuhuli sa kausap nito sa ganda. Kahapon lang niya nalaman na napalitan na pala ang uugod-ugod at kalbo nilang head dati na si Mr. Pedong.

Pwee, ang sagwa ng apilyedo.

Umupo sila sa katapat na silya ng mga ito. Napansin ni Tala na masusi siyang pinagmamasdan ng babae. Naningkit ang mata niya nang may makitang kakaibang kislap sa mga mata nito.

This woman is not human! Kagaya ng bagong head ng school.

Isa iyon sa kakayahan ni Tala. Ang tukuyin kung anong klaseng nilalang ang kaharap niya.

"Hi, Mrs. Bautista and Krystala. It's nice meeting you two." Bati ng babae sa kanilang mag-ina.

Nagtaas lang ng kilay si Tala bilang pagbati sa babae. Habang ang Nanay naman niya ay nakipag-kamay rito.

Natawa lang ang bagong head ng school sa inasta ng dalaga. "I'm Narissa Castro, new head of San Jose National High School. And my sister, Narcissa Castro, counsel member of Mystic Island."

Mystic Island: The HumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon